#ParaSaMgaHindMakaMoveOn

469 20 10
                                    

Ito ay para sa mga taong ayaw ata o wala talagang balak mag move on mula sa kanilang ex boyfriend/girlfriend. Para sa mga taong hanggang ngayon hindi pa rin maka move on.

Matanong nga kita,

Mahal mo pa ba?

Oo. Syempre , mahal mo pa kaya hindi ka maka move on.

Ang isa ko pang tanong,

Siya ba? Mahal ka pa ba niya?

Napaka-hirap mag move on di ba? Lalo na kung mahal na mahal mo talaga yung tao. Lalo na kung nasanay na ka ng lagi siyang kasama, lagi siyang kausap. Nasanay ka na may magla-lambing sayo. Tuwing umaga may long message kang mababasa galing sa kanya, ganoon din bago ka matulog. Lalo na kung ang taong nawala sayo ay siyang nag bibigay sa buhay mo. Ang isa dahilan kung bakit ka sumasaya. Pero, nangyari na. Wala na. Ang relasyon niyo ay tapos na. Kumbaga sa pangungusap, natuldukan na. Kumbaga sa fun run, narating niyo na ang finish line. Pero hindi ibig sabihin nun na ang takbo ng buhay mo ay matatapos na din.

Yes. It's hard to move on. To unloved the person we love the most. But you need to move on. Why? Para maging masaya ka ulit. Moving on is a process. Hwag mong madaliin. Time heal all wounds. Natural lang matapos ang isang relasyon. Natural lang masaktan.

Here are some tips para, ugh. I'm not saying na kapag ginawa mo uto ay agad agad kang makaka-move on. I just want to help you. Nasa sa'yo pa din yan.

• Do not block/unfriend him or her on facebook. Do not unfollow him or her on Instagram or Twitter o kung ano mang social network na nagko-konekta sa inyong dalawa. Why? Kasi ang iisipin niya bitter ka. Na hindi mo kayang mawala siya. Hayaan mong makita mo ang pangalan at photo niya sa newsfeed mo. Pero huwag mong titingnan ang timeline niyo. Control your feelings, control yourself na hindi tingnan ang timeline niya. Kailangan mong sanayin ang sarili mo. Makakatulong yan para maka move on ka.

• Do not delete his or her number. Why? Sinong niloko mo? Memorize mo naman. Anong silbi kung ide-delete mo? Masanay ka na wala ka ng matatanggap na ganito:
"Good morning mahal ko. Kumain ka na ng breakfast pag kagising mo ha? Sana huwag kang mag sawang intindihin ako. Sana huwag mo kong ipagpalit. Ako lang babe ha? Dahil ako? Ikaw lang ang mahal ko. Wala ng iba. I love you, mahal ko."

"Mahal ko. Tinulugan mo na naman ako. Haha. Ganyan ka naman eh. Haha. Mahal na mahal na mahal na mahal na mahal po kita. Dapat ako lang ha? Kasi ikaw lang. Tayo na forever di ba? Hindi kita ipagpapalit kahit kanino. Sa akin ka lang dapat kasi syong sayo lang ako. I love you babe. I love you mahal ko. I love you baby. I don't know what will I do if you'll leave me. Hwag mo kong iiwan. Hindi kita susukuan kahit gaano ka pa kahirap intindihin. Mahal na mahal kita."

"Babe, kumain ka na ba? Huwag mag papalipas ng gutom ha. Mahal kita."

"Mahal! Bakit hindi ka nag rereply? Okay ka lang ba? Naka uwi ka na ba?"

"Babe? Nasan ka na? Nandito na ako sa labas ng school mo. Bilisan mo. Kakain na tayo sa favorite restaurant mo. Iloveyou. Ingat pag baba. Maka madapa. Pahiya ka. Haha joke. Mahal kita."

"Hey, I just want to say... I miss you. Words are not enough to describe how much I love you. You're my queen. You're my princess. You're my better half. You're my life. You're my world."

Oh. Naalala mo na naman siya. Naalala ko din siya. Haay. Ang hirap iwanan ng taong sobra mong mahal. 'Yung nasanay ka na, na may mga ganyang text or somehow related diyan. 'Yung mga sweet messages niya sayo? Ang mga message na 'yun ay hindi na kailanman mauulit. Kaya kung ako sayo, i-delete mo na. Huwag mo ng basahin ng paulit ulit. Maaalala mo lang siya.

• Keep yourself busy. Madami diyan na mapag lilibangan. Go shopping. Hang out with friends. Kumain. Manood ng movie sa bahay. MAG ARAL. Mag selfie. Gawin mo ulit ang mga bagay na ginagawa mo nung hindi mo pa siya nakikilala. Mga bagay na ginagawa mo noong panahong wala pa siya sa buhay mo.

• Feel the pain. Yes. Huwag mo sabihing naka move on ka na kahit hindi pa. Okay na umiyak kahit osang araw man lang. Okay na yun. Trust me. Mare-realize mo na lang. Isang araw, hindi mo na siya mahal. Wala na ang sakit na nararamdaman.

•Accept the truth. Tanggapin mo ang katotohanan na hindi ka na niya mahal. Kasi kung mahal ka pa niyan bakit ka niya iniwan? Bakit ka ipinagpalit? Reasonable ba ang reasons niya? Dahil ba sa pamilya niya? In my own opinion, kung mahal ka talaga ng isang tao, kahit anong problema, kahit sino pang humadlang sa relasyon niyo, ipaglalaban ka niya. Ipaglalaban niyo ang relasyon niyo. Kasi na sa inyo naman kung tatapusin niyo na ang relasyon niyo. 'Yung iba nga 8 yrs. o mas matagal pa pero hindi talaga nagkakatuluyan. Why? Maybe because they're not meant to be. Wrong timing, maybe? Kasi kung tunay ka niyang mahal, kung talagang mahal mo siya, hindi niyo alam ang salitang break up. Hindi uso sa inyo ang salitang ayoko na, pagod na ko. Dahil ang tunay na nagmamahalan hindi napapagod at hindi sumusuko sa mga problemang dumadating sa kanila.

Wala naman talagang makakapag sabi kung paano mag move on. Walang makakapag turo sa atin ng mga dapat nating gawin para maka move on. Dahil may sari-sarili tayong version para maka move on, kung paano natin matutulungan ang mga sarili natin na malagpasan ang pangyayaring yun. Ang sa akin lang, huwag na sana nating tambayan ang nakaraan. Step forward. Move forward. Life must go on nga dapat di ba? Hindi nila hawak ang buhay natin. Minsan talaga ayaw mo lang mag move on kasi umaasa ka pang babalik siya. Hayaan mong ang panahon ang mag sabi. Kung kayo, kayo talaga.

#Pumapag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon