PART 35

19 2 0
                                    

"What do you want?" Ali said while still looking at his menu.

"I'd like to have cookies and cream flavor please." Malumanay kong sabi sa kanya. Ibinaba niya naman na yung hawak niya para balingan ako ng tingin.

"Two cookies and cream then." Nagulat naman ako sa sinabi niya. Is that mean that it's also his favorite flavor? Fudge! I am in awe now.

Hindi na niya ako hinintay pang makapagsalita dahil tumayo na siya para magorder sa counter. Nakita ko namang halos nasa counter na din yung iba niya pang mga pinsan kasama yung iba ko pang mga kaibigan. Sa totoo lang naninibago pa din ako sa kanila. Hindi kasi ako sanay na makita silang sumasama sa ibang group eh, well maliban na lang sa mga kalevel nila.

"Alam mo Seri kunti na lang talaga aakalaing ko nang may something sa inyong dalawa." I heard Gwyne's voice from behind. Agad ko naman siyang nilingon para lang makitang sa mismong upuan sa likuran ko pala siya nakapwesto.

"Who?" Tanong ko sa kanya dahil hindi ko alam kung sinong tinutukoy niya.

"That Mr Snobbish guy eh." Wala sa sariling nilingon ko siya matapos kong marinig ang sinabi niya.

"Fudge! Stop talking nonsense Gwyne. Malabo pa sa malabo. Tsk!" Seryosong sabi ko sa kanya.

Totoo naman eh, dahil sa dami ng babeng nagkakandarapa para magpapansin sa kanila, sino ba naman ako para pansinin niya. I mean yes, we do interact pero hangang President at Vice na lang ng student council. Or maybe because our friends are in the same circle now. Maliban doon ay wala na.

"Sabi mo eh. Basta don't close your heart to others. " Nangingiti na niyang sabi. Binigyan ko na lang tuloy siya ng thumbs up kahit hindi ko naman talaga naintindihan kung anong ibig sabihin niya dun. Bumalik na din ako sa pagkakaupo at tumingin na lang sa harap ko dahil naririnig ko pa naman siya eh.

"Anyway, is your phone with you?" Tanong ko dito dahil balak ko sanang hiramin yung sa kanya para magcheck ng social media accounts ko. Matagal tagal ko na din palang hindi nabubuksan yung mga yun.

"You can borrow mine instead, if you want." A voice from behind answered. Hindi yun boses ni Gwyne pero nakilala ko naman agad kung kanino yun galing.

"Thanks, but no thanks. I'll have Gwyne's phone instead."

Nakita kong naglakad na siya mula sa likod ko papuntang harapan habang bitbit yung mga ice cream na inorder niya. Pagkakita ko pa lang nun ay natakam na agad ako.

Pagkaupo nga ni Ali sa harap ko ay agad niyang iniusog papunta sa harap ko yung ice cream ko. He even give me the cup of water na inorder niya din ata. Pero bakit instead na dalawang water ang bilhin niya ay isa lang ang inorder niya, at worst ay sa akin niya pa binigay yun?

"Bakit may water?" Nagtatakang tanong ko dito.

"Because you need to drink water after eating ice cream."

"Pero bakit wala kang water?"

"Don't mind me. I can handle myself Saoirse. " Napanguso na lang tuloy ako dahil sa sinabi niya.

"Stop pouting and just eat now lady. "

Napansin kong kukunin na niya sana yung spoon niya para kumuha ng ice cream but I stop him. I need pictures for an update, for fudge sake.

"Stoppp!" Napatigil siya sa balak at napatingin sakin. Nahiya tuloy ako dahil ang weird niyang makatingin.

"Can I take a picture of it first?" I ask him in a low tone of voice. Nakakahiya yung ginawa ko fudge.

Hindi siya nagsalita kaya sinilip ko siya sa kinauupuan niya. And there, I found him biting his lower lip. Hindi niya nagawang makapagsalita dahil sa ginagawa niya kaya tumango na lang siya bilang pagsangayon sa akin.

Dali dali ko naman agad na nilingon si Gwyne para sana hiramin yung phone niya upang makuhanan ko ng pictures yung ice creams namin but nalungkot ako nung sinabi niyang hindi niya daw dala.

"Here, use mine." Biglang iniusog ni Ali yung phone niya sa harap ko. Nagaalangan pa akong kunin yun nung una pero ng mapansin niya yun ay agad niyang kinuha yung kamay ko saka inilapag yun sa palad ko.

Wala na tuloy akong nagawa kaya tinanggap ko na lang yun. Matagal ko munang tinitigan yung phone niya na hawak ko bago ako nagpasiyang iopen yun. Kailangan pa muna ng password para mabuksan so I look at him immediately.

"It's 5460." Untag niya bago muling tumingin sa labas ng bintana.

Mabilis ko naman yung tinipa at bumungad sa akin ang picture niya habang may hawak na alcoholic drinks. Dang! He looks so manly on his wallpaper.

Ipinilig ko na lamang tuloy ang ulo ko at saka hinanap na yung camera niya ng phone niya para matapos na. Kinuhanan ko lang yung ice cream naming dalawa ng ilang shots bago ko siya tignan. Mukhang wala din naman siyang pakealam sa kung anong gawin ko kaya pasimple ko din siyang kinuhanan ng larawan.

Pasimple na lang tuloy akong napapangiti dahil sa ginagawa ko. For fudge's sake, I looked like an elementary student while silently stalking her crush.

"Can I browse the internet too? I'll just post the pictures."

"Do as you please lady. " he said while still looking at the window. Ginawa ko na lang tuloy yung dapat kong gawin at naglog in na sa Fb. Mabilis ko naman yung pinost sa Fb story ko at pagkatapos ay naglog out na din and give his phone back to him.

"Thank you Ali." Masuyong sabi ko dito. He just simply nod his head at me.

"Here, you can eat your ice cream na. Sorry nga pala about awhile ago." Nahihiyang sabi ko pa.

"No need to be shy of. It's okay Saoirse. Now eat your ice cream before it melts."

Sinunod ko naman yung sinabi niya at tahimik na lamang na ninamnam ang masarap na cookies and cream flavored na ice cream ko. Tahimik lang din naman siyang kumain ngunit paminsan minsan ay nakikigulo sa mga pinsan niya.

Honestly speaking, ang saya nilang kasama. Hindi nila hinahayaang ma-out of place yung mga kaibigan ko and that is the top tier for me. Plus, they are very accommodating. Taliwas sa mga naririnig kong kwento mula sa mga schoolmates namin.

And Ali, I have just witnessed his gentleman side today. So, all I could say is that he's a great guy. Yun nga lang may pagka snobbish pa din talaga siya. Siguro hindi na yun mawawala sa kanya. Trademark niya na kung baga.




The Destiny's Game (Epistolary)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon