PART 34

17 2 0
                                    

After our afternoon classes, I hurriedly fixed my things and put it all inside my bag. Wala na akong pakialam kung hindi maayos yung pagkakalagay ko nun dahil ang mahalaga ay makaalis na ko dito. Gustong gusto ko ng malasap ang dalawang araw na pahinga ko matapos ang two weeks na pagpapakamatay sa paper works naming student council's officers.

Anyways, hindi ko dala yung phone ko kaya hindi ko alam kung tapos na din ba yung klase ng iba or worst ay baka nag-over time pa ang mga Professors nila.

Pagkatapos ko nga mailagay ang gamit ko sa bag ay agad na akong nagmartsa palabas and there, I saw a guy leaning on the railings of the hallway. Hindi na niya suot yung specs niya kanina at may dala na rin siyang bag ngayon. Nakatanaw siya sa malayo at mukhang hindi niya pa ata napapansin ang mga babaeng nakahilera ngayon sa labas ng kanikanilang classrooms para lang makita siya.

Nilapitan ko naman siya dahil hindi niya pa ata napapansin ang presensya ko, at pagkarating nga sa tapat niya ay pinanatili ko ang tingin ko sa damit niya. Hindi ko abot ang mata niya dahil sa malaking agwat ng mga tangkad naming dalawa.

Ngunit nung akala kong hindi siya magaabalang pansinin ako ay saka naman niya hinawakan ang baba ko at dahan dahan yung itinaas para magpantay ang mga tingin namin. Hindi ko inaasahang gagawin niya yun kaya bahagya pa akong nanigas sa kinatatayuan ko.

"What took you so long Saoirse?" He seriously said with his eyes still fixed to mine.

"Kakadismissed lang sa'min nung last Prof namin today. " Naiilang na sabi ko habang pinipilit pigilan ang sariling itulak siya palayo dahil sa mga matang nararamdaman kong nakatingin sa akin ngayon.

"So, is everything's fine now?"

"Yeah'. "

"Then let's go. Your friends are now with my group and they are all waiting for us in the lobby." He seriously said before putting his hand down. Dumistansya naman ako sa kaniya ng kaunti para bigyan siya ng ispasyo ng makadaan na siya, ngunit kalaunan ay sumunod din naman ako dito.

"Next time walk beside me." Muling usal nito ng hindi ako nililingon. May kaunting distansya sa pagitan naming dalawa ngunit sapat na ang tuno ng pananalita niya para marinig ko siya.

Pero dahil ako 'to ay hindi ko binilisan ang mga hakbang ko para ipaalam na ganun talaga ang paraan ko ng paglalakad. Nakakahiya naman kasi sa mahahaba niyang legs diba.

"Ang bagal mong maglakad, but that's fine. I will wait for you no matter how tiny your steps are." Then he laughed. Alam kong dapat akong mainsulto sa sinabi niya pero hindi ko kayang paganahin ang galit ko dahil sa tawa niya.

"You don't have to yah' know." Mataray na sabi ko while trying to cover his effect to me.

"But I want to." Bahagya niyang itinagilid ang ulo niya para sulyapan ako sa likod niya, kaya umismid na lang ako saka nagpatuloy na lumapit sa gawi niya at nung magpantay na nga kaming dalawa ay saka lang ulit siya humakbang para makaalis na.

Hiyang hiya naman ako dahil sa eksena namin kanina sa tapat ng room namin pero hindi ko na lamang yun pinagtuunan pa ng atensyon.

Makalipas nga ang ilang minuto ay narating na namin ang lobby. At ang unang taong naaninag ko ay si Andreang na nakapamewang habang katabi yung pinsan ni Ali, and if I'm not mistaken his name is Tristan.

"Is there 'a thing' between the two of them?" I asked the guy beside me.

"I don't know either. Why?" Ani nito kaya napatingin ako sa gawi niya para malamang nakapamulsa na naman siya sa tabi ko.

"Wala naman. Parang may nararamdaman kasi akong kakaiba sa kanila then madalas pa silang magkasama tho madalas nga lang ding magbangayan." Nagkibit balikat na lamang ako saka nagtuloy tuloy na sa paglapit sa kanila.

"Just let them mingle with each other. Malay mo maging sila talaga." Pabirong sabi niya na ikinataas ng kilay ko.

"Just tell your cousins to be careful with my gals because I don't want them to be hurt. Kahit ako na lang yung masaktan, wag na sila. " Seryosong sabi ko sa kaniya sapat na para kaming dalawa lang ang magkarinigan.

"You're so selfless, but minsan isipin mo naman ang sarili mo. Hindi masamang unahin din ang sarili kahit minsan lang. "

"That's okay. Nakita ko na silang umiyak. Nakita ko na kung paano sila magbreak down, so as much as possible ayaw ko ng makita pa ulit yun. Kaya hanggat kaya ko, aakuin ko lahat para sa ikasasaya nila."

"How about your happiness then?"

"Who cares about my happiness? As long as the people around me are happy I'm fine with it. "

"Don't worry I'll shield you from pain too. Ako na lang ang bahalang magpasaya at sumalo sayo kahit na busy kang alagaan ang mga taong importante sayo. And hopefully someday, makita mo din ako bilang importante sa buhay mo... " Mahinang bulong ni Ali na hindi ko na narinig pa dahil sa sobrang hina ng pagkakasabi niya.

"Huh? May sinasabi ka ba?"

"None. Just don't mind it." Sabi niya na hindi ko na nagawang sagutin pa dahil sa nakarating na kami sa pwesto ng mga kaibigan namin.




The Destiny's Game (Epistolary)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon