Chapter 5

4.1K 31 5
                                    

*5*

Parang nawili ang lima sa ginawa nilang bonfire. Nagpatuloy na doon na sila nag-didinner gabi gabi at ngayong gabi pa ay sumama ang mga magulang ni Paeng. Nakisalo pa ito sa kanila at nakipag biruan na parang mga teenagers din.

Bata pa din pala ang mag-asawa. Wala pa palang forty ang mga ito. Maaga pala itong nag-asawa sa edad na 22. Kaya naman parang kabarkada lang nila si Paeng at mga kaibigan nito. Sila Paeng, Jake at Paul ay 17 years old na ng grumaduate ng highschool dahil may grade7 sa La Salle Greenhills.

Tuwang tuwa silang nagkukuwentuhan lahat. Paminsan minsan ay nakiki jamming sila kay Tito Andy habang tumutugtog ito ng gitara. Mahilig pala ang mag-asawa sa music. At ikinagulat din niya nang marining niyang kumanta si Paeng.

Maganda ang boses nito. Sa batang edad nito ay parang professional ang boses. Mapapagkamalang sumasideline ito bilang singer. Natulala sa pagkabilib si TinTin kay Paeng habang kinakantahan siya nito. Hindi niya kilala ang kanta. Panahon ng mga magulang ni Paeng ang kinakanta nito.Side A Band daw ang kumanta nito.

Nang makita ka'y di ko malaman,

Saan ka galing, saan paroroon

Nakuha mong kausapin ang aking puso

Nakakulong

Ilang araw, ilang buwan ang dumaan

Tayo'y naging tunay na magkaibigan

Kahit malayo ka'y parang andyan ka rin

Sa 'king piling, o may lihim...

Lalo siyang napahanga kay Paeng ng umabot ito sa chorus ng kanta at titig na titig sa kanya.

Nais kong sabihin sa iyo,

Mahal kita at di kita iiwan

Nais kong yakapin kang mahigpit,

Kailanman ay di kita pababayaan

Mahal ko, mahal ko...

Bago ito sa pandinig niya at gustong gusto niya ang lyrics ng kanta. Parang kinakausap siya ni Paeng sa pagkanta nito at kasabay na parang hinahaplos ang puso niya sa bawat salita at himig.

Naputol ang kanta ni Paeng nang maghiyaawan ang nasa paligid. Tinutukso silang dalawa. Pati ang mga magulang ni Paeng ay nakisali sa pagkakantiyaw sa kanila. Parang nag-init naman ang mga pisngi niya. At nahiya naman si Paeng.

Ginulo nito ang buhok at tinakpan ang mukha. Hindi niya maintindihan ang ekspresiyon ng mga mukhang iyon ni Paeng nang tignan siyang muli.

“Aba, I think I met my future daughter in law, ha.”, sabi naman ni Tita Jessie.

Parang mayroong konting tensiyon sa pagitan nila ni Paeng. Habang tatawa tawa naman ang mga magulang nito ay nagpaalam na ito. Mauuna na daw sila sa resthouse at ipagpatuloy na lang nila ang kasiyahan.

Nilapitan naman siya ni Paeng at tumabi ito sa kanya.

“Nagustuhan mo ba?”, tanong nito sa kanya.

“Maganda. Ang ganda pala ng boses mo. Pwede ka palang maging singer.”, sabi niya dito.

“Eh yung lyrics? Nagustuhan mo ba?”, tanong muli nito sa kanya.

“Oo. Parang… parang….”, hindi niya maituloy ang gusto niyang sabihin.

“Parang ano?”, tanong nito sa kanya na hindi pa din napuputol ang malagkit na tingin nito.

“Basta…”, hindi niya talaga kayang ituloy ang gusto niyang sabihin.

“Ang labo mo naman kausap.”, sabi nito sa kanya.

Meant to BeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon