Ano nga ba ang kadalasang mga nagiging dahilan kung bakit nagkakaron ng #ThirdParty? Well, this is based sa mga kaibigan ko at sa mga taong kakilala ko.
Minsan kaya nagkakaroon ng third party dahil sa mga na-fell out of love na. Masakit di ba? 'Yung taong nangakong hindi ka iiwan at mamahalin ka ng walang hanggan ay nawala na yung pagmamahal na para sa'yo. Bakit nga ba ganon? Naransan ko na din naman yung ganitong sitwasyon.
Sa tingin ko dahil may mga talagang magkulang ka lang ng konti, hindi lang sila makuntento sayo, hahanap ng bago. How can I elaborate this? Haha. Kumbaga yung naramdaman niya para sayo ay isang infatuation lang na akala niya ay tunay at totoo na pagmamahal. Mawalan ka lang ng 30 minutes na atensyon, hahanap na ng atensyon sa iba. Ma-late ka lang ng 1 minuto sa reply niya puro hinala na agad, may ibang babae/lalake ka na agad. Hindi lang kayo nagkita ng ilang araw at may naka-sama lang siya na maganda o gwapo nakalimutan ka na. That's totally wrong. Kaya mo siya sinagot at kaya ka nanligaw kasi mahal mo siya.
"Ang relasyon ay hindi lang tungkol sa pagmamahalan niyong dalawa, ito ay tungkol sa pagtanggap ng kamalian niyo sa isa't isa. Ito ay tungkol kung paano niyo ipaglalaban at pananatilihin ang pagmamahalan niyo. Ito ay tungkol sa paglutas ng mga problemang dumadating sa inyong dalawa. Ang relasyon ay hindi dapat panandalian lamang, kung hindi ka pa handa sa ganitong bagay mas mabuting huwag mo munang pasukin ang mundong ito. Dahil ito ay hindi isang Dota o Candy Crush na laro lang."
May mga tao namang sobrang selosa o selosa kaya ayun 'yung partner niya nag-sawa na. Okay lang kung mag-selos ka pero huwag naman 'yung kulang na lang huwag siyang makipag-usap sa ibang tao, ilagay sa lugar. You need to trust your partner. May mga tao ma,am ma may lumandi lang sa kanila, bye bye girlfriend o boyfriend na. Maling mali.
Kung hindi mo na mahal ang partner mo, mas mabuting pag-usapan niyo. Cheating is a choice not a mistake. Hindi mo pwedeng sabihin na "wala kang time sa'kin", "napaka-selosa mo", "demanding ka" o kung ano pang rason para lokohin mo siya at magkaroon ng third party. Kung ayaw mo na makipag break ka. Masakit pakinggan ang "break up" , pero mas masakit sa part namin, sa part ng partner niyo na malaman na may iba na kayo habang kayo pa. Kung hindi mo kayang tanggapin ang tunay na siya, ang tunay niyang pagkatao, huwag mong ligawan. Kung hindi kayang tanggapin ang tunay na siya, ang tunay niyang ugali, huwag mong sagutin.
Panindigan niyo yung mga pangako niyo o should i say na huwag na tayong mangako? Kasi kung patuloy tayong mangangako, patuloy na may aasa. Third party? Sigurado ka bang mahal ka niyan talaga? Sigurado ka bang mas mabuting tao yan kaysa sa partner mo? Sigurado ka bang kaya ka niyang ipaglaban? o, baka sa bandang huli iwan ka lang?
![](https://img.wattpad.com/cover/40401506-288-k241505.jpg)
BINABASA MO ANG
#Pumapag-ibig
Non-FictionItong librong ito ay para lamang sa mga kunwaring #Pumapag-ibig. #Pumapag-ibig daw pero nag-lolokohan naman pala. #Pumapag-ibig daw kaso hindi naman siya crush ng crush niya. #Pumapag-ibig daw kaso ipinagpalit siya. #Pumapag-ibig daw kas...