Hanggang ngayon ba umaasa ka pa din na magugustuhan ka niya? Hanggang ngayon ba umaasa ka pa din na mamahalin ka niya? Hanggang ngayon ba umaasa ka pa din na babalik siya? Ang hirap umasa di ba? Lalo na kung walang kasiguraduhan. Gusto mong ipaglaban yung pagmamahal mo sa kanya pero, paano? Paano mo ipaglalaban kung #FriendsLangKayo? Paano mo ipaglalaban ang pagmamahal mo sa kanya kung #MayMahalNaSiyangIba? Paano mo ibabalik ang dating kayo kung #MayBagoNaSiya?
Kahit na sabihin natin na huwag na tayong umasa, ang hirap e. Alam mo yun? Ramdam mo naman siguro ang pakiramdam ng umaasa. 'Yung gusyo mo ng sumuko pero naiiisip mo na baka may chance pa, baka sakaling mahalin niya din ako. 'Yung ginawa mo na ang lahat, pero hindi pa din pala sapat.
Umaasa ka sa taong matagal ka ng tinalikuran. Umaasa ka sa taong siya mismo ang nag tulak sayo palayo. Umaasa ka sa isang taong hindi naging sayo. Patuloy kang umaasang mamahalin ka ulit niya, na babalik siya ulit sayo. Patuloy kang umaasa sa kaibigan mo na baka sakaling mapansin niya ang pagtingin mo sa kanya. Patuloy tayong umaasa na baka sakaling isang araw mag bago ang lahat. Na isang araw mahal na din nila tayo. Na mayayakap na nating muli ang mga taong minsan ay iniwan na tayo. Makakasama ang mga taong minsan na tayong sinaktan ngunit patuloy pa din nating minamahal.
Pero, naisip mo ba na.... Hanggang kelan ka aasa?
Hindi ka ba napapagod umasa?
Paano kung wala na talagang pag-asa?
Wala ka bang balak sumuko?
Wala ka bang balak mag hanap ng iba?
Hanggang kailan mo siya mamahalin?
Paano kung hindi ka na talaga niya mahal?
Paano kung wala na talagang pag-asang magustuhan ka?
Paano kung hindi na talaga siya bumalik?
Paano na?
Wala ka bang balak MAG MOVE ON?!
Napaka-hirap umasa. Umasa sa walang kasiguraduhan. Para kang nag hihintay ng eroplano sa pier. Wala naman sigurong masama na umasa di ba? Pero sana naman dun ka na unasa sa may kahit 1% na pag-asa. Bakit? Kasi may 1% chance pa na pag-asa. Ikaw lang din naman ang masasaktan. Don't get me wrong.
Umasa na din ako sa isang tao. Minahal ko siya ng 3 yrs. He's sweet. Maalaga. Matulungin. Mabait. Gwapo. Heartthrob. Matalino. Baseball player. Mayaman. Pero sa tatlong taon na umaasa ako na baka sakaling mahalin niya din ako? Walang nangyari. Hindi niya ko minahal.
Lesson? Kung alam mo naman talagang pag-asa, kung ramdam mo naman talaga na hindi ka kayang mahalin, tigilan mo na. Ikaw lang at ikaw ang masasaktan. Ang sakit panandalian lang yan. Makaka-ahon ka din diyan. Mawawala din yang sakit na yan. Pero ang maging mas masaya sa ibang bagay? Naisip ko na ang tanga ko para sayangin ang 3 taon sa isang tao. Pero hindi ako nagsisisi na nakilala ko siya. Na nakasalamuha ko siya, kasi minsan din na niya kong napa-saya. Do not regret on the things that made you happy.
#ParaSaMgaPatuloyNaUmaasa, hanggang kailan ka aasa? May pag-asa nga ba sa inaasahan mo? Kung wala, tumigil. Hwag kang mag tanga-tangahan. Inuulit ko, MARAMING BETTER DIYAN. Sana naman ay may nakuha kang aral dito sa chapter na ito.
![](https://img.wattpad.com/cover/40401506-288-k241505.jpg)
BINABASA MO ANG
#Pumapag-ibig
NonfiksiItong librong ito ay para lamang sa mga kunwaring #Pumapag-ibig. #Pumapag-ibig daw pero nag-lolokohan naman pala. #Pumapag-ibig daw kaso hindi naman siya crush ng crush niya. #Pumapag-ibig daw kaso ipinagpalit siya. #Pumapag-ibig daw kas...