#ParaSaMgaNaloko

354 13 3
                                    

#ParaSaMgaNaloko

Sa buhay, hindi talaga natin maiiwasan na maloko. Hindi maiiwasan na may isang taong lolokohin tayo. Okay sana kung isa lang e, kung isang beses ka lang lolokohin pero langy naman oh. Yung paulit ulit kang lokohin? Nakakasawang mag tiwala. Nakaka walang ganang pagkatiwalaan ang mga taong nakapalibot sayo. Kadalasan, naiibogay talaga natin yung tiwala natin sa taong hindi karapat dapat.

Minsan na din akong niloko. Lahat naman tayo manloloko. Mula sa simpleng bagay. Sasabihin ko sayo na maganda ka. Oh di ba? Panloloko na iyon? Kidding. Back to the topic. Ang panlolokong binabanggit ko ay naloko ka dahil ikaw ay #Pumapag-ibig.

Masakit maloko. Siguro naman naloko ka na? Kung hindi pa, sasabihin ko sayo ang pakiramdam ng maloko.

Pakiramdam ng maloko? Masakit. Sobrang sakit. Lalo na kung taong nanloko sayo ay ang pinakamamahal mo. Yung taong nagbibigay ngiti sayo. Yung taong ayaw mong mawala sayo. Yung taong nagbigay kulay sa mundo mo. Ang taong isa sa mga dahilan kung bakit may ngiti ka tuwing umaga. Ngunit ang tao pa lang iyon ang siyang manloloko sayo. His love is a lie. His care is a lie. Mahal ka daw niya pero marami pala kayo. Napaka-sakit ang maloko. Pero anong magagawa nating mga naloko na?

M O V E O N.

Yes. We gotta move on. Walang mangyayari kung iiyak tayo ng iiyak. Walang mangyayari kung iisipin natin ng iisipin. Papanget ka. Papanget tayo. Isipin mo lalaki/babae lang yan. Hindi mo pa ikakamatay kung lokohin ka nila. Hindi natin maaalis na sa mundong ito maraming manloloko. Example. Sa mall, may nag se-sales talk. Sasabihin sayo na high quality daw pero kapag nabili mo na at ilang gamit mo pa lang, sira na. Sa hair salon, bibigyan ka ng pampaganda ng buhok pero hindi naman effective, sayang ang pera. Sa mga fast food chain, low price nga hindi naman masarap. Sa brand ng phone, low proce nga, kapag bumagsak ayun hindi mo na magagamit. Hirap kasi satin ang dali nating maniwala sa mga sinasabi ng ibang tao. Kaya ito, naloloko tayo. Nasasaktan.

Ito na nga at minahal mo ng lubusan, pinagkatiwalaan mo ng todo nagagawa ka pa ding lokohin. Nakakairita ano? Pero may mga instances na kaya din naman tayo naloloko ng mga ex partner natin ay dahil din sa atin o sa inyo. Siguro nga may nagawa kang mali, hinintay niya lang na ma-realize mo pero ikaw hindi mo ma-realize. Pero may iba talagang ipinanganak na MANLOLOKO.

#ParaSaMgaNaloko (Kabilang na ako) , change for the better. Hwag mong ikukulong ang sarili mo. Hwag kang matakot magtiwala ulit sa isang tao. Hwag kang matakot magmahal ulit. Hwag mong iisipin na lolokohin ka lang ulit. Move on. Hwag kang mag stuck sa past. Life must go on. Naloko ka? Okay lang yan. Iiyak mo ng isang beses. Itulo mo lang yan ng isang araw. Ilabas mo lahat ng sama mo ng isang araw. Pero sa susunod na araw, humarap ka sa salamin, ayusin mo ang sarili mo at sabihing:

"Ganyan talaga ang mga manloloko, hindi bagay sa mga magaganda/gwapo. Hay. Kawawa naman siya prinsesa/prinsipe na ang kaharap humanap pa ng alipin."

Cheer up. Kapag umiyak ka ng umiyak walang mangyayari. Papanget ka lang. Eh ano kung niloko ka niya? Hindi ka naman magugutom. Makakapag-aral ka pa din naman. Makakapag-trabaho. Makaka-hinga. Hindi siya pagkain, hindi siya hangin para ikamatay mo pag nawala siya.

Naloko ka? Hwag kang matayakot magmahal muli. Dahil kung hindi mo muling bubuksan ang puso mo, hindi mo malalaman kung siya na ba ang naka-tadhana sayo. Love? Isa yang sugal. Kung hindi ka marunong makipag laro, talo ka. Kung hindi ka marunong tumaya, walang chance na manalo ka. At kung hindi mo matatanggap ang pagkatalo at pagkakamali mo hindi mo malalaman kung ano ang dapat mong gagawin sa susunod mong laro. Ang masaktan? Normal lang yan. Diyan ka matututo.

#Pumapag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon