#ParaSaMgaSingle
Oh? Hindi mo maiwasan na mainggit sa mga kaibigan mo na may boyfriend/girlfriend sila? Let me tell you. Being single? May advantage and disadvantage yan. Doon muna tayo sa disavantages.Ilan sa mga disadvantages ng pagiging single ay nagmumukha kang CHAPERON. You know what I mean. Yung sabay sabay kayong uuwi tapos ikaw lang ang walang boyfriend. So? Anong eksena? Ayun nasa likod ka nila. Naka headset at kunwaring hindi naiinggit at sinasabing. "Sana may boyfriend din ako para may taga-hatid din ako." Aminin mo, ganyan ka. Haha. But it's alright. Ito pa ang isa sa mga advantages. Kapag may love quarrel sila sayo nag lalabas ng sama ng nararamdaman ng kaibigan mo. Like srsly? Ano ka? Tagapayo sa mga kaibigan mong may ka-relasyon. Maaalala ka lang nila kapag hindi nila kasama ang mga boyfriend nila. Kumusta naman yung mga kaibigan mong kinalimutan ka na nagka-boyfriend lang? Hayaan mo na. Mag b-break din sila. Ilan lang yan sa mga naranasan ko noon sa mga kaibigan ko. Yung tipong ang sarap nilang pag tatadyakan kasi basta nakaka-inis. Tapos kapag monthsary or what iinggitin ka pa di ba? Inano mo siya? Nang-inggit pa no?
Advantages ng pagiging single. Walang gastos. Yes. You read it right. Wala kang aalahanin na may bibilhan ka ng gift kasi monthsary niyo na. Pamasahe dahil may date. Don't get me wrong ang mga kabataan ngayon kung saan saan na nagkikita. Iilan na lang ang mga lalaki na sinusundo sa ang babae sa bahay at nag-papaalam ng pormal sa magulang. Isa pa ay ang mataas na grade. Love nowadays? Nagiging distraction na. Hindi na inspiration. Nag away ngayon bukas may periodical exam kaya ayun bagsak ang grade parang relationship status nila. You can do what you want kapag single ka. Walang magbabawal sayo. Gusto mo mag bar, mag shopping, hang out with friends walang kang aalalahanin na may magbabawal sayo except sa magulang mo. Walang sakit sa ulo. Yung pagod ka na nga tapos aawayin ka pa? Aba. Sarap tadyakan ano? Except kung matino at maintindihin talaga ang boyfriend/girlfriend niyo. Isa pang advantage, tipid sa load. Internet at pagkain lang sapat na sa aming mga Single. Hindi ba?
Wala namang nag sabing masama ang maging single. In fact, mas nakaka-hanga sila. Why? Because they can wait for the right person. Alam nila ang priorities nila. But I'm not saying na hindi ganoon ang mga may boyfriend/girlfriend. Okay? Sa generation ngayon, anong makikita mo? Grade school pa lang may mga jowa na. May mga nag su-suicide ng mga kabataan dahil sa pagmamahal. Madaming napapariwara dahil nag break sila ng boyfriend / girlfriend niya.
#ParaSaMgaSingle , hindi masama maging single. Hwag mag madali. Okay? Dadating ka din sa puntong ikaw ang ihahatid at susunduin sa bahay. Ikaw ang may date. Who knows? Malay mo mas better person pa ang dumating sa'yo kesa sa mga ka-relasyon ng mga kaibigan mo. Oh di ba? Bongga. You just need to wait. Some things are worth the wait. Habang wala ka pang love life, focus ka sa career, sa trabaho o sa pag aaral mo. Hindi minamadali ang love. Hindi hinahanap. Know what kung bakit karamihan nagiging epic fail ang love life nila? Nasabihan lang ng I love you, baby ko. Bumigay na agad. Na-Pangakuan lang ng forever naniwala na agad. Ang mundong ito ay nababalot na ng kasinungalingan. Mahirap ng i-predict kung totoo nga ba talaga ang sinasabi ng isang tao. You need to be wise. May tamang tao para sayo, para sa atin. Siguro hindi pa naka-tadhana sayo na magkaroon ng love life. Tiwala lang sa plano ni God. Ano kung mukhang chaperon kung kasama ka ng mga kaibigan mo? Kung tunay mo silang kaibigan himdi ka mag mumukhang chaperon.
Minsan mas mabuti pang single ka. Wala kang susuyuin na ayaw naman magpa-suyo. Wala kang po-problemahin na baka bukas o sa isang araw baka ipagpalit ka niya. No heart aches. Hindi ka masasaktan. Single ka? Hindi mo ikakamatay yan. Baka ang ikamatay mo pa ang pagkakaroon ng maling relasyon. Single ka? Maganda / gwapo naman. Single ka? I-enjoy mo. Hindi ka makukulong kung single ka. Hindi mo ikamamatay. Hindi mo ikaka-gutom. Hindi mo ikaka-panget.
I wrote this chapter #ParaSaMgaSingle , para ma-realize mo na walang dapat ika-inggit sa mga naka- in relationship. Na minsan mas mabuti pang single ka. Okay? Okay. Sana nakatulong ito sayo.
BINABASA MO ANG
#Pumapag-ibig
Non-FictionItong librong ito ay para lamang sa mga kunwaring #Pumapag-ibig. #Pumapag-ibig daw pero nag-lolokohan naman pala. #Pumapag-ibig daw kaso hindi naman siya crush ng crush niya. #Pumapag-ibig daw kaso ipinagpalit siya. #Pumapag-ibig daw kas...