#DearCrush

544 21 5
                                    

Dear Crush,
Crush, pwede bang crush mo din ako? Respeto naman oh. Pero okay lang kung hindi mo ako crush basta hindi ka din crush ng crush mo. Hihi.
Alam mo ba sa tuwing dumadaan ka sa hallway kulang na lang tumulo ang laway ko. Kasi naman, yung ngiti mo makalaglag underwear. Haha. Crush, kailan mo ba ako mapapansin? Haay. Hanggang pangarap na lang ba kita? Sa panaginip na lang bakita mayayakap at makaka-holding hands? Tanggap mo talagang hanggang friends na lang tayo sa facebook ano? Nakaka-lungkot naman. Hindi mo din napapansin ang mga tweet ko sayo. Ganun ba talaga? Aasa na lang ba ako sayo?
Ikaw yung dahilan kung bakit ako pumapasok ng maaga. Ikaw yung dahilan kung bakit ako pumapasok kahit malakas ang ulan. Ikaw ag dahilan kung bakit nai-inspire ako gumawa ng homeworks at projects ko. Tapos malalaman ko na lang na may GIRLFRIEND ka na? Masakit? Mashakit kaya. Shakit. Nakakainis naman to oh. Tatlong taon ako na laging tumatambay sa hallway para mapag masdan ko ang iyong mukha. Kulang na lang sipain ko ang mga nakaharang para mai-cheer ka lang tuwing may basketball game ka. Buti pa yung iba nakapag pa-autograph na sayo. Wala na ba talaga akong pag-asa sayo? Oo nga. Hindi ka nga crush ng crush mo kasi mahal niyo ang isa't isa. Pero ito lang ang masasabi ko.

"WALANG FOREVER"

-Anonymous :)

#Pumapag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon