Pagpasok na pagpasok namin sa Hail ay agad na sumalubong sa amin ang ingay na nanggagaling sa lively musics, at ang mga sigawan ng mga tao. Umakyat din kami agad sa second floor nila kung nasan ang dagat ng mga tao na nagsasayawan sa dance floor, habang ang iba naman ay nasa kaniya kaniya nilang occupied tables.
Hindi pa man din kami nakakahanap ng mauupuan ay kung sino sino na agad ang sumasalubong sa amin, especially kay Andreang kasi siya yung madalas na party goer sa'min. Ngiti na lang din tuloy ang naisasagot ko sa ilan sa mga yun dahil hindi ko sila kilala.
Matapos nga ang mahabang tagpo na yun, ay nagtuloy kami sa 3rd floor kung saan nakahilera naman ang mga VIP tables and space nila kung saan tanaw ang buong dance floor sa ibaba.
Habang naghahanap nga sila ng vacant seats ay naramdaman kong nag-vibrate yung phone na nasa pouch ko, kaya agad kong kinuha yun para tingnan, habang walang tinginan sa dinadaanan. Hindi naman crowded dito sa taas kaya malabong may makabanga ako.
But that is what I thought so. Muntik na akong matumba matapos akong mabanga sa pader. Pader? As far as I remember, walang pader sa gitna ng pathway dito kasi nagpunta lang kami dito recently.
"Watch your steps Saoirse." Baritonong sabi ng nakabanga ko. Pigil ang hiningang tiningnan ko tuloy ito, at nakita ko ang isang taong hindi ko inaasahang makikita ngayon dito. Akala ko ba matigas na pader yung nabanga ko kanina, siya pala.
"Sorry. I didn't notice you." Hinging paumanhin ko dito.
"That's fine. Come, I'll accompany you to the table." Iniumang niya pa ang braso niya sa akin kaya humawak na lang ako dun.
"You look stunning today... I wish I could cage you in my arms, because there's too many bastards in here staring at you tsk."
"Ah' thanks, but what did you just said in the last part? Hindi ko kasi narinig." Ramdam ko na bahagyang uminit ang pisngi ko dahil sa sinabi niyang yun, pero hindi ko maiwasang isipin kung ano yung sinabi niya sa dulo.
Hindi ko alam kung sinadya niya bang hinaan yung pagkakasabi niya para hindi ko yun marinig, o sadyang masyado lang talagang maingay yung paligid namin.
"I didn't say anything else Saoirse. Just keep your eyes on the way, and don't stare at me like that. You might fall again tsk." Hindi makatinging sabi niya sa akin.
"Okay lang, sasaluhin mo naman ako diba?" Sinubukan kong asarin siya dahil ayaw kong masyadong maging awkward yung ambiance ng lugar kasi for the record, nasa club kami at dapat na nagsasaya kasama ang mga kaibigan namin.
"I will, but of course, I don't want you to get hurt. I'll take all the blame if you fall down because of me."
Hindi ko maiwasang pagmasdan ang perpekto niyang mukha pagkatapos niyang sabihin yun. May kung ano sa loob ko na naghuhuramentado, pero ayaw kong bigyan yun ng malisya. Alam ko naman kasing siya yung tipong hindi magseseryoso sa'kin. Napansin kong bahagya niyang itinagilid yung mukha niya para silipin akong muntanga na dahil sa kakatingin sa kaniya. Mabilis tuloy akong napaiwas ng tingin.
"I'm serious about it Saoirse, so please don't hurt yourself okay?..."
"What took you both so long? Akio, akala ko ba may tatagpuin ka sa baba? Bakit ang bilis mo naman atang makabalik dito?" Naputol ang sinasabi niya matapos kaming salubungin ng tanong ng isa sa mga pinsan niya. It was Cally.
"Stop it Cal. You see, our cousin here is with Saoirse." Sabat ng isa sa mga pinsan nila. Nakalimutan ko yung pangalan niya pero sigurado akong isa siya sa mga Cullen kasi lagi ko siyang nakikitang kasama nila.
BINABASA MO ANG
The Destiny's Game (Epistolary)
FanfictionWhat will you do if isang araw makita mo na lang ang sarili mo na nahuhulog na sa taong nakilala mo lang sa internet? Will you risk your heart in destiny's game? Or you'll leave and sacrifice your feelings para maging masaya ang iba? Will you let th...