Lahat naman tayo nakaranas ng manloko. Manloko sa magulang, sa kaibigan at sa KUNWARING MAHAL. Pero ang pag uusapan natin dito ay para sa mga #Pumapag-ibig. Ito lang naman ang masasabi ko sayo mahal kong manloloko.
P. S. Ito ay para sa iba't ibang version ng manloloko.
Alam mo ba ang taong niloko mo ay naghahangad ng tunay na pagmamahal? Ang taong niloko mo ay minsan na ding naloko. Ang taong niloko mo ay ibinigay ng buong buo ang pagmamahal at tiwala niya sayo. Napaka-swerte mo at binigyan ka niya ng pagkakataon. Pagkakataon na lokohin siya. Alam mo ba na ang taong niloko mo ay minahal ka ng tapat at totoo? Pero ikaw, hindi mo nakita 'yun. Paano mo nga makikita ang pagmamahal na 'yun kung ang hangad mo lang naman ay ang lokohin at paglaruan siya?
Nananahimik yung tao, pero dumating ka at nagpa-alam na manliligaw ka. Ngayong sinagot ka, lolokohin mo lang? Gusto mong biguan kita ng isang daang sampal at isang libong tadyak? Napaka-effort mong tao. Mas mabuti pang nag-laro ka ng Dota 2, Call of Duty at Special Force kesa paglaruan ang feelings niya. Hindi porket mabilis kaming ma-fall sa inyong mga lalake at may karapatan na kayong lokohin kami.
Hindi pa ba sapat ang oras at pagmamahal na ipinakita ng taong iyon sa'yo para lokohin mo? Kung ayaw mo na sa kanya, hwag mong buhayin sa kalokohan ang relasyon niyo. Kung naka-hanap ka na ng iba, iwan mo na lang siya. Mas makakabuti iyon kesa paniwalain pa siya na siya pa rin ang mahal mo.
Napaka-swerte mo dahil minahal ka noya ng tapat at buong buo may mga lalaki/babae diyan na naghahangad ng ganyang klaseng pagmamahal. Pagmamahal na tapat at totoo. Pero ikaw? Ang pagmamahal na iyon ay sinayang mo lang. Pilit kong itinatanong sa sarili ko, ano nga bang napapala ng mga manloloko? Yumayaman ba sila? Sumisikat? Oo. Sumisikat. Yun nga lang sa bansag na MANLOLOKO. Pinupuri? Nakakadagdag pogi/ganda points? Ah. Kasi doon sila masaya, ang manloko ng tao.
Masaya bang makakita ng isang tao na lumuluha ng dahil sayo? Masaya bang makakita ng taong nahihirapan dahil sayo? Masaya bang makakita ng taong takot na ulit sumugal sa pag ibig dahil minsan na siyang niloko? Masaya bang makita na naging masama ang taong iyon dahil siya ay niloko? Masaya bang makita na dahil sayo, takot na ulit siyang magmahal?
Kung wala ka namang balak na seryosohin siya, huwag mong ligawan. Kung wala kang balak na mahalin siya, hwag mong bigyan ng motibo. Kung wala kang balak na saluhin siya pag nahulog na siya sayo, hwag kang maging sweet at caring sa kanya. Marupok kaming mga babae. Tunay at tapat na pagmamahal lang ang hinahangad namin. Minamahal namin kayo ng totoo pero bakit niyo pa din kami niloloko?
#ParaSaMgaManloloko, sana ma-realize mo na mali ang lokohin siya. Sana ma-realize mo na mali ang saktan siya. Sana ma-realize mo na hindi mo siya dapat niloko. Tao lang din sila, nagmamahal at nasasaktan. Naghahanggad ng tunay na pagmamahal. Tao sila, na nagmamahal ng totoo. Hindi sila karapat dapat na lokohin at paglaruan lang. Oo, maaaring masaya ka o hindi mo naman talaga intensyon na manloko, pero sana pinag isipan mo munang mabuti. Sa panahon na nahanap mo na ang tunay na mamahalin mo, sigurado akong ikaw naman ang paglalaruan niya. Ikaw naman ang iiyak. Ikaw naman ang makakaramdam kung paano maloko ng minamahal. Ikaw naman ang sobrang masasaktan. At sana sa panahong iyon, magsisi ka. Sana sa panahong iyon, maalala mo ang isang taong sobrang minahal ka ngunit niloko mo lang. Masaya ka man o hindi mo man intensyon ang lokohin siya dadating at dadating ang panahon na sasampalin ka ng karma.
BINABASA MO ANG
#Pumapag-ibig
NonfiksiItong librong ito ay para lamang sa mga kunwaring #Pumapag-ibig. #Pumapag-ibig daw pero nag-lolokohan naman pala. #Pumapag-ibig daw kaso hindi naman siya crush ng crush niya. #Pumapag-ibig daw kaso ipinagpalit siya. #Pumapag-ibig daw kas...