Chapter 7

4K 28 3
                                    

*7*

Hindi na naman mapakili si Cris sa pagpili ng damit na susuotin para sa dinner. Naiinis siya sa sarili dahil para siyang baliw kapag kaharap niya si Raf. Minsan ay masaya at minsan ay may galit.

Alam niyang hindi niya dapat idamay si Raf sa nakaraan niya. Hindi naman kasalanan nito na nasaktan siya ng unggoy na Paeng na iyon. Kaya alam niyang dapat niyang icontrol ang mood swings niya. Lalo pa at mabait naman sa kanya si Raf. Bukod sa assisting ito ay pinipilit pa nitong aliwin siya. Normal lang na ganoon ito dahil itinuturing siyang guest nito. Aba, dapat lang, free marketing ng resort nila ang mapapala nila sa akin no.

Napag-isip isip si Tine na siguro nga ay sapat na ang anim na taong na paghihirap at pagpapahirap niya sa sarili. From this night on, susundin ko ang lahat ng payo nila. I’ll let it all go. The pain, the hurt, and sana pati si Paeng. Hindi niya alam kung ang nararamdaman niya kay Paeng ngayon ay galit lang ba o may pagmamahal pa? Whichever the case, I will let go.

Napagdesisyunan niya na hahayaan niya ang lahat na mangyari kung ano ang dapat mangyari. Hindi niya pipigilan ang sarili niya. Kung may nakikita man siyang atraksiyon kay Raf, hahayaan na niya iyon. Titignan na lang niya kung saan iyon hahantong. Im 22. Siguro naman Im wiser now. Hindi na ako papaloko ulit.

Nang masulyapan ang orasan ay bigla siyang napamadali. Hindi na siya tulad ng dating TinTin na kapag natataranta ay nagkakamali mali ang ginagawa. Ngayon ay mas composed na siya. Mas organized na din, hindi katulad ng dati.

Namili na siya nang damit na susuotin. Gusto niyang maging maganda sa gabing iyon. Hindi lamang dahil gusto niyang magpaimpress kay Raf, kung hindi para na din sa kanya. Gusto niyang icelebrate ang gabing iyon. Im Free. Im a new woman.

Napili niya ang Spaghetti Strap niya na damit na may square neck. Favorite niya ang damit niyang iyon. Feeling niya ay siya si Barbie. Kitang kita ang magandang korte ng katawan niya dito na ngayon lang niya lubusang inappreciate. Dati rati ay palagi niyang sinasabing mataba pa din siya tulad noong teenager siya. Kahit pa noong Graduation Ball nila ng highschool ay siya lang ang pumayat sa kanilang magakakaibigan, feeling niya pa din ay mataba siya.

6:15 na at tapos na siyang magbihis. As usual, foundation at konting blush-on lang ang nilagay niya sa mukha. Hindi naman din kasi niya kailangan ng maraming make-up. Natural na maganda siya. Makinis at maputi ang balat gaya ng dalagita pa lamang siya. Kahit na mahilig siya mag-escapade sa beach at sa resorts, hindi siya basta bastang nangingitim, namumula lang. “Sun-kissed” ang tawag niya doon. Pasalamat niya at nagmana siya sa kutis ng mama niya na may 1/2 na Chinese blood.

“Ready?”, tanong ni Raf nang pagbuksan siya ni Tine ng pinto.

“Yeah.”, tipid na sagot niya at lumabas ng Casita. Ini-lock niya na ang pinto at pagtalikod niya ay nahuli niya si Raf na titig na titig sa katawan niya.

“Ang sexy mo naman.”, pagpuri nito sa kanya.

“Thanks.”, nagblush naman siya sa kaderetsohan nito. Ngayon lang din niya naappreciate ang pagpuri. Natuwa naman siya at feeling niya ay talagang improving ang pagkausap niya sa sarili niya kanina na i-let go na ang mga angst niya sa buhay.

Meant to BeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon