#TeamOneSided

326 10 0
                                    

"Kung may iba ka na, edi magpaka-saya ka sa kanya, hindi ako bayani para ipaglaban ka pa."

'Yung palaging ikaw na lang ang sumusuyo sa kanya.

'Yung ikaw na lang lagi ang nagpapakumbaba.

'Yung ikaw na lang lagi ang gumagawa ng effort na magka-ayos kayo.

'Yung hirap na hirap ka na magpa-gwapo at magpa-ganda para mapansin ka ni crush.

'Yung feeling na lang na kulang na lang na iukit mo sa batoang katagang "HOY MAHAL KITA! WALA KA BANG BALAK NA MAHALIN AKO?! RESPETO NAMAN OH!"

Pero okay sana kung ganoon nga kadali yun. Ang maging isa sa #TeamOneSidedLove ay hindi madali. 'yung ikaw lang yung nag-mamahal tapos siya may mahal na iba. Tipong tayo lagi yung nasa tabi nila pero iba pa din yung hinahanap niya. Ikaw yung lagging kasama niya pero iba naman ang gusto niyabng makasama. Ikaw nga yung nagpapatawa sa kanya pero iba naman ang nagpapa-ngiti sa kanya. 'Yung tipong ikaw na lang ang lumalaban para sa relasyon niyo at siya? Matagal na siyang bumitiw, matagal ka na niyang binitawan. Ikaw na tunay na nagmamahal sa kanya pero mula sa mahal naman niya ang gusto niyang maramdaman. 'Yung crush mong hindi ka crush kasi may crush na iba pero Masaya ka kasi hindi din siya crush ng crush niya... Tayo, na tunay na nagmamahal sa kanila pero hindi natin alam kung manhid lang ba talaga sila o hindi lang talaga nila tayo kayang mahalin?

Lahat naman tayo nagpapaka-tanga sa pag-ibig. Pero tanga ba ang tawag kapag mahal mo ng sobra ang isang tao?

Sa tingin ko naman hindi naman sila tanga, hindi tayo tanga. We're just hoping na baka mahalin niya din ako. Umaasa tayo na baka bumalik pa sa dati, baka bumalik pa yung relasyon kung saan pareho kayong masaya, parehas niyong mahal ang isa't isa. We are hoping nab aka sakaling may chance na mag-bago siya, ma-realize na hindi pala dapat nila tayo iniwan at sinaktan. Umaasa nab aka sa pagpapa-ganda at pagpapa-gwapo mo mapansin ka na niya. Hoping na baka isang araw mahal na din tayo ng mga mahal natin.

But the question is . . . until when? Hanggang kailan tayo aasa?

Para sa akin, aasa ako hanggat kaya ko pa. Why? Kasi para sa akin, at least alam ko sa sarili ko na nag-effort ako. Nag-effort ako nab aka bumalik kami sa dati, namahalin niya ako kesa naman sa bandang huli magsisisi ako na basta na lang ako sumuko.

But we should know when to fight and when we should stop fighting for that person. Paano kung yung pinaglalaban mong pagmamahal wala naman talagang patutunguhan diba? There are times that we need to stop fighting for the person we love. Why? Dagil hindi na tama, dahil mas masasaktan lang tayo. Siguro kailangan na nating tanggapin na hanggang friends lang kayo, na hanggang dun na lang talaga kayo. Tanggapin na hindi ka na niya mahal, na nawala na yung pangako niyang walang hanggang pagmamahal. Okay na ang ipinaglaban mo siya hanggat kaya mo, butwe also need acceptance, acceptance so that we could move on.

We need to accept the fact na may mga tao talagang hilig lang ang umextra at tingnan kung gaano ka katatag kapag iniwan ka nila. Yes, it takes a long time para maka-move on pero worth it naman lagi ang pag momove on. Hello?! Bilyon bilyon ang tao sa mundo napaka-impossibleng wala kang makitang mas better sa kanya. Mas better sa ex mong mukhang tuko (Okay. Sorry. Bitter. Ang tagal di nakapag update eh).

Isa sa mga advice ko ay hwag mong i-regret na nakilala mo siya. Oo, nasaktan ka iya, iniwan at ipinagpalit sa mas panget sayo pero think of it. Isipin mo yung unang araw na nakita mo siya. 'Yung unang tingingin niya sayo. 'yung ngiting nagpapabilis ng tibok ng puso mo. 'Yung ngiting halos ma-ihika na sa sobrang kakiligan. 'Yung araw na una ka niyang tinawag sa pangalan mo. 'Yung unang date nito. Kung paano ka niya inaya noong Valentines Day at binigyan ka niya ng bulaklak at chocolates. 'Yung mga araw na halos ayaw mo ng matapos, mga araw na gusto mong ihinto ang oras. 'Yung habang kausap mo siya nasa isip mo "Ang swerte ko kasi akin siya, akin yung taong pianpangarap at minamahal ng iba". Isipin mo yung mga umagang magigising ka na may sweet message galling sa kanya kasi gusto niya na siya yung unang mapapa-ngiti sayo. 'Yung araw na kapag nakita mo siya biglang mag i-slow motion at para bang tumitigil yung mundo mo. Nakakalungkot isipin na may mga pag-big na nawawala, mga pag-ibig na nagbabago. Siguro hindi talaga sa atin yung pag-ibig ng taong yun. Sabi nga nila, kung kayo, kayo talaga. Kahit na ilang taon kayo nagka-hiwalay. Kahit na gaano kayo kalayo sa isa't isa, kayo talaga. Nasaktan niyo man ang isa't isa, iniwan ka man niya, ipinagpalit sa iba, hwag mong pagsisihan nakilala mo siya. Dahil minsan ka niyang pinasaya, pinakilig at minsang nagpa-bilis ng tibok ng puso mo. Nasaktan ka lang niya, pero hindi ka niya napatay.

Author's Note: Alright. Unang una sa lahat, sorry for no updates. Isa po akong nnapaka-busy at napaka busy na tao haha. Minsan naman madaming ginagawa. I'm giving the half of my time sa aking mahal. Kaloka. Ang corny. At lastly, ngayon lang ulit ako na-inspired dahil naka-tanggap na naman ako ng rose. HAHA. Until the next update! Thank you for reading. Leave some insights sweetie! 

#Pumapag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon