*NOTE*
Thank you po sa lahat ng nagbasa at nagbabasa. I hope you like this po. Malapit na po matapos ang story natin.
*9*
“Tine, bukas na ang uwi mo, sana hindi mo naman ako i-snobbin kapag tumawag ako sayo o nagtext. Pagkabalik ko galing Palawan, pupuntahan kita sa condo mo ha. Basta pag nalungkot ka ulit, tignan mo lang yung sunset at isipin mong andito lang ako and that tommorrow is another day to look forward to.
“Paeng…”
“What did you just call me?
“Wala… sorry..”, imposible. Rafael Callejo ang pangalan niya. Oo nga minsan ay Paeng ang nickname ng Rafael, pero ang alam niya ay Carvajal ang apelyido ni Paeng.
“Tine? Hindi ko pa ba napalitan ang sad memories mo?
“Honestly… hindi na ako nasasaktan kapag naaalala ko.”
“Ibig ba noon sabihin…”
“Yes Raf.”, handa na siya sa isang relasyon. Mejo nabilisan siya sa turn of events, pero hindi niya mapigil. Parang merong hindi mapaliwanag na dahilan. Pero everyday na magkasama sila, parang she feels safer and at home at last.
“Anong yes? Hindi pa nga ako tapos magtanong eh.”
Natawa naman siya dito. Pinangunahan nga naman niya ito.
“Sige, ano bang tanong mo?”
“Pwede na ba natin gawing official ang relasyon natin?”
“meaning???”
“do u accept me to be your boyfriend?”
“tagal ng tanong mo. Nauna na ang sagot ko diyan eh”
Hindi na niya natapos ang sagot niya, bigla na lang siyang hinatak nito paharap sa kanya. First time siya nitong hinalikan. Pero parang napakapamilyar ng sensasyon na nararamdaman niya. Parang pakiramdam niya ay isa siyang ibon na naligaw ng isang taon at ngayon lang muling nakita anng pugad niya.
Hindi niya maintindihan ang nadarama niya. Lubos siyang nasiyahan sa mga nangyari sa kanila ni Raf at talaga namang kay tagal din niyang ninais na halikan siya nito. Ngayon lamang ito naglakas ng loob na halikan siya.
Matapos ang pagpayag niya na maging nobya nito ay kasabay din nun ang pagkatunaw sa yelo na matagal na bumalot sa kanya. Ngayon lang niya hinayaan ang sarili na magpadala sa nararamadaman. At labis na nagdulot iyon ng matinding kasiyahan sa kanya.
Ramdam na ramdam niya ang init ng mga palad ni Raf na ang isa ay nasa kanyang pisngi at ang isa ay nakahawak sa kamay niya. Hindi pa tumitigil si Raf sa paghalik sa kanya. Nang una ay sa labi lang siya hinalikan nito, hanggang sa parang mga paru parong dumadapo sa pisngi, sa ilong, sa mata, sa noo, sa baba at sa buhok niya. Dama niya ang labis na kasiyahan ni Raf na ngayon ay pumayag siyang maging nobya nito.
“Hindi mo alam kung gaano ako kasaya Tine. Promise me, hindi mo ako iiwan, kahit anong mangyari.”
“Parang baaliktad, diba dapat ako ang nanghihingi sayo ng pangakong ganyan”
“Basta Tine, promise me, hindi mo kakalimutan ang mga araw na nandito tayo. Mahal na mahal kita. Iyon lang ang tatandaan mo.”
“grabe ka naman magsalita, parang hindi na tayo magkikita”
“basta, promise me Tine, promise me, you will never ask me to leave you. Please.”
“oo, sige na… promise na.”
“kung pwede nga lang, magpakasal na tayo tine…”
“ang bilis mo naman talaga… para kang may tinatakasan ha”
“wala, pero honestly, gusto na kitang ikulong. Gusto kong akin ka na magmula ngayon. Hindi ko alam kung anong mangyayari pag nawala ka pa sa akin ngayon.”
“ang sweet mo naman… don’t worry, sigurado ako, gusto ko din magpakulong sayo, hindi pa nga lang ngayon.”
“sabi mo iyan ha.”
“oo. I promise”
“TinTin?
“Hi… Tita Jessie?
“Yes. Im so glad you remembered me. I was wondering when I would see you. Kinukwento ka sakin ni Paeng. Halos magkabuhol buhol ang dila niya tuwing tumatawag siya sa akin.
Naguluhan siya sa sinabi nito.
“Actually, this is a surprise. Hindi niya alam na dadating ako ngayon. Kaya lang, nabanggit niya na aalis ka na daw ngayon. I told myself I had to see my future daughter-in-law”
Hindi siya makapag salita sa narinig niya. Nababaliw na ba ang nanay ni Paeng? Nandito ba si Paeng? Nagmamasid masid sa kanila ni Raf? May balak nanaman ba itong scam?
“How are you na TinTin?”
“Okay naman po ako Tita. Kelan pa po dito si Paeng?”
“Matagal na, hindi ba’t siya pa ang sumalubong…”
“Mom…”, narinig niya si Paeng.
“Paeng…”
Nabigla siya sa nakita niya. Para siyang nasabugan ng bomba ng makita si Raf na niyakap at hinalikan si Tita Jessie. Much more… tinawag niya itong.. MOM.
“Tine… let me explain…”, sabi agad ni Paeng nang Makita ang pagkagulat ni Tine.
“Paeng? Bakit…”
“Mom, I’ll catch up with you later. We need to talk.”
“No… ive had enough. It was nice seeing you tita jessie, but I need to go..”, sabi ni Tine na mabilis na naglakad palayo sa mag-ina.
“hindi ka pa aalis. Mag-uusap tayo tintin.”
“wala akong gustong sabihin sayo”
“ikaw wala, pero ako, marami”
“ayokong marinig, pabayaan mo na ako”
“nangako ka sa akin tine”
“well, guess what… sorry… I cant keep my promise.”
“you cant do this tine. Okay na tayo eh.”
“bakit? Ikaw lang ba ang may karapatang manakit?”
“pabayaan mo akong magpaliwanag”
“hindi ko kailangan ng bagong kasinungalingan. For the last time Paeng, leave me alone!”
*NOTE ULIT*
Meron po ako upcoming story, English naman po para "sana" basahin ng ibang nationalities. Thanks po ulit.
Pls vote, comment or share. Thank you!
BINABASA MO ANG
Meant to Be
RomanceFILIPINO. A story on two teenagers, Tin Tin and Paeng, taking off at the wrong foot, and reunited after a few years. Rafael (Paeng's real name) realizes what a jerk he has been, but still continues on becoming one by not letting Cris (Tin Tin's sho...