Chapter 2

6.7K 38 2
                                    

*2*

“Rosie! Come here apo. How have you been?”, excited na salubong ni Lola Norma sa favorite apo nito. Nag-iisa itong apo sa favorite na anak nito na si Manny, kaya naman favorite din siya nito. “My god iha, how much you’ve grown. I just saw you last Christmas. And look what five months have made you.”, yakap yakap nito si Rosie at talaga namang parang reunion ng dalawa sa kasabikan.

“I know Lola. And I missed you so much.”, sagot naman ni Rosie na nakayakap pa din sa Lola. Nag-iisa na lang niya itong Lola dahil nang mamatay ang lola niya sa kanyang ina ay kapapanganak pa lang sa kanya.

“Hello Lola. Thank you for inviting me over.”, singit niya sa dalawang parang ayaw mapuknat sa pagkakayakap sa isa’t-isa.

“Oh, hi TinTin. I’m so glad you visited us. I’ve been inviting you for ten years na nga ata. Buti naman at you decided to spend your Summer vacation here.”, sabay stretch ng isang kamay nito na parang ine-engganyo siya na yakapin niya din ito.

Agad naman sumunod si TinTin. Love niya din ang Lola Norma ni Rosie. Lagi niya itong nakikita sa bahay nila Rosie tuwing Christmas break nila. Doon ito nag-spespend ng Christmas. At kapag New Year naman ay sa bahay ng isa pa nitong anak na si Tita Dian. Minsan naman ay kina Rosie din ito namamalagi ng dalawang linggo kapag bakasyon nila sa eskwela ng Summer. Kaya’t masasabi niyang close na siya dito.

“Guess what apo, may nakabili na ng resthouse sa kabila. This year lang nabili. And they renovated it. Ang ganda na. Ang balita ko, today din dadating ang mag-asawa. I think we should go there this afternoon to welcome them. What do you think?”, tanong ni Lola Norma na sumulyap din sa kanya.

Tumango naman siya dito. Natural naman na pagbigyan niya ang gusto nito dahil isang buwan siyang makikigulo sa bahay at buhay ng matanda.

“Okay Lola. We should bring them some Chicken Pie. I could bake later if you like.”, offer naman ni Rosie. Mahilig talaga itong magbake. At ang specialty niya ay ang Chicken Pie nito. Gusto talaga nitong maging chef pagtanda nila.

“That’s great dear! All set, let’s go there around 4 in the afternoon. Will your Chicken Pie be ready by then?”, tanong ng matanda.

“Yes Lola, Sisimulan namin ni TinTin magluto after kumain ng tanghalian. But please, feed us na. Gutom na kami Lola. Almost lunch time na. What did my super Lola cook for us?”, panunukso ni Rosie sa Lola Norma niya.

“Ay, oo nga pala. Na-amaze kasi ako nang makita kita kaya hindi ko na naalala na pakainin kayo.”, sabay halakhak. “Halika na sa dining area.”

Habang kumakain silang tatlo ay puro tawanan, hagikhikan at asaran. Groovie ang Lola Norma ni Rosie. Sa edad na 59 ay para itong bata kung kumilos. Nangungulit pa ito kung sino ang crush nilang dalawa ngayon. Feeling ata ng Lola ni Rosie ay mga gradeschool pa sila kung makatanong.

Matapos makapananghalian ay nagpaalam si Lola Norma na aalis muna at pupunta daw ng Bangko. Yun ang business ng Lola ni Rosie sa probinsya. Meron itong Rural Bank dito sa Puerto Princesa. Kaya naman din medyo sosyalera ang matanda dahil hanggang ngayon ay personal pa din itong humaharap sa mga investors ng bangko. Ultimo ang mga nagloloan sa Rural bank ay siya mismo ang nag-iinterview para naman daw hindi siya nangungulila sa bahay nito. Simula kasi nang pumanaw ang Lolo ni Rosie ay mag-isa na lang ito sa bahay kasama ang mga kasambahay nito.

Meant to BeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon