This chapter is about me. I'll share you some of my experiences. Mga experiences na nag turo sa akin ng mga bagay bagay sa buhay. Experiences na nagpa-realize sa akin na dapat hindi sa iisang tao lang iikot ang mundo mo kasi sooner or later maaaring mawala siya o iwan ka niya.
I want to share it to you kasi baka sakaling maka-tulong sayo.#MinsanNaAkong, umasa. Umasa sa taong kahit kailan hindi naman ako kayang magustuhan. This guy is so damn handsome. Famous sa school namin. Matalino. Heartthrob. Pero may mga nagsasabi na playboy daw yung lalaking yun. But anyway, kapag nakasama at nakilala mo siya mahuhulog talaga ang loob mo sa kanya. Why? He's so sweet. Napaka-bait niya. Napaka-maalalahanin. Lagi kaming mag kausap sa SMS at Facebook. Isang araw, may kumalat na rumor sa campus na nililigawan daw ako nung lalaki but hindi naman. Umasa ako na baka sakaling magugustuhan niya din ako. But I'm wrong. So wrong. One day, nabalitaan ko na lang na sila na nung transferee. Yes. Sobrang sakit. 'Yung taong sobrang mahal mo may girlfriend na. 'Yung taong nagpapa-ngiti sayo ay may mahal na, at ang ma-saklap, hindi ako yun. Hindi kami nawalan ng communication kahit may girlfriend na siya. Well, in fact pinagseselosan ako ng girlfriend niya pero pinagtatanggol niya naman ako. Sa akin siya nag o-open ng mga problema niya. Kapag nag aaway sila ng girlfriend niya sa akin niya sinasabi. Alam niyo yun? Parang sinasadya na saktan ako. Pero hindi naging hadlang yun na mahalin ko pa din siya. Hindi nagtagal nag break din sila. Ito na naman. Umaasa na baka ako naman ang mahalin niya. But I am wrong, AGAIN. We've lost out communication, he graduated high school. Oo, masakit. Kasi siya ang first love ko. Not my first boyfriend. 3yrs ko siyang minahal. Nung nag 4th yr lang ako naka move on. Pero nandito pa din siya sa puso ko. First love never dies but I believe that it can be replaced by our true love. Lesson? Kapag friends, hanggang friends lang. That's it. Do not expect na mamahalin ka din ng mahal mo. Huwag kang mag mama-kaawa na mahalin ka din ng taong mahal mo. Why? Minahal mo siya. Hindi naman niya inutos sayo na mahalin mo siya. Siguro may mga tao lang talaga na sobrang sweet at maaalalahanin. Yung tipong akala mo may gusto pala sayo because of their efforts pero natural na pala sa kanila yun. Kasama na pala yun sa personality nila.
#MinsanNaAkong Iniwan, Niloko at Nasaktan. Naka move on nga ako sa first love ko and suddenly someone entered my life. At first, takot ako. Takot ako na baka umasa na naman ako. Takot na kong mag mahal. Takot na akong masaktan ulit. Hindi ko siya pinayagan manligaw. Sabi ng mga kaklase ko at kaklase niya bakit daw, I simply answered they question:
" I'm afraid to fall in love again. I'm afraid that one day he'll leave me hanging. "I don't know. Para bang may pumipigil sa'kin na mag pa-ligaw sa kanya. Sabi nila bigyan ko daw ng chance. Napag isip isip ko na bakit ko nga naman bigyan ng chance. So, do I. Months passed. Sinagot ko siya. 1 month that is full of love. Pero nag bago ang lahat. Umabot kami ng 2 months pero napaka cold na ng relasyon namin. It was their barangay's fiesta, mag kasama kami kaso hindi kami nag papansinan. I don't have any idea kung bakit. That day nag away kami. Sa mga kaibigan ko na ako sumama mag kaaway kami sa SMS. Sabi niya nagsasawa na daw siya. Sabi niya pagod na daw siya. Masakit. Why? Kasi ito yung palagi niyang sinasabi:
" Myy, hanggang away lang tayo ha? Hwag kang susuko na intindihin ako. Kasi ako, hindi kita susukuan. Ako lang dapat kasi ikaw lang ang mahal ko. Hwag ka ng mag selos sa ex ko,ikaw ang mahal ko. Ikaw lang."Yan yung lagi niyang sinasabi sa'kin. And that night yan ang narinig ko. Parang what the hell? That night nakipag cool off siya. Wala akong magawa. Babae ako. Tao ako. I have my pride. Suddenly I saw her ex girlfriend's tweet, nagpapa-salamat sa boyfriend ko at sa kabarkada nila kasi hinatid siya. Napamura talaga ako ng mabasa ko yun. January 31, year 2015. Sorry. Matandain talaga ako sa mga date lalo na kung mahalaga yung nangyari or something special. I am with my former bestfriend. Itago natin sa pangalang Marco. Kumain kami sa Mcdo. Kwentuhan about our love life and his love life. Sabi niya sakin kung saan daw ako masaya susuportahan daw niya ako but he's giving me some advice. Let me tell you a secret. Sana hindi niya ito mabasa, aasarin ako nun. Gwapo siya. Sobrang gwapo. Haha. We took selfies. Sabi niya
"I-post mo yan Kapatid, selos yang ex mo."Dahil nga may pagka-baliw ako, I posted in on facebook. Tama siya. My ex texted me. Bakit daw ako nag post ng picture namin ni Marco. Blah blah blah. Madalas na kaming lumabas ni Marco pero may girlfriend na siya, we're bestfriend, sister-brother ang turingan. Feb. 14, prom namin. Oh, I forgot to tell you guys. Yung ex boyfriend ko na nga pala at yung ex girlfriend niya dati. Bravo right? I'm trying to move on. I'm moving on. Pero ginugulo niya ako. He an bis girlfriend is bothering me. Kung anu-anong sinasabi nila. Masakit pa din. Nag break na si Marco at yung girlfriend niya. Mas madalas kaming mag kasama. He promise that he'll never leave me what ever happens. Madaming nangyari. Recollection na namin noon, my ex gave me a letter saying na gusto na niyang hiwalayan yung girlfriend niya dahil na-realize niya na ako daw ang mahal niya. March 28, naging kami ulit. Sobra siyang nag seselos kay Marco. Maka-ilang araw nag break ulit kami. Why? Sinong matutuwa na may communication pa ang boyfriend/girlfriend nila sa kanilang ex? And grabe, ang sweet pa ng conversation nila sa messenger. I decided na mag momove on na talaga ako. Binlocked niya ako sa facebook. Sa isip isip ko na ang bitter niya. Yung girlfriend niya nag papayama sa mga tweets. Alam ko namang ako yun. Sus. Kahit na sila na ulit lagi pa din akong kinukulit ng ex ko. Ewan ko. Siguro nakatulong din sa akin si Marco. Why? Kasi pinapasaya niya ko. We watched Fast and Furious, hanging out together. Parang siya yung sumalo sakin nung mga panahong down na down ako. He keeps saying na hindi niya ko iiwan. Nakaka-gaan ng pakiramdam.
Its been 3 months and 27 days mula ng pinagtagpo ulit kami ng Bestfriend ko. And now we're just 'Bestfriends'. We love each other more than that. Hindi kami, pero ine-enjoy naming kung anong meron kami.
Tama. Kapag may umalis, may mas better na dadating. Don't rush things. Minsan yung ibang tao, they don't deserves second chance. Siguro sa pangalawang pagakakataon na iyon, maaaring magbago na siya o maaaring saktan ka lang niya ulit. Don't take all things seriously kumbaga. Mas masarap sa pakiramdam nung binitawan niya ko. And now I realized kung bakit niya ko iniwan at niloko. Pina-realize niya sakin na hindi siya ang para sa akin. Na kahit gaano pa ka-sweet at punong puno ng pagmamahal ang relasyon niyo pwede talagang magbago ang lahat.
Better things are yet to come. And I can say isa na sa mga better things na 'yun ay si Marco. I-enjoy mo lang ang buhay. Kapag iniwan ka, huwag mong habulin. Kapag niloko ka, huwag na huwag kang gaganti. Okay na ang ikaw ang masaktan at lokohin kaysa ikaw ang manakit at manloko. Remember, karma is bitch.
P. S. My message is open para sa mga gustong mag share ng stories nila. Badly needed. Don't worry I'll give credits. Bibigyan ko ng lesson and advice yung story niyo. To guide others. Thank you so much. I hope na nag eenjoy kayo sa pag babasa ng #Pumapag-ibig! Till the next chapter!
BINABASA MO ANG
#Pumapag-ibig
Non-FictionItong librong ito ay para lamang sa mga kunwaring #Pumapag-ibig. #Pumapag-ibig daw pero nag-lolokohan naman pala. #Pumapag-ibig daw kaso hindi naman siya crush ng crush niya. #Pumapag-ibig daw kaso ipinagpalit siya. #Pumapag-ibig daw kas...