PART 17

26 2 0
                                    

As the night went on, the people became even wilder. Dumami na din ang mga tao sa baba para magsayawan sa gitna ng dance floor. Some are even doing things that I have never expected them to do. Like I know it's normal since we are at the night club but shocks! Yung mga akala mong mahinhin ay bigla na lang nagwawala sa dance floor. Just like what is happening to my friends.

Pagkatapos nilang mahanap si Andrea ay naghahatakan na sila papunta sa dance floor at mga naglapag pa ng kanikanilang bet. They even forced me to join them but I refused to, saka kawawa naman yung isang Cullen na naiwan din para magbantay ng gamit ng mga kasama niya na ngayon ay mga nakisali na din sa mga kasama ko.

Given the fact na hindi kami close ay pareho lang kaming nagmamasid sa paligid namin habang parehong umiinom. Well except na lang kapag may mga babae na lalapitan siya para makipagkilala or para maki-share ng table. Kaso nakakagulat lang dahil ni isa ay wala man lang siyang pinansin dun. And the sudden realization hits me. Tama nga yung Cally sa sinabi niyang among of her cousins, only him is the snobbish type out of them.

But the F I care. I shouldn't be checking him out dahil sa mga nagkalat sa balitang lahat sila ay mga womanizers. So we should avoid getting along with them. Hindi naman sa pagiging mapanghusga, but I should protect my friends from being one of the victims of them. Ayaw kong makita silang umiiyak dahil lang sa isa sa mga lalaking 'to.

"You know staring is rude right?" He then said out of the blue.

"Sorry? Can you repeat what you've just said mister?" I said trying to pretend that I don't hear what he said. Nakita ko naman siyang ngumisi dahil sa sinabi ko saka bahagyang pinaglaruan ang baso ng alak sa kamay niya.

"Forget it. It's nothing tsk." He bit the side of his lip trying to stop himself from smiling.

May nakakatawa ba sa sinabi ko? As far as I remember wala naman ah. Hindi kaya lasing na siya? But masyado pang maaga para malasing and mga mild drinks lang naman ang inorder nila kanina so I doubt it.

"By the way, why don't you join your friends? They seem to be enjoying themselves a lot." Nakatitig pa rin siya sakin na para bang pinag-aaralan ang mukha ko.

"May dumi ba ko sa mukha? Saka pumunta lang talaga ako dito para bantayan sila at hindi para magsaya." Casual kong sabi saka itinuun na lang sa inuming nasa harap ang paningin.

"You're funny. I didn't know na ganyan ka pala sa kanila."

"Wait, why are you asking anyway? As if namang interesanteng bagay yun para sa inyo." Madiin kong sabi para bahagyang ipahalata sa kanya ang pagiging hindi ko kumportable sa pagsasalita.

"Why? Ganun na lang ba talaga ang tingin mo sa'min? And to tell you, I'm interested to the people who are associated to us." He seriously said na nakapag pakulo pa lalo sa dugo ko.

"Interested? Kaya pala lahat na lang ng babae pinaglalaruan niyo. And that is because you all find them interesting huh?" Naiinis ko ng sabi na naging dahilan para matalas niya akong tignan.

Kung siguro nakakamatay lang ang tingin kanina pa ako humandusay sa sahig. Pero tama naman ako diba? Lahat  ng babaeng napapadikit sa kanila kung hindi umiiyak, sinasaktan nila.

"How do you say so? Have you ever saw me flirt with different gals? How sure are you that I am like them? Kilala mo ba ko? Mahaba niyang litanya na wari'y sinusubukang pa ring habaan ang pasensya sa'kin.

"I don't know. I don't care about you and your cousins anyway. Saka lahat ng sinabi ko ay base sa mga nakikita ko. Malay ko ba kung dinadaya na din ako ng mga nakikita ko."

"Then allow me to show it to you. Saka mo na lang sabihin sakin na Tama ang mga nakikita mo, kasi baka mamaya malabo na talaga yang mata mo kasi ang dami mong hindi nakikita sa paligid mo. " Makahulugang sabi niya na naging dahilan para mapaisip ako ng husto.

"For the record hindi malabo ang paningin ko. Maybe masyado ka lang talagang defensive kaya ganun."

"Talaga ba? Pero bakit hindi mo ko makita?" Hindi ko na narinig kung ano man ang sinabi niya dahil sa sinadya niya yung hinaan.

"May sinasabi ka?" Mataray kong sabi hoping na baka ulit niya yung kung ano man ang sinabi niya.

But sadly, he never did. Kaya tumayo na lang ako at saka umalis sa table namin. I left him there and I don't effin' care kung mag-isa man siya dun o ano. Naiinis ako. Kumukulo ang dugo ko sa hindi ko malamang dahilan. Siguro dahil yun sa magkaibang perspective namin? O siguro hindi talaga kami magbeblend kahit kailan.


The Destiny's Game (Epistolary)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon