*NOTE*
thank you sa lahat ng readers! sana na enjoy ang pagbasa sa Meant to Be.
*12*
“SAN KA GALING?!”, mahigpit ang pagkakahawak ni Paeng sa braso niya.
“Nag-ikot ikot lang. Bakit galit ka?”, tanong ni Tine.
“Eh akala ko nag walk out ka na naman sakin eh. Akala ko nga pabalik ka na sa Manila ngayon.”, bigla naman nahimasmasan si Paeng.
“Bakit naman kita wa-walk-outan eh di ko nga alam na andito ka eh.”, sagot ni Tine sa kanya.
Hindi kumibo si Paeng, hinila lang siyang papasok ng resort.
“Anong oras na? Nag bilad ka pa sa araw! Di ka ba nasunburn?”, tanong sa kanya ni Paeng habang iniinspeksyon siya.
“Huh?”, di maintindihan ni Tine ang series of question ni Paeng? Eh ano naman kung nagbilad siya sa araw? Eh nasa beach nga siya diba?
“Halika na..”, hintak siya ni Paeng papunta sa East Wing ng Resort.
“Sandali…”, hindi na naka angal si Tine kasi ang bilis ng lakad ni Paeng habang hatak hatak siya sa kamay..
Tumigil si Paeng sa harap ng pinto ng “Presidential Suite”, bago niya binuksan, humarap muna siya kay Tine.
“Tine, Lahat ng sinabi ko sayo habang nandun tayo sa Subic, totoo lahat iyon. Kahit nang manligaw ako sayo nung mga bata pa tayo, totoo iyon.”
“Sandali, sandali, ok na sana eh.. bakit sinama mo pa yung mga bata tayo..”
“Eh yun ang totoo eh.”, sagot naman sa kanya ni Paeng.
“Ah, kaya pala ipinahiya mo ko sa harap nila Paul at ni Jake, at talaga namang sinaktan mo ko sa mga sinabi mo. You made it clear that everything was a lie.”, nag uumpisa na naman uminit ang ulo ni Tine. Pano ba naman kasi, kelangan ba hanggang ngayon magsinungaling pa din? Di naman kailangan ungkatin yung childhood memories eh.
“Yun din ang akala ko nung una. Pero hindi eh, yung nangyari dito sa beach nung mga bata pa tayo, nung makita kong umiiyak ka, hindi ko maintindihan, pero doon ko narealize na mahal kita.”, ang bilis niya magsalita parang nagmamadali.
“Ano na naman ang eksena mo ngayon paeng? Sabihin mo na.”, naguguluhan na si Tine sa sinasabi ni paeng. Totoo ba to o may catch na naman? Ine-expect na ni Tine na malamang nga magsasabi si Paeng na mahal siya pero yung pati nung mga bata sila? Eh diba, dati pa naman sinabi na ni Paeng na joke yun?
“Kaya kita pinadala dito kay Rosie para patunayan sayo na totoo lahat iyon.”, tinatry niya kumalma pero halata para na nagmamadali siya.
“O sige, umpisahan mo na ang panloloko ulit sakin. Tutal, bad luck comes in threes. Eto na ang pangatlong bad luck ko, sabihin mo na, para matapos na.”, sabi ni Tine kay Paeng.
Hinila siya nito papunta sa kuwarto. Nagpupumiglas siya at ayaw niyang sumama dito.
“Ano ba, anong gagawin mo sakin? Anong patunay ang gagawin mo? In the physical sense? Kaya mo ba ko niloloko na mahal mo ko since dati pa? Ha? Para mauto mo ako na sumama sa kama mo?”
Napailing si Paeng sa sinabi ni Tine.
“Pumasok ka na nga! Anong oras na?!”, tingin na naman nito sa relo niya.
Binuhat na siya nito at pilit na ipinasok sa loob ng suite. Ang akala niya noong una ay may masama itong balak sa kanya, feeling niya ay pagsasamantalahan siya nito. Ngunit nang makapasok siya sa kuwarto ay maraming tao doon.
BINABASA MO ANG
Meant to Be
RomanceFILIPINO. A story on two teenagers, Tin Tin and Paeng, taking off at the wrong foot, and reunited after a few years. Rafael (Paeng's real name) realizes what a jerk he has been, but still continues on becoming one by not letting Cris (Tin Tin's sho...