*1*
“Tin Tin, come on. Don’t tell me na hindi ka pa nakapag impake. Si Yaya Emmy nga nakapag pack na eh.”, sabi ni Rosie na kakapasok pa lang ng kuwarto niya ay nakapamewang na kaagad na parang aburido sa inabutan niya sa kuwarto. Si Rosie ang bestfriend nya na sobrang kulit at hyper. Palibhasa ay pareho silang solong anak kaya madaling sabihing parehong spoiled ang mga ito. Sanay sila na kahit na 16 years old na sila ay may mga yaya pa din na naka-asiste sa kanila.
Anim silang mag kakabarkada sa St. Scholastica’s College sa Manila, isang exclusive school for girls. Lahat silang magkakaibigan ay katatapos lang ng Third Year High School. Ang dalawa pa nilang kaibigan na si Mary at si Lyn ay parehong mag babakasyon abroad kasama ang kani-kanilang mga magulang kaya’t hindi nila ito kasama sa bakasyon ngayon. At si Anna naman ay grounded ng buong Summer dahil nahuli siya ng mama niya na itinakas ang kotse ng kuya nito last month. Si Aids na bestfriend naman ni Anna ay piniling hindi sumama sa kanila sa bakasyon ngayon upang damayan si Anna sa pagkakagrounded nito.
Malapit lang ang eskwelahan nila sa mga bahay nila. Masuwerteng magkatabi ang mga bahay nila Rosie at Tin Tin sa Duke St. sa Greenhills East kaya naman lalo silang naging close at naging mag bestfriends simula pa ng magkaisip sila. Ang tatlo pa nilang kaibigan na sina Lyn, Aids at Anna ay sa North Greenhills naman nakatira. At si Mary ay sa Corinthian Gardens naman.
Summer Vacation na nila ngayon at pinilit si Tin Tin ng kaibigan na magbakasyon sa bahay ng Lola nito sa Puerto Princesa. Matagal na din siyang niyayaya ng Lola nito na magbakasyon doon kasama ang iba pang mga kaibigan. At dahil kadalasang nasa ibang bansa ang mga magulang niya na abala sa export business nila, pinayagan siya ng mga ito na mag-stay sa Lola Norma ni Rosie sa Palawan ng one month. Ang kaisa-isang bilin lang ng mama at papa niya ay dapat na kasama niya si Yaya Emmy sa bakasyon nila. Lagi naman niya itong kasama sa lahat ng lakaran nilang magbabarkada. Parang ito na ang tumatayong guardian ng mga bata tuwing aalis. Kaya naman tiwala na din pati ang mga magulang ng ibang mga kaibigan niya dito. Panatag ang loob ng mga ito kapag umaalis sila at kasama si Yaya Emmy.
“Inilabas mo na ata lahat ng damit mo sa closet eh.”, isa isang inaangat ni Rosie ang mga nagkalat na damit na meron sa kama, sa sahig, sa divan, pati sa may pinto ng banyo.
“Diba nag shopping na tayo ng Summer clothes natin, bakit naghahalungkat ka pa diyan?”, tanong ulit nito sa kaibigan.
“Hello. Pang 2-weeks lang ang binili natin na mga damit. Ano? Gusto mo pang magpalaba na lang ako ng damit dun. Ang hassle naman nun.”, sagot niya sa kaibigan.
“Besides, gusto ko naman makapag pahinga din kahit papano si Yaya Emmy. Gusto ko mag enjoy din siya doon. Kaya ayokong mag-utos utos masyado ng mabigat sa kanya pag nandun na tayo.”, dugtong niya.
Napamahal na din kasi sa kanya ang Yaya niya. Masaya siyang kasama ito sa lakad nila. Hindi ito KJ at hindi din naman pabaya. Tamang tama lang. Kaya naman parang ate ang turing niya dito at gusto niya itong mag enjoy sa bakasyon ngayon dahil first time nilang dalawa sa Puerto Princesa. Kaya ultimo ang pag-impake sa sangkaterbang damit niya ay ayaw niya na din munang iutos dito.
Pare-pareho silang magkakaibigan na mahilig mag-shopping, kaya naman kahit pa sabihing 60 square meters ang kuwarto niya, ang liit pa din para sa kanya dahil mahigit kalahati yata nun ay closet ng mga damit at abubut niya. Lalo pa itong lumiit ngayon dahil sa naglipanang damit, shoes, accessories at toiletries na kailangan niyang ipack para sa Palawan Vacation nila.
BINABASA MO ANG
Meant to Be
RomanceFILIPINO. A story on two teenagers, Tin Tin and Paeng, taking off at the wrong foot, and reunited after a few years. Rafael (Paeng's real name) realizes what a jerk he has been, but still continues on becoming one by not letting Cris (Tin Tin's sho...