#MahalKitaPero Ipinagpalit mo ko. Ipinagpalit mo ko dahil mas maganda siya. Ipinagpalit mo ko dahil mas gwapo siya. Ipinagpalit mo ko dahil mas makinis siya sakin. Ipinagpalit mo ako dahil na-realize mo na mahal mo pa ang ex mo.
Bakit nga ba tayo ipinagpapalit ng mga taong minsan na nating minahal? Napa-isip din tuloy ako. Bakit niya nga ba ako ipinagpalit? Ah. Oo. Kasi mas better daw yung ex niya. That time hindi ko talaga mapigilan ang mga luha ko. Yung napa-mura ka na lang sa sobrang sakit. Sabi niya sakin:
"Kasi si ano mas naiintindihan ako. Kasi lagi kang busy sa pag aaral mo. Kasi laging mga kaibigan mo ang priority mo. Siya, kapag may problema ako handa siyang pumunta sa bahay para damayan ako. Mas kilala niya ko. Kung anong mga gusto ko. Eh ikaw? Wala. Wala kang alam."
Ikaw kaya sabihan ko niyan? Hindi ka ba masasaktan? Srsly talking here. My ex told me that. I mean, for God's sake 1 yr and 6 months sila ng ex niya samantalang kami 2 months pa lang. Gusto ko siyang murahin kasi. T*ng ina naman oh. Ipinagpalit ako sa mukhang tuko? Okay sana kung mas maganda sakin kasi hindi naman ako maganda.
#MahalKitaPero Hindi na Tulad ng Dati. Kung dati 101% ang pagmamahal ko sayo ngayon 1% na lang. Bakit? Ang ilang rason ay:
1. Naka-hanap ng mas maganda/gwapo sayo.
2. Mas mayaman sayo.
3. Mas pangit sayo.
4. Mas malandi sayo.
5. Mas horny sayo.Oo nga naman. Mas better sayo. Yun nga lang hindi niya ata na-realize na wala siyang mapapala. Maganda/gwapo nga wala namang alam sa buhay. Mas mayaman nga sayo pero material na bagay lang ang kayang ibigay sayo. Mas pangit sayo! Puro hidi maganda ang sasabihin sa kanya in fact mas pupurihin ka nila. Mas malandi sayo, walang mapapala ex mo diyan kasi lalandi lang yan kung kani-kanino kasi hindi marunong makuntento ang malalandi. Mas horny sayo, wala ding mapapala kundi sakit.
Tandaan mo, lahat tayo sapat. It's wring kung sasabihin niyang "You're not enough" o kaya itatanong mo sa kanya kung hindi ka pa ba sapat. Sapat ka, hindi nga lang siya marunong makuntento sayo. Hindi niya naa-appreciate ang mga ginagawa mo. Yung pagmamahal at pag intindi mo sa kanya. Hindi lang siya ang tao sa mundo, may tamang tao na nag hihintay diyan sa tabi tabi na handang tanggapin ka kung ano at sino ka. Kahit kamukha mo si Fiona o kasing tangkad ni Mahal at Mura. Kahit malaki ang tiyan mo tulad ni Pooh. Kasi kung mahal ka talaga niya kuntento na yan sayo. Kasi sa mata niya "You're PERFECT"
#MahalKitaPero Sinayang mo lang. Sinayang mo lang ang pagmamahal ko. Pagmamahal ko na may ibang tao ang nag-hahangad. Pinili kita dahil mahal kita pero sinayang mo lang. Sinayang mo ang pagmamahal ko na dapat sa taong mahal talaga ako. Pero na-realize ko na
"Ang mga tanga hindi talaga bagay sa magaganda."#MahalKitaPero Naka-move on na ako. Oo, mahal kita pero noon yun. Naka-move on na ako. Tapos ngayon babalik ka? Kawawa ka naman. I'll give you one tip. Kung iniwan ka ng boyfriend mo dahil ipinagpalit ka niya at kung bumalik siya sayo at ikaw naman naka-move on na ito ang sabihin mo:
"Ipinagpalit mo ko noon, ngumanga ka ngayon."Oh, di ba ang taray? Girls and boys, ladies and gentlemen, kapag iniwan kayo wag niyo ng habulin. Kahit sobrang mahal niyo yung tao? Love yourself more than you love your girlfriend/boyfriend. Bakit mo iiyakan yung taong walang kasiguraduhan kung mamahalin ka nga ba habang buhay? Bakit mo hahabulin angvtaong mismong nag tulak sayo para mapalayo ka sa kanila? Kung ako sayo, hahayaan ko. It's not your lost. It's their lost. Minsan kasi matuto tayong lumugar. Kung ipaglalaban ba natin yung pagmamahal natin para sa taong mahal natin. Kung worth it bang ipaglaban yung relasyon niyo. Hindi naman kasi pwedeng ikaw lang lumalaban para sa relasyon niyo dito pumapasok ang "Two is better than one". Paano kung ikaw patulog na lumalaban samantalang siya matagal ng sumuko? Ikaw lang din ang masasaktan. Kung iniwan ka o ipinagpalit sa mas pangit sayo, M O V E O N. Ipakita mo yung sinayang niya, kung hindi siya nang hinayang at least you've changed for the better. Hindi lang naman siya ang tao na makakapag bigay saya sayo. Who knows? Malay mo may taong mas mahigitan pa ng taong yun ang sayang naibigay sayo ng dati mong minahal. You just have to wait. Wait for the right person. Wait at the right time. Wait for the perfect timing. Kung hindi kayo,hindi kayo. Malay mo, mali lang talaga ang timing ng love story niyo. Pero kung alam mo namang wala ng pag-asa na maayos ang relasyon niyo. Move on. Para sayo din ang pag momove on na yan. Oo, mahirap gawin pero itatak mo sa utak mo to:
"Kapag naka-move on ka na, mas sasaya ka. Mawawala yang kalungkutan mo sa buhay mo. Mas gagaan yang pakiramdam mo. May natutunan ka sa taong yun. Masarap sa feeling kapag naka-move on ka na sa kanya. Trust me. Madami pa diyang iba."
BINABASA MO ANG
#Pumapag-ibig
Non-FictionItong librong ito ay para lamang sa mga kunwaring #Pumapag-ibig. #Pumapag-ibig daw pero nag-lolokohan naman pala. #Pumapag-ibig daw kaso hindi naman siya crush ng crush niya. #Pumapag-ibig daw kaso ipinagpalit siya. #Pumapag-ibig daw kas...