Chapter 4

4.3K 32 1
                                    

*4*

“TinTin!!! Totoo ba?”, bungad agad sa kanya ni Rosie nang makapasok siya ng bahay.

“Ang alin?”, patay-malisya niyang tanong.

“Tumawag kasi ako kay Paul. Tapos nakuwento niya na magkasama kayo ni Paeng sa dalampasigan kagabi.”

“Ah yun. Oo, totoo.”, tipid na tipid na sagot niya.

“Yun na yun? Wala man lang details. Ano ba nangyari? Nilunod mo ba o nilunod ka sa kilig?”, usisa nito sa kanya.

“Well… Ayokong mag-isip eh. Baka mali ang maging conclusion ko.”

“Tell me about it at ako ang mag-aanalyze para sayo.”, pangungulit ng kaibigan niya.

Kinuwento niya ang lahat ng nangyari kagabi. Pag-uwi niya ng bahay ay hindi na siya nakapagkuwento dito, dahil hindi niya ito naabutang gising. Malamang ay napagod ito sa pagpapacute kay Paul ng nakaraang araw. Nang matapos na siyang magkwento ay parang kilig na kilig na naiihi ang itsura nilang dalawang magkaibigan.

“Shocks…. Sabi ko na nga ba. Kaya ka inaasar nun dati kasi may tama yun sayo.”, sabi ni Rosie sabay tapik sa balikat niya.

“Sigurado ka? Eh parang nakipag-bati lang naman siya dahil sa mga kalokohan niya dati.”

“Hindi kaya. A simple sorry will do. Bakit kailangan ka pa niya yayain sa romantic sunset by the beach?”, pangbubuyo ng kaibigan.

“Wala lang, maka-nature siyang tao. Kaya gusto niya makita yung sunset kagabi.”, kibit balikat niya pero hopeful na mganda ang isasagot sa kanya ng “tagapag-analyze” niya.

“Pwede naman niya tignan yung sunset mag-isa. Kahit sa patio nila, kita naman niya ang sunset or sa balcony ng room niya. Bakit kasama ka pa?”, pwede nang mag-abugasya ang kaibigan niya sa galing nito magkumbinsi.

“Sa tingin mo, Ganun ba yun?”, mangmang na tanong niya na ikinukubli ang kilig.

“Oo. Ganun yun! Shocks!!!!! Sana ako din!!! Kinikilig ako for you. Grabe.”, sabay hawak sa buhok nito. “Ang haba ng hair mo!”

Yun nga kaya yun? Kaya ba siya inaalaska ni Paeng dati ay para lang magpapansin sa kanya? Baka naman mali si Rosie. Pero kung tama siya… Shocks!!!! Kinikilig din ako.

“Oy, bakit parang namimilipit ka jan? O eh di nakumbinsi na din kita na type ka ni Paeng? Type mo din naman siya diba? Siya yung nacute-an mo dun sa airport pa lang eh.”, panghuhuli ng kaibigan sa kanya.

“Oo na. Pero basta, unless I get a confession, hindi pa din ako mag-aassume.”

Nag-ring ang cellphone ni Rosie at hindi niya kilala ang number na rumehistro sa screen. “Sino kaya Ito?”, sabay sagot niya.

“Hello.”

“Hello? Rosie? Si Paeng ito.”, sabi ng nasa kabilang linya.

“Oh Paeng, bakit?”

“Anjan ba si TinTin?”

“Ah, wait lang.”, sagot nito kay Paeng tapos ay bumaling kay TinTin, “Oh, Ms. Ayaw mag-assume, si Paeng nasa phone.”

Wala naman silang pinag-usapan ni Paeng. Tinanong lang nito ang cellphone number niya dahil nakalimutan daw nitong tanungin sa kanya kagabi. Ibinigay naman niya ang number niya at sinabi nito na magtext na lang sila maya maya dahil kakain na ng agahan. Tinawag na si Rosie at TinTin ni Yaya Emmy dahil gusto daw ni Lola Norma na sabay sabay magbreakfast bago ito bumiyahe papuntang Manila. Meron kasing gagawing isang linggong conference ang association ng mga bangko sa Pilipinas.

Meant to BeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon