PART 18

26 3 0
                                    

I slowly swayed my body while trying to blend with the tempo of the music. I don't care if I look like a careless women in the ocean of people in the dance floor. Wala na din akong pake kung napapaligiran ako ng mga hindi pamilyar na mukha, as long as I am away from that bastard panatag na ko.

I hate his guts! I hate his attitude or maybe his whole personality. Bagay na bagay talaga sa kanyang mapabilang sa mga pinsan niya. Sabagay mga "Cullen" nga kasi sila tsk.

Marahil dahil na rin sa tama ng alak na nainom ko kanina, nagagawa ko ng sumayaw ngayon. Marahan kong iginiling ang katawan ko, habang dahan dahang pinapadausdos ang kamay sa leeg. Hindi ko alam kung bakit pero ang kaninang iilang taong nakapaligid sa akin ay bigla na lang ngayong dumami.

"Slay gurl!" Biglang sigaw ni Myca na ngayon ay nasa harap ko na. Kinindatan ko lamang ito habang parang sirang tumawa.

"Baka Seri namin yan!" I've noticed Andreang laughing at me. By the way she's now with that one Cullen guy na kasama namin kanina sa table. Wait, is there something going on between them? Well, wala naman na sakin yun as long as hindi siya masasaktan sa ginagawa niyang yan.

Ipinalis ko ang isiping yun and instead blowed her a kiss, followed by a wink to recognized their presence.

Hindi ko na lang sila masyadong pinagtuunan pa ng pansin pagkatapos nun dahil mas inabala ko ang sarili sa pagsayaw kahit hindi naman alam kung may katuturan pa ba ang ginagawa ko.

Maya maya nga lang din ay naramdaman ko ang presensiya ng hindi kilalang tao sa likuran ko. Napapansin ko kung paano niyang inilalapit ang sarili niya sa akin habang bahagyang hinihimas ang braso ko. Pero ng dahil na nga rin sa tama ng alak ay hindi ko na lamang ito pinansin pa at sa halip ay ipinagsawalang bahala na lang.

"Hey babe, you wanna go out with me?" Mapangakit na bulong nito sa tenga ko na animong sigurado siyang mapapapayag niya ako sa pamamagitan nun.

Bahagya naman akong napangisi dahil sa ginagawa niya saka kinagat ang pangibaba kong labi bago mas lalo pang pinalamyos ang mga galaw ko.

"Calm your ass up Mister. Seems like you don't know who I am tsk!" Ani ko pabalik dito.

"Then let me know you more babe. " Humawak siya sa bewang ko at mas lalo pa akong hinila papalapit sa kanya.

"Sorry but I'm with my man and I'm afraid that he'll see you this close with me tho." Pagsisinungaling ko para naman tantanan na niya ako. Alam kong kasalanan ko din naman kaya ako nababastos ng ganito pero kasi I still have my freedom to dance here right?

"Who is he then? Tell him that I want to meet him here." Maangas namang ani nito na parang ginagawa lang biro ang sinasabi ko.

Patay na ko nito. Sino namang lalaki ang ihaharap ko sa kanya para magpanggap na boyfriend ko kung gayong wala naman talaga ako nun? Hindi naman pwedeng basta na lang akong manghila ng kung sino dito dahil baka mas mahuli pa kami.

"Sorry but I can't. I'm still mad at him so maybe he'll not be facing you..." Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nung may mainit na palad ang humila sa isang kamay ko palapit dito.

Naramdaman ko naman ang matigas nitong dibdib sa harap ko habang mahigpit itong nakayakap sa akin. At sinong damuho ang nagkamaling hawakan ako ng ganito? Sa pagkakaalam ko kasinungalingan lamang yung kanina, pero hindi ko naman inakalang may taong tututuhanin yun.

"I'm sorry baby. Forgive me please. I'm not mad at you anymore, so please let's go back there." Masuyong sabi nito habang bahagya pang hinawakan ang likod ng ulo ko para mas idiin pa ako sa dibdib niya. Ano bang pinagsasasabi ng taong to? Sa pagkakaalam ko wala naman akong kaaway ha.

"At sino ka naman pare? Kita mong naguusap kami dito diba, tapos makikisali ka!" Galit na sigaw ng lalaki kanina sa kayakap ko.

"Oh'? I thought you wanted to see me awhile ago? Now, that I'm here you can introduce yourself properly to me."

"Bakit ko gagawin yun? Ang taas naman ng tingin mo sa sarili mo!"

Hindi ko na alam kung anong pinaguusapan nilang dalawa dahil sa maging ako man ay naguguluhan na dahil sa mga nangyayari. Parang kanina lang ay nagsasayaw ako dito ng mag-isa eh, pero ngayon ay mukhang masasangkot pa ata ako sa away nila.

"I am her man. Now tell me, why are you bothering her? Magkagalit lang kami pero hindi ibig sabihin nun na binibigyan ko na ang kahit na sino ng permiso para lapitan ang babaeng 'to! " Tila nagsilbing hudyat ang mga salitang binitawan ng lalaking kayakap ko para magising ako. Hindi ko alam kung bakit pero may kung ano sa sistema ko ang hindi ko mawari.

"Anong akala mo sa sarili mo? Santo ka ba para sundin ng mga tao sa paligid mo? Hindi mo siya pagaari pare!"

"I ain't a saint but this women is mine. No one can ever touch her nor be close to her. And anyone who will dare to violate it will face hell. Now, kung wala ka ng sasabihin ay makakaalis ka na. Wala akong pakealam sa sasabihin mo dahil ang mga salita lamang ng babaeng ito ang susunduin ko. Umalis ka na bago pa maginit ang ulo ko at sapilitan kang palabasin sa lugar na ito dahil sa kalapastanganang paghawak mo sa asawa ko!" Dumagundong sa pandinig ko ang nakakatakot na banta nito na ang kahit na sino mang makakarinig ay pagtataasan din ng balahibo.

Hindi ko sila nakikitang dalawa dahil hangang ngayon ay nakasiksik pa rin ako sa kanlungan ng estrangherong lalaking ito, pero ramdam ko ang namumuong tensyon sa pagitan nilang pareho.

"Magkikita pa tayo! Tandaan mo ang sandaling ito pare!" Matapos ang ilang sandali ay narinig ko ang pagalis ng lalaking kasayaw ko kanina. Hindi ko alam kung bakit pero nabunutan ako ng tinik dahil sa pagalis nito. Ngayon, itong lalaking kayakap ko na lamang ang problema ko.

"Are you alright Missy?" Mariin nitong tanong na waring nananantiya. Inangat ko naman ang ulo ko para tignan kung sino ito at laking gulat ko na lamang ng makilala siya.

"Ali?!" Gulat na gulat kong sabi saka wala sa sariling itunulak ito palayo para makawala sa yakap niya. Parang kanina lang ay naiinis ako sa kanya pero ngayon nga'y tignan mo at nagawa ko pang makipagyakap sa kanya.

"I-I'm okay. Thank you but I need to go." Mabilis akong naglakad papaalis sa dance floor at para makawala sa dagat ng mga tao sa lugar na iyon. Hindi ko ata kayang harapin pa siya ng walang ilang na nararamdaman ngayon.








The Destiny's Game (Epistolary)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon