Chapter 11

31 3 1
                                    

"What?!"singhal ni Yasser kay Amir.

Kanina pa masama ang tingin ni Amir sa kaibigan mula ng dumating ito sa bahay at nadatnan ang kaibigan na abala sa harapan ng flatscreen tv. Nakatayo si Amir sa harapan mismo ng TV.

"Dude, nanunuod ako oh! Di ko makita ang kagwapuhan ko sa screen!"reklamo nito kay Amir.

Dinampot ni Amir ang remote at pinatay iyun na napanganga sa kaibigan.

"Atittude ah!"

Binalibag ni Amir ang remote sa tabi nito at napailing na lang sa inasal niya.

"Huwag na huwag mo ng uulitin ang ginawa mo kanina,"mariin at puno ng pagbabanta saad niya sa kaibigan.

"Damn! Nakakatakot ka naman! Sorry,okay! Malay ko ba..sino ba yun? Siya ba yun hinahanap mo?"tugon nito. Makikita naman na nagsisisi ito.

"Huwag na huwag kang magsasalita ng ganun o na kahit ano kapag kaharap mo siya,damn you!"tiimbagang niyang turan.

Hindi siya mapakali dahil sa ginawa nito sa harapan pa talaga ng isang prinsesa!

Napabuga ng hininga ang kaibigan. "Sorry!"pagtaas ng mga kamay nito na tila sumusuko.

"Is she your first love?"seryoso nitong tanong.

Napabuga siya ng hininga saka pabagsak na umupo sa tabi nito.

"Yeah,"maiksi niyang sagot.

Isang mahinang tawa ang nagpalingon sa kanya rito saka sinamaan ng tingin.

"Kaya naman pala. Hindi mo naman kasi nilinaw kanina nagmamadali tayo na hanapin siya. But seriously,Dude! Maganda siya kaso...ang intimadating ng aura,"anito.

Napalitan ng pagngisi ang lukot na mukha ni Amir sa huling sinabi ng kaibigan.

"Dapat lang na kabahan ka sa kanya,"aniya.

Nagtaas ng isang kilay ang kaibigan at nginisihan niya ito ng malaki saka pabagsak na sinandal ang likod sa sandalan ng sofa.

"Di na ko magtaka kaya pala kahit anong gawin ko pagbubugaw sayo sa mga babae hindi mo talaga pinapatulan,"napapailing nitong sabi saka ginaya siya sa pagsandal sa sofa. Nakatitig sila pareho sa kisame.

"She can't remember me,"usal niya.

Marahas na napabaling sa kanya ang ulo ng kaibigan pero nanatili ang tingin niya sa itaas.

"Damn. How?"

"They really tried me until now and..this is too much for me,actually,"usal niya. Hindi pa rin niya tanggap ang ginawa ng kambal at ng lola lupe niya sa ginawa ng mga ito kay Rebeka.

"Wait. You mean nagkaamnesia siya?"tanong nito na tuluyan ibinaling sa kanya ang buo nitong katawan.

"Lola Lupe erase her memory about me  ,"tugon niya saka napatiim-bagang.

Hindi nakaimik ang kaibigan kaya sumulyap ang mga mata niya rito.

Nakanganga ito at sandali pa ay umiling-iling ito at saka muli bumalik sa pagkakasandal sa sofa.

"I like your Lola Lupe,i admit that..but damm,i don't know what to say about this,Dude!"

Napangisi siya. "Talagang tinamaan ka sa matandang yun? Baka mawala yan pagsinta mo sa kanya kapag nakita mo ang totoong edad ng pisikal niyun?!"

Nilingon siya ng kaibigan saka tinawanan niya ito ng makita ang pagkainis sa mukha nito.

"We're vampire! Hindi tayo tumatanda lalo na sa pisikal!"depensa nito.

Let the love begin : Amir & Rebeka byCallmeAnggeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon