Chapter 8

3.6K 27 2
                                    

*8*

Binuksan niya ang drawer ng side table niya. At inaasahan naman niyang makita ang mga menu ng pagkain, mga brochure ng water sports na ino-offer ng resort, amenities gaya ng mga basketball courts, tennis courts, billiards, spa at kung anu-ano pa. Mukhang kumpleto ang resort na ito. Tama lang na isama sa listahan ng travel agency.

Pinili niyang magpahinga sa labas ng Casita niya. Maganda ang location ng Casita na nirenta niya. Ang bahay ay nakatayo sa tubig. Pagkalabas mo ng front door ay matatanaw na agad ang beach. Nasa ilalim mismo ng Casita niya ang beach. Umupo siya sa upuang kawayan sa balkonahe ng kanyang unit. Kitang kita niya na nagsisilanguyan ang mga makukulay na isda. Siguro ay dito ginagawa ang Snorkeling activities ng resort. Sa linis ng tubig ay kitang kita niya ang mga corals at mga isdang kapamilya ni Nemo.

Nang nagdaang gabi ay nagkausap sila ni Raf na masinsinan at napagkasunduan nila na unti unti nilang kikilalanin ang isaât isa. Natuwa naman siya dahil nahayaan na din niyang buksan ang puso niya sa posibilidad na magmahal nang muli. Aminado siya may kung anong atraksyon na pumukaw sa kanya para kay Raf. Hindi niya din maipaliwanag pero parang matagal na niyang gusto ang lalaki kahit pa nung isang araw niya lang ito nakita.

May usapan sila ngayon ni Raf na susunduin siya ng Alas-Dies ng umaga upang bisitahin ang Function Hall at pagkatapos ay mag tatanghalian sila sa Beach Hut malapit sa bonfire na pinuntahan nung isang gabi. Sinabi ni Raf na puro mga seafoods daw ang ipapahanda niya.

âAng ganda naman nitong ballroom ninyo. Ang sosyal tignan. Anong events na ang nahold ninyo dito?â, tanong niya kay Raf pagdating nila sa Fatima Hall.

âMarami na, may corporate parties chaka usually debut. Pero wala pang nag-rereception ng kasal.â, sagot nito sa kanya.

âGanun? Sayang naman. Di bale, i-rerefer ko sa mga kakilala kong wedding coordinators na pwede ang venue ninyo for weddings.â

âGusto mo bang magpakasal dito?â, tanong nito sa kanya na may kasamang ningning ang mga mata.

âPwede. Ang ganda ng venue ninyo. Tapos pwede din ihouse ang guests kasi maliban sa mga Casitas tulad ng sa akin ay meron pa kayo nitong 3-storey Boutique Hotel.â, pormal na sagot niya.

âSo, payag ka na?â, tanong ulit nito.

âSaan?â, maikling tanong niya dito.

âNa magpakasalâ€Â¦Ã¢Â€Â

“Natawa naman ako dun. Kanino naman ako papayag eh wala pa nga akong boyfriend.”, tatawa tawang sagot niya.

“Sa akin, Tin.”, titig na titig ito sa kanya.

“Ayan ka nanaman ha. Diba nga, one day at a time ang drama natin.”, masayang tugon niya dito.

“Alam mo, nang gawin namin itong Hall, naisip ko na ako siguro ang unang magpapakasal dito. Siyempre ang mismong ceremony sa beach front. Gusto ko, before sunset.”, kuwento nito sa kanya.

“Bakit before Sunset?”, tanong niya dito. Mukhang pareho sila ng favorite time of day. Pero dati iyon. Dati ay tuwang tuwa siya na makita ang Sunset lalo na sa beach front pero binago iyon ng mangyari aang ‘episode’ nila ni Paeng sa beach.

“Gustong gusto ko kasi ang sunset eh. Maliban sa maganda ang kulay ng paligid, parang pag nakikita ko na lumulubog ang araw, merong pangako na mas maganda ang bukas.”, malalim na sabi nito sa kanya.

Hindi nakakibo si Tine sa sinabi nito. Parang narinig na niya ang linyang ito.

Nang mapansin ni Raf na hindi ito kumikibo, tinanong siya nito ng pabiro, “O, ikaw? Wala ka man lang bang ideas para sa kasal natin?”

“Im not ready for this kind of joke.”, matipid na tugon niya. Hindi pa din maalis sa isip niya ang sinabi nito tungkol sa sunset. Naalala niya tuloy aang nakaraan. Kung hindi siguro nagsalita si Raf tungkol sa sunset ay malamang nakisali siya sa pagbibiro nito. Ngunit hindi ganoon ang nangyari.

Natahimik silang dalawa. Kelan ka magiging ready Tin? Ako, ready na., sabi ni Raf sa sarili.

“Anyway, bakit Fatima ang pangalan ng Hall? Parang alangan naman sa lugar.”, tanong niya bilang paglilipat ng topic.

“Its because of someone I used to know in the past.”, sagot nito sa kanya na hindi nagbabago ang tingin.

“Ah. You must have loved this person deeply.”, sagot ni TinTin na bahagyang nasaktan ngunit hindi nagpakita ng kahit anong emosyon. Naging bato na yata ang puso niya pagdating sa pagpapakita ng sakit. Ang una at huling beses na umiyak siya ay six years ago. At isinumpa niya na hindi na mauulit iyon.

“Yes.”, buntung hininga nito. I still do.

“Lunch na ata, halika na. Punta na tayo sa beach.”, pag-iiba ulit niya ng topic. Parang si Raf naman kasi ngayon ang may naalalang mapait na nakaraan kaya iniwas na niya ang usapan doon.

“Okay. Let’s go.”

Marami na silang nagawa ni Raf nang magkasama. Napakabilis din ng panahon at ngayon gabi ang huling gabi niya dito. Masaya siya at palagay na palagay na ang loob niya dito. Parang malungkot din siyang maghihiwalay sila ng landas bukas. Kung hindi lang siya nakapag set ng appointment sa may-ari ng resort sa Pangasinan ay sasama siya dito papuntang Batangas at Palawan.

Nakakatuwa din na kagabi ay nakanuod sila ng sunset na magkasama. Walang nagkikibuan sa kanila. Masaya lang silang nakatingin sa sunset na magkahawak ang kamay. Nang tuluyan nang magdilim ay naglakad lakad sila sa dalampasigan.

Masayang masaya sila. Lalo na si Tine dahil alam niyang unti-unti nang napapawi ang mga sakit sa kalooban niya. At totoo nga ang sinabi sa kanya ni Raf, sinubukan nga nitong palitan ng masasayang alala ang dating sakit na nainirahan sa puso niya.

Matiyaga sa kanya si Raf, kahit na paminsan ay sinusumpong siya ng topak niya pag naaalala ang nakaraan. Hinahayaan siya nito na mag-‘emote’ at pagkatapos ay aaluin siya nito. Madalas ay ikinukulong siya sa mga yakap nito.

Meant to BeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon