Chapter 1

112 4 0
                                    

"Ito ang magiging tahanan mo,Rebeka,"si Lupe,ang manggagamot at mangkukulam sa mundong Womanland. Ang mundo ng mga katulad nilang bampira.

Nang maging payapa na ang mundong Womanland ay nagkaroon na ang lahat ng kapayapaan na mamuhay sa nasabing mundo at ang malayang pagtawid ng mga bampira sa mundo ng mga tao.

Sinuyod ni Rebeka ang simple bahay na tutuluyan niya.

"Salamat,Tita Lupe,nagustuhan ko!"nagagalak niyang turan. Hindi mahalaga sa kanya kung marangya o hindi ang tutuluyan niya ang mahalaga ay tahimik at malaya siyang mananatili sa mundo ng mga tao.

She's a princess in Womanland but she choose to live as a normal woman.

"Alam ko magugustuhan mo rito. Mayamaya lamang ay dadating mga pinsan mo,"tugon nito. Ang tinutukoy nito ang tatlong kambal na pamangkin nito.

Ang mga pinsan niya na ubod ng gwapo na siyang naninirahan sa mundong ito. Ito ang unang beses na makikilala niya ng personal ang mga ito. Tanging sa larawan lamang niya nakita ang mga ito na binigay sa kanya ni Tita Lupe.

"Huwag ka mag-alala sa pagkain mo,ako na bahala ang gagawin mo na lang ay buksan ang refrigerator na iyun!"turo nito sa isang malapad na refrigerator na kulay itim.

Agad na tinungo niya iyun at labis ang pagkamangha niya ng masilayan ang laman niyun.

Pagkain mula sa mundo nila lalo na ang kulay pulang likido.

"Salamat sa pag-aasikaso niyo sakin,Tita Lupe!"pagpapasalamat niya sa tiyahin.

"Wala yun,ikaw pa,mahal na prinsesa!"tugon nito na kinahagikhik niya.

"Pwede ba,wag mo na ko tawagin na mahal na prinsesa,Rebeka na lang,Tita Lupe,"aniya.

Ngumisi ito. "Sabagay. Kailangan tawagin ka sa pangalan mo lalo na nandito ka sa mundo ng mga tao,"anang ng Tita Lupe niya.

Malakas na katok ang pumukaw sa kanila at ang magkakasunod na tatlong lalaki na pare-pareho ang wangis ng mukha ay mabilis na nagsuguran ang mga ito sa kanya.

"Ina!!!"bulalas ng isa sa kambal.

"Rebeka!"agad na pagtatama ng isang kambal na may istriktong mukha.

"That's so weird to call her just by her name,"untag ng isa naman kambal na may seryosong aura pero may aliw na masisilayan sa mgà mata nito.

Naguluhan nga siya na tawagin siyang ina ng isa sa kambal.

"Uh,pasensya na,Rebeka..makulit lang talaga isa sa kambal ko,"untag ni Tita Lupe.

"And also it's weird too to call us your son,"anang ng may istriktong mukha.

"Sorry,in--,i mean,Rebeka.."turan ng kambal na tumawag sa kanya ina.

Weird nga sa kanya ang sinabi nito.

Idinaan na lamang niya sa pagtawa ang tila pagtatalo ng mga ito.

"Ayos lang,kamusta kayo?"turan niya sa tatlong kambal.

"Mabuti naman at pare-pareho na may mga pamilya,"sagot ng may seryosong aura.

"Sana hindi ako malito sa mga pangalan niyo,"wika niya sabay ngiwi.

"Madali lang yan,Rebeka. Ako si Aquill,friendly ako!"malaki ang ngiti sa mga labi nito pakilala sa kanya.

Nakangiting tumango siya rito. Bumaling naman siya sa katabi nito.

"Aquilles,seryoso man pero nagiging friendly din ako,"nakangiti nitong pakilala.

She's agree though. Aquilles is a serious man type but naughty.

Let the love begin : Amir & Rebeka byCallmeAnggeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon