#BakaPwedePaZone

1K 17 4
                                    

      Naranasan mo na bang ma- #BakaPwedePaZone ? Ito yung tipong kahit pagod na pagod ka na, kahit gusto mo nang sumuko sa kanya hindi mo pa din magawa kasi #BakaPwedePa.


          #BakaPwedePa  na ayusin. Pang ilan niya na bang sorry yan? Pang ilang beses mo na siyang pinatawad sa mga kasalanan niyang paulit-ulit na lang? Hanggang kailan mo siya tatanggapin? You're stuck between ipaglalaban ko pa ba o bibitawan ko na?  


         Kapag ba ipinaglaban mo, may papatunguhan pa? Kapag binitawan mo ba, hinding hindi ka magsisisi? Ang hirap 'di ba? Ganyan talaga, mahal mo eh. Hindi naman porket nasaktan ka niya ng ilang beses, bibitawan mo na agad at hindi ibig sabihin kapag mahal mo siya lagi mong ipaglalaban. Oo, mahal mo siya pero dapat mo din na pahalagahan ang sarili mo. Dapat mong isipin at ma-realize kung tamang tao ba ang ipinaglalaban mo. Hanggang kailan mo sasabihin na "Baka pwede pa," ?


        Palaging pwede 'yan. It is your decision, kung susukuan mo na siya o ipaglalaban mo pa. Mahal mo nga, pinapahalagahan pa ba niya? Ipinaglalaban mo nga, ipinaglalaban ka ba? Paano kung bumitaw na siya? Kung kahit ipaglaban mo yung pagmamahalan mo kung mismong siya, sumuko na? Pwede pa ba? Pwede pa bang ayusin? Pwede pa bang bigyan nang second chance ang love story niyo? Third chance? Fourth chance o kung pang-ilan chance na yan? Time will come, isa sa inyo mapa-pagod nang lumaban. Why? Because it is not yet the true love. Kahit ilang years na kayo,  may mga taong hindi talaga para sa isa't isa. Masakit pakinggan 'di ba? Pinagtagpo pero hindi tinadhana. That's life, you just need to bare with it.


        Ilang beses na ba niya nagawang saktan ka? Ilang beses mo na bang pinatawad? Hindi lahat ng tao deserving bigyan ng chance kahit ito ay mahal mo. Sabi ko naman sa'yo, mas mahalin mo ang sarili mo kesa sa ibang tao. Kung sobrang nasasaktan ka na, mag-pahinga ka muna. Kung hindi mo na kaya, tsaka mo sukuan. Tinanggap mo siya nang ilang beses at ipinaglaban mo yung pagmamahalan niyo? Hindi pagpapaka-tanga ang tawag dun, kundi pagmamahal.


     "Mahal mo nga eh, bakit ka susuko agad? Bakit mo bibitawan agad? Bakit hindi NIYO subukan ulit ibalik ang tamis nang pag-iibigan niyo? Baka pwede pa. Malay mo mas mag work yung relationship niyo. No one knows. Kung mahal mo, bakit ka magda-dalawang isip na ipaglaban, hindi ba? Tsaka mo siya sukuan kapag nakikita mo na wala na talagang pag-asa. Tsaka mo sukuan kung sinabi na niyang hindi ka na niya mahal, kapag sinabi niyang ayaw na niya sayo. Pero kahit may nakikita ka pa na maliit na chance na baka maayos niyo pa huwag kang mag dadalawang isip na i-take yung risk na 'yun. Yes, maaring masaktan ka, maaring magka-sakitan kayo pero lahat naman nang sugat, nag hihilom. Mas mabuti na ang ipinaglaban mo ang mahal mo kesa sinukuan mo at least sa paglaban mong 'yun ipinakita at ipinaramdam mo sa kanya kung gaano mo siya ka-mahal. May mga tao talaga na kahit sobra tayong sinasaktan tayo, minamahal pa din natin, Kahit hindi na sa'tin, minamahal pa din natin. Maybe they're not the right one for us and vice versa.


    Hanggang kaya pang ayusin, ayusin. Hanggat kaya pa, lumaban. Mas mabuti na ang lumaban kesa sukuan agad ang taong mahal mo. Just remember that, know when to fight and when to give up.


     In my case, sumuko na ako dahil sinukuan na din niya ako. Mahal ko siya, pero nawala na yung pagmamahal niya sa'kin. Ipaglaban ko pa, wala nang patutunguhan dahil matagal na niya akong pinakawalan. Kaya ikaw, hanggat mahal ka pa, hanggat pinapahalagahan ka pa, mahalin at pahalagahan mo din. Mahirap mag-sisi sa huli. Yung tipong na sa'yo na pinakawalan mo pa. It's just that, maybe he do not deserve me and I do not deserve him too. In the other hand, we're not meant to be. And now, I need to fix myself so that I can love that right person for me completely.




#Pumapag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon