#TipsParaHindiMasaktanSaPagIbig

556 18 5
                                    

Ilang tips para hindi masaktan. Uhm. Ang mga tips na ito ay sarili kong opinyon. It is based on my experience. Hindi ibig sabihin na my experience eh nangyari na sa akin yung iba ay naisip ko lang talaga. Okay? Okay. Pero sana makatulong ito sa inyo.

Tip #1
Hwag Umasa
Hindi naman natin maiiwasan na umasa sa isang tao. Minsan na din akong umasa. Umasang mamahalin niya din ako. Umasa na magugustuhan din ako ng taong gusto ko. May mga tao talagang magpapakita ng sweetness sayo. Yung tipong aakalain mo talagang may nararamdaman siya sayo. Tapos ikaw naman aasa ka agad. Aasang mahal ka na niya. Alam niyo, may mga tao talagang sadyang sweet lang. I mean yung natural na sa kanila ang pagiging sweet sa LAHAT NG TAO. Hwag agad tayong mag assume na mahal o may gusto na agad sa atin yung tao. But may mga tao talagang torpe lang at hindi masabi sabi na mahal ka na pala. Pero dapat mag iinggat ka. Hwag umasa ng hindi masaktan. Pero kung may aasahan ka naman, hindi naman siguro masama ang umasa. Lemme tell you my story.

May nagustuhan ako noon. Sobrang gusto ko talaga siya. Sobrang sweet niya sakin. Lagi niya kong inaala. Lagi akong may Good morning at Good night text from him. Lagi kaming magka-text at magka-chat. Na-fall na ko sa kanya. Sino bang hindi mai-in love doon sa lalaking iyon? Imagine, gwapo siya, talented at heartthrob ng campus. Pero one day nabalitaan ko na lang may girlfriend na siya. Oh? Di ba? Parang siopao lang, binola bola at ako naman asadonh asadong gusto noya din ako.

Lesson? Hwag kang aasa sa isang taong hindi naman nag tatapat talaga sayo na gusto ka din niya. Dahil sa huli ikaw lang din naman ang masasaktan. Okay? Okay. Next.

Tip #2
Bawasan ang Expectation In Short Hwag Kang Assumera!
Hwag kang mag assume hija at hijo. Hindi porket sinabihan ka niya na "ILY" ibig sabihin niyan mahal ka na niya. Remember, wrong is spellin os wrong. Hindi naman niya ikakamatay kung ita-type niya ng buo ang "I love you". Hindi porket pina-kilig ka niya, mahal ka niya. Mga hija at hijo, uso ngayon yan. Mga pa-fall, pakikiligin ka tapos kapag nahulog ka na sa kanya saka ka iiwan sa ere. Oh? Sinong tanga? Ikaw. Hwag kang mag expext agad sa mga sinasabi niya. We are the highest form of animals. May isip tayo. Ang problema lang sa atin, masyado tayong nag-papadala sa bugso ng damdamin na nakakalimutan na natin gamitin ang utak natin. Ka-text ka lang lagi, mahal mo na. Hwag ganon. Hindi porket ka-text, ka-chat ka lagi mahal ka niya. Kung titingnan talaga natin walang ka-effort effort. Effort na ba ang pag-pindot sa keypad ngayon? Kung oo para sayo, napaka-baba ng standard mo sa isang lalaki. Ang effort pinag-hihirapan. Mahirap na bang pumindot sa keypad? Ang tunay na effort, yung dadalhan ka ng bulalak at chocolates sa bahay niyo. Hindi yung magkikita kayo sa kalye. Ang tunay na effort hatid sundo sa bahay o sa eskwelahan, hindi ikaw yung mag hihintay sa kanya. Babae ka. Kailan mo pa naging gawain ang mag hintay? Matatawag mong effort yan kung nakikita mong pinaghirapan talaga niya. Sa observation ko, ang tunay na effort yun yung mga traditional. I mean yung mga nanghaharana, love letters, giving flowers, chocolates, sa bahay nanliligaw at nagpapaligaw. Mas sweet kapag ganon. Mas mapi-feel niyo kung tunay ba ang pagmamahal ng isang tao. Okay lang mag expect pero bawasan, kumbaga yung tama lang. Alamin mo muna kung ano ba talaga ang posisyon mo sa buhay niya.

Tip #3
Hwag Tanga
Hwag kang tanga. Oo. In the other hand, hindi ka naman tanga, nagta-tangahan lang. Alam mo ng niloloko ka, ayaw mo pang hiwalayan. Alam mong hindi naman seryoso sayo, pinatulan mo pa. Kahit na lagi ka na lang niyang sinasaktan, ano? Ayon, umaasang sakaling isang araw magbabago siya. Srsly? Hwag tanga. Iniwan ka, hahabulin mo pa! Ipinagpalit ka na nga, hahabulin mo pa. Srsly? Madami pang iba diyan. Hwag kang magpaka-tanga sa isang taong ikaw na mismo ang inaayawan. Oh? Eh ano kung inayawan ka niya? Trust me. Isang araw, masasabi niyan sa sarili niya na sana hindi ka na lang niloko. Sana hindi ka na lang niya iniwan. Sana hindi ka na lang niya ipinagpalit. Hwag kang maging tanga sa isang taong walang ibang gawin ang saktan ka. Sobrang nasasaktan ka na ba? Bitawan mo. Lahat ng bagay na nagpapa-hirap sayo, bitawan mo. Hindi ka si Superman na kayang buhatin ang mundo. Enjoyin mo lang ang buhay. Kung nahihirapan, mag-pahinga. Pero huwag na huwag kang susuko sa mga bagay na alam mong worth it ipaglaban. Hwag mag tanga-tanghan. Hwag kang maki-uso sa mga tanga sa pag-ibig.

Tip #4
Hwag Kang Uto Uto
Hwag kang uto uto. Oo. Tama. Hwag kang magpapa-uto. Hindi ko naman sinasabi na lahat ng lalaki ganito. Pero madalas talaga ganito ang nae-encounter nating mga kababaihan. Yung sasabihin na tayo lang ang mahal nila. Hindi daw sila mabubuhay kapag iniwan natin sila. Srsly? Yun pala. Isang dosena ang pang reserba. Hindi sila mabubuhay ng wala tayo kasi pineperahan ka lang pala. Oh. I'm not saying na lahat ng lalaki ganito ha. Girls, siguro naman hindi naman talaga kayo tanga. Minsan lang talaga nagta-tangahan tayo, pero hwag gawing hobby ang pagiging tanga. Ikaw din ang kawawa. Yung IBANG lalaki diyan sasabihin "Baby, hwag mo ko ipagpapalit ha? Forever na tayo."
Walanghiya. Yung FOREVER niya pa lang sinasabi ay hanggat wala pa siyang nahahanap na mas maganda ang mukha sayo hindi ka niya iiwan. Yung sasabihin hindi daw siya susuko sayo, pero kapag nag away kayo, pag nag-hamon ka ng break up sasabihin
"Mas mabuti pa ngang mag hiwala tayo. Nakakasawa ka ng intindihin."
See? Ganyan ang karamihan sa lalaki ngayon. Puro salita, kulang sa gawa. Puro pangako, lahat naman napapako. Huwag kang magpapa-uto. Mahirap kaya mag move on. Wait for the right time at right place for the right person. Okay? Okay.

Tip #5
Hwag magpapadala sa bugso ng damdamin.
Ito ang hirap sa atin. Sa sobrang pagmamahal natin sa isang tao nakakalimutan na natin gamitin ang utak natin. Follow your heart but take your brain with you. Mahal mo lang dapat, hindi mahal na mahal. Mas mahalin mo ang sarili mo no one else will do. Lahat ng tao sasaktan ka. Lahat ng tao iiwan ka. Hindi porket mahal mo ibibigay mo na ang lahat lahat. No. Mag tira ka sa sarili mo. Bakit? Alam mo ba na siya na talaga ang pang habang buhay mong makaka-sama? Siya na ba ang taong sasamahan ka kahit anong mangyari? Kung sa konting away niyo lang ay sumusuko na siya? Sa mga panahong nag papalambing ka lang sa kanya imbis na lambingin ka niya sinasabayan pa ang init ng ulo mo? Set your limitation. Hwag magpapadala sa bugso ng damdamin. Hwag kang magpapadala sa alon baka mamaya matanggay ka na talaga niyan at hindi ka na maka-ahon.

P. S. Ilan lamang ito sa mga tips para maiwasang masaktan yet hindi naman talaga natin maiiwasan. Ang payo ko sayo hwag mo masyadong paka seryosohin ang LOVE. I-enjoy mo lang. Kung iniwan ka, it's not your lost. Okay? Okay.

#Pumapag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon