PART 33

15 2 0
                                    

Finally! All the paper works are done already. Finally, I can now go and mingle with my gals. I know they are now really angry with me because of the two weeks of ditching them. I will also explain my reasons to them so they could understand me. Hopefully they can.

Matapos kong mailapag ang huling documents na ginagawa ko ay wala sa sariling naisandal ko na lang ang likod ko sa sandalan ng upuan. After this deserve kong magsaya at magpahinga. Deserve na deserve ko yun.

"Are you done?" Someone said out of the blue.

"Yupppp!" Masayang sabi ko na para bang may reward akong makukuha after.

"Well then, can I ask you out for a snacks?" Hindi na ako nagulat sa sinabi niya dahil palagi naman siyang nagaayang lumabas it's either para kumain, or to grab some coffee. And because of that nalaman kong mahilig siya sa black coffee unlike me na mahilig naman sa hot choco.

"A minute please." Sabi ko bago ipinikit ang mata kong pagod na sa pakikipag titignan sa screen ng computer dito.

"Just take your time. I'll wait for you even if it will take you hours. " Seryoso niyang sabi kaya napangisi na lang ako dahil dun.

Maybe his words is one of the reasons on why girls fall for him huh. Kung normal lang siguro akong babae mabibiktima niya rin ako sa mga salita niya tsk! Tsk!

Makalipas nga ang dalawang minuto ay binuksan ko na din ang mata ko para lang makita niyang nakasandal na naman sa table na nasa unahan ng sakin. Nakapasok sa loob ng bulsa niya ang kanan niyang kamay habang ang kaliwa naman ay nakahawak sa phone niya. Suot niya din yung specs niya adding more to his appeal.

Tinignan ko pa siya ng ilang sandali para makuha ang atensyon nga at hindi naman ako nagkamali dahil nung mapansin niyang nakamulat na ako ay agad niyang ibinulsa ang phone niya.

"Let's go?"

"I'll just get my bag." Tiningan niya lang akong ayusin at kuhanin ang gamit ko saka niya ako hinintay para makalabas na ng SCO office. Nagpaalam pa muna kami sa ibang mga officers na nakatambay dun, bago niya ako pinagbuksan ng pinto at sabay na kaming lumabas ng office.

Habang nga naglalakad ay napansin ko kung gaano siya ka manly maglakad. Ang lakas din ng dating niya yung tipong sa unang tingin ay aakalaing mong model siya. Well actually lahat naman silang magpipinsan, pero kasi there's something in him na nakakakuha ng pansin ko.

"You know that staring is rude right?" Biglang sabi niya ng mahuli niya akong nakatingin sa direksyon niya.

"Well, tell it to them." Mapangasar kong sabi bago ininguso yung mga schoolmates naming babae na nadadaanan namin. Grabeng makatingin yung iba sa kanila but I don't care.

"I can't see anyone here."

"Asus! Anong silbi ng specs mo kung wala ka pa din palang makita hmp." And the situation backfire to me. Ako 'tong malakas mangasar pero ako pa yung naasar.

Nagpatiuna naman akong magkalad sa kaniya pero hindi niya hinayaang makalayo ako. Paano ba naman eh ang isang lakad niya ay dalawa na ng lakad ko.

"What I'm trying to say is that I only acknowledge your presence here. Them was very common. Sanay na ako sa kanila. " Patutsada niya pa.

"Perks of being Alistair Cullen eh. Plus the fact na SCO President pa yan tsk!"

"Just drop it. I don't care if I am the President here, because all I care about is.... you. "

"Huh? Ano ulit? " Hindi ko narinig ang huling sinabi niya dahil bigla ba namang sumigaw yung babaeng nilampasan namin. Ano ba kasing problema nila tsk!

"I don't like repeating myself." Inismiran niya lang ako saka nagpatiuna ng lumikod sa pasilyong papunta sa cafeteria.

Muli niya akong pinagbuksan ng pinto saka siya sumunod sa akin. Palinga linga naman ako para maghanap ng magandang pwesto and to avoid too much attention na din dahil sa kasama ko. But to my surprise, nakita ko ang mga kaibigan kong nakaupo sa center table with his cousins.

"I didn't know they are that close now huh." I bluntly said while still eyeing them happily talking to each other.

"Then try to set aside your paperworks sometimes, and mingle with them daily." Nagkibit balikat lang siya bago ako nilampasan para pumunta na sa mga pinsan niya.

Sumunod naman ako sa kaniya at ng makarating nga sa table nila ay agad kong napansin ang naniningkit na mata ni Andreang. Actually lahat sila ay napatingin sa amin pero yung tingin lang talaga ni Andreang ang nakakuha ng atensyon ko. Patay na naman ako nito sa kanya hay.

"Ay totoong Seri na ba yang nakikita ko o kaluluwa lang niya yan." Masungit na sabi niya sa akin. Narinig ko pa ang pagbungisngis ng ilan sa mga kasama niya sa table.

Agad naman akong nagtago sa likod ni Kio at humawak pa sa damit niya dahil sa kahihiyan sa pingagagagawa ni Andreang. Hinayaan naman ako ni Kio na gawin yun and even get my bag para bitbitin yun.

"Stop it Andrea and let them sit first." A baritone voice said making Andreang shut her mouth. I wonder what's going on between the two of them.

"You can now show yourself Saoirse, Trist will handle your friend." Mahinang sabi niya sapat na para marinig ko. Lumabas nga ako mula sa pagkakatago sa likuran niya saka nahihiya ulit silang tinignan.

"Let your lady sit first bro." Nahimigan ko ang pangaasar ng isa pang boses mula sa pinsan niya na hindi ko naman makuha kung anong pinupunto nito.

Pinaghila naman nga ako ng upuan ni Ali para makaupo na. Kumuha pa muna siya ng isang upuan sa kanilang table dahil sa kulang ng upuan yung amin saka siya umupo sa tabi ko. That gesture of him never failed to amaze me.

"Again this is Serenity, Andrea and the other's friend. I believe you already met before but let me introduce her to you guys." Tinignan niya pa ang mga pinsan niya isa isa bago bumaling sakin. Tipid ko naman siyang nginitian dahil dun.

"Hi?" Tinignan ko naman silang lahat at nung mapabaling na nga ako sa mga kaibigan ko ay alanganin akong napangiti.

"Missed me gals?"

"Totoo na 'to diba Myca?" Biglang sabi ni Janua na parang hindi pa din makapaniwalang nasa harap na nila ako. I can't blame them dahil na din sa pagiging MIA ko for the past weeks..

"Sira! Si Seri nga yan." Myca replied back na nagpatawa sa ibang kasama namin.

"Pinagtataguan mo ba kami Seri? Nakakainis ka. Pinagalala mo pa kami hmp." Nagtatampong sabi naman ni Gwyne na kanina pa tahimik sa gilid.

"I didn't mean to do that. It's just that we have a mountain of paperworks that we need to deal with. "

"Okay lang yan. Pero next time update us para hindi kami nagaalala. Iniiwan mo pa naman yung phone mo sa bahay niyo kaya hindi ka namin mahagilap, right Andrea?"

"Hmp! Kurot ka sakin mamayang babaita ka!" Naiinis pa ding sabi niya pero hindi ko mapigilang mapatawa dahil sa sinabi niya. She's always like that ever since eh.

"I'll pay you some chika Andreang." And I give her a flying kiss na mas lalo lang nakapag pairapan sa kanya.

"Basta ako okay na ko sa ice cream Seri." Singit ni Cha sa amin. This bunso of the group tho.

"Let's do ice cream date after class then." Kinindatan ko pa siya na ikinangiti niya. She's my partner when it comes to ice cream.

"How about us? Hindi niyo ba kami yayayaing kumain ng ice cream? Libre na daw ni Ali HAHAHA." Oh' that Sinichi guy again.

"I never said that, but sure I'll take care of it. Only if they will invite us too." Nakita ko ang pagsulyap niya sa gawi ko. Ano pa nga bang magagawa ko.

"Okay. After class then. Friday naman na eh." Nangingiti kong sabi na nakapag pahiyaw at nakapagpapalakpak sa mga kasama namin.

Well I guess we are all lucky that we aren't inside the library because we will probably be kicked out because of their noise.



The Destiny's Game (Epistolary)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon