"Love is a gamble. People risk their ordinary lives for something better... but because it's a gamble, it doesn't always work the way we want it and end up being farther down."
Minsan kahit sabihin natin na ayaw na natin na magmahal, hindi pa din natin maiwasan. Just because the past is painful doesn't mean the future will be. May mga bagay lang talaga na magiging atin ng panandalian pero hindi habambuhay. Parang mga taong nasa nakaraan na natin, panandalian lang na naging atin, why? Time and change lang ang may forever. Forever isn't meant to be used on physical things. It's for things we humans can't control.
Lahat ng bagay nagbabago. Kapag nagmahal ka, dapat matuto kang magmahal ng taong nagbabago. Kahit ikaw, hindi mo napapansin, pero nagabbago ka, it's called growing up. Sabi nga nila, minsan, pinagtagpo lang kayo pero hindi tinadhana. Hindi naman ibig sabihin na nasaktan ko noon ay lahat ng tao ay sasaktan ka na. Take some risk. Paano mo malalaman na siya na talaga, kung hindi mo bubuksan ang puso mo, kung patuloy mong isasarado yang puso mo? Yes, you've been hurt many times but hindi yun rason para sumuko ka, para sukuan ang mga taong mahal mo. Mahal mo 'di ba? Bakit mo susukuan? Oo, magkaka-sakitan kayo pero hindi ibig sabihin noon ay hindi mo na siya mahal, parte yun ng relasyon. Oo, mag-aaway kayo, magkaka-tampuhan pero hindi 'yun rason para iwan niyo ang isa't isa.
Sa love, give and take 'yan. Parehas dapat kayong magbibigay at tatanggap. Hindi pwedeng ikaw lang ang magmamahal at hindi pwedeng siya lang din ang magmamahal. Kung mahal niyo ang isa't isa, you should learn how to fight for your love. Hindi porket nag-away kayo break na agad, sumbatan na agad. No. Nowadays, iilan na lang ang mga relasyon na nagtatagal. Bakit? It's because makakita lang sila ng gwapo/maganda akala nila true love na. Minsan naman walang specific na status kung anong meron sa kanilang dalawa. Minsan... nakaklungkot 'man sabihin... minsan hindi nila alam kung paano ipaglaban ang pagmamahalan nila... na akala nila ang pagpapalaya sa isa't isa ang solusyon.
But SOMETIMES you really need to give up, to let go of the person you love. WHY? Kasi yun na lang ang choice mo para maging mas masaya siya. Let me share you my experience (because this is the last chapter of this book at sana may natutunan kayo).
He's my best friend, my lover. It's 7 months ago (April 18,2015) since the day na nag-confess siya na mahal niya ko. Yes, ang sarap sa pakiramdam na hindi lang pala best friend yung tingin niya sa'yo. Noong una, sobrang saya namin, sobra. Sabi nila ang swerte ko daw sa kanya. Oo, sobrang swerte ko sa kanya. Araw-araw kaming lumalabas, tumatambay, nagkwekwentuhan. Everytime na bored kami manunuod kami ng sine, kakain sa labas. Tanggap ako ng pamilya niya, ganun din ang family ko. Sobrang saya 'di ba? Sa 2 ko na ex boyfriend siya pa na hindi ko best friend ang may lakas na loob na magpa-kilala sa pamilya ko. Lumalabas din kami ng mga pinsan niya and it feels so good na tinuturing na kong parte ng pamilya nila. Masaya kami sa kung ano ang meron sa'min.
Akala ko okay na yung alam namin pareho na mahal namin ang isa't isa. AKALA.
Pakonti-konti nahihirapan na ko sa sitwasyon namin. Bakit? Everytime na may makikita akong texrt sa phone niya, I'm asking myself kung may karapatan akong mag0tanong, kung may karapatan akong mag-selos kasi 'di ba? WALANG KAMI. Nagseselos ako every time na may nag cocomment sa status niya na babae. Alam ko hindi lang ako ang nahihirapan. One time, he told me na maghintay lang daw ako. I waited. Suddenly, I can feel, the love between our soul is fading, slowly and it hurts. Marami na kaming pinagdaanan. Nagkakatampuhan, nag-aaway, nagkaka-selosan, akala ko, maayos pa, akala ko pwede pa, na may pag-asa pa. I was wrong. Humingi ako ng space, humingi din siya ng space, nagka-ayos, naging cold siya, na-sanay na ako.
Days are passing by, nasasanay na ako, nasasanay na siya na wala kami sa tabi ng isa't isa. Ang nakasanayang sweet messages ay napalitan ng sumbatan. Ang mga ngiti ay napalitan ng mga luha. Ang pag-ibig ay nabalot ng takot, kahinaan, at galit. Ang mga pangako ay nag-laho. Pero hindi ako sumuko. I keep convincing myself na he just need space to think, to realize that he loves me, that his love for me is true. I think that space will help both of us. Again, I was wrong. Nasanay akong walang
SMS, call or chat na natatanggap sa kanya. Oo, nagseselos ako sa mga naka-paligid sa kanya, sa mga tao na nakakapagpa-saya sa kanya na dapat ako lang ang may dahilan ng mga ngiti niya. Inaamin ko, nagka-mali ako kaya sinubukan kong ayusin.
For the last time, he told me he loves me... sinabi niya na yung pagmamahal ko daw ang pinaka the best. I was his strenght. I was his weakness. I was the one who make him smile. I was the one who can make him forget na hindi siya nag-iisa. I was.... I was... Nagso-sorry siya dahil hindi niya masuklian ang lahat ng ginagawa ko sa kanya. He also told me na mas makaka-buti na palayain na muna namin ang isa't isa. It hurts.
Masakit na 'yung taong nagbibigay lakas at nagbibigay rason para bumangon ka sa umaga, iniwan ka na. Masakit na 'yung taong bumuo sa'yo ay siya din na sisira sa'yo. Masakit na 'yung taong nag-bigay dahilan para mag-mahal ulit ay ang naging rason para hindi ka na ulit mag-mahal at mag-tiwala. Masakit na 'yung taong nagbibigay sa'yo ay ang naging dahilan kung bakit unti-unti ka ng nagbabago. Masakit na 'yung taong angbigay dahilan mag-tiwala ulit ay ang naging dahilan kung bakit ayaw mo ng mag-tiwala.
Sa loob ng 7 months, 2 months kaming hindi maayos. At sa dalawang buwan na 'yun ay ang pagbabago ng pagmamahalan namin. Masakit pero kailangan tanggapin pero kahit pala tanggap mo na hindi talaga pwede masakit pa din. He brought the sun into my life. He brought rainbow into my life. He's the curve of my lips. He's the reason why my eyes are truly happy... and it is sad that he became the reason why I lost myslef, my soul... it's sad that he turned my colorful life into black and white.
And this experience? Ito ang experience na napakadami kong natutunan. Natutunan kong ipaglaban 'yung taong mahal ko kahit maliit lang yung chance na maayos kung anong meron kami. Natutuan kong magpaka-martyr kasi alam kong wala na naman talaga. Natutunan kong lumaban kahit sobrang sakit na. Natutunan kong sumuko dahil kailangan. And at this moment (Dec. 14, 2015) , siya pa din, siya pa din ang hinihiling ko. Oo, may gusto ako, pero siya pa din ang mahal ko. I learned na hindi mo kailangan i-regret na minahal mo siya, na nakilala mo siya kahit sobrang sakit ng naidulat nila sa'tin, why? Dahil kahit sa maikling panahon, sumaya tayo.
May mga bagay lang talaga siguro na dapat hintayin sa tamang panahon. May mga bagay na kailangan nating hintayin at may mga bagay na hindi para sa atin. Para sa atin na nagmamahal, kailangan nating maging malakas, matutong lumaban, mag-patawad at higit sa lahat sumuko kung kinakailangan na talaga. Hindi masama ang sumuko lalo na kung wala na talaga. Tao tayo, napapagod at kailangan din ng pagmamahal.
"We should learn how to deal with our feelings. One wrong move and you can lose everythiing you have, even the person you love the most... and I make a wrong move."
---
A/N: Hope you support me on my next stories! xx (She's Back and the full story of The Day I Lost The Best Of You.)
Hope you learned something. Thank you for reading!
BINABASA MO ANG
#Pumapag-ibig
Документальная прозаItong librong ito ay para lamang sa mga kunwaring #Pumapag-ibig. #Pumapag-ibig daw pero nag-lolokohan naman pala. #Pumapag-ibig daw kaso hindi naman siya crush ng crush niya. #Pumapag-ibig daw kaso ipinagpalit siya. #Pumapag-ibig daw kas...