Inaamin ni Rebeka na apektado siya sa inakto ni Amir ng bigla na lang siya nitong iwan mag-isa.
Amir looks mad and...that's make her worried.
Hindi niya maintindihan talaga kung bakit unang pagkikita pa lang nila ng lalaki ay may kung ano itong binubuhay sa kaloob-looban at isipan niya.
Napabuntong-hininga si Rebeka. Hindi siya makatulog. Yung isip niya naiwan sa kung paano niyang makita ang pagsama ng timpla ng mood nito.
But other than that. She feel so special and...happy?
Bumaba ng silid si Rebeka at nagtungo sa kusina. Ang tanging ilaw na bukas lamang ay ang nasa salas.
Kumuha siya ng mga gamit na pwede niya paglagyan ng gagawin niyang blood jelly ace. Yes,it's a jelly made in blood.
Natutunan niya iyun sa Reyna. Libangan niya gawin ng matutunan niya gawin iyun at sa womanland ay pinamimigay niya iyun sa mga bata katulong ang mga kawal nila.
Si Tita Lupe mismo ang nagpabili ng mga gamit na kailangan niya kapag naisipan niyang gumawa niyun. Alam na nito ang mga kailangan niya.
Pasikat na ang araw ng matapos si Rebeka at hinayaan iyun lumamig sa loob ng refrigerator.
Bitbit niya ang ginawa niyang blood jelly ace. Crescent moon ang hugis niyun sa maliit na sukat. Gustong-gusto talaga niya ang crescent moon kaya naman ang porselas na suot niya ay pinakaiingatan niya talaga ng sobra.
Excited siya ng marating ang opisina pero lumipas na ang tanghalian ay hindi dumating si Amir. Wala naman siya natanggap na tawag mula rito. Well,hindi naman ito obligado na ipaalam sa kanya kung papasok ba ito o hindi dahil ito ang boss nila.
Pero hindi dapat alam niya? Sekretarya siya nito at dahil araw ng pasok may karapatan naman siguro siya na malaman kung papasok ba ito o hindi. Paano kung may emergency call? Paano niya sasabihin na hindi niya alam kung nasaan ang boss niya?
Napabuga ng hangin si Rebeka at napatitig sa hugis parisukat na tupperware kung saan nakalagay ang ginawa niya.
Hindi naman niya alam kung bakit naisipan pa niya gumawa para rito. Deserved ba nito na magsayang siya ng oras?
Natapos na ang buong araw na hindi pumasok si Amir. Sinabihan lang siya ni Mrs. Crison na may importante pinuntahan ang boss nila kaya hindi ito nakapasok.
Hindi naman sila napapagod kaagad eh. Saka wala naman siya ginawa sa opisina kundi tumitig sa screen ng laptop at magbasa-basa ng kung ano-ano sa website.
Imbes na umuwi ay naisipan niyang magpunta ng mall. Gusto sana ng isa sa tatlong kambal na samahan siya pero sinabi lang niya na gusto niyang matuto kung paano makihalubilo sa ibang tao at magpunta sa mga lugar na dapat niya matutunan puntahan. Hinayaan naman siya gawin iyun sa pangako na tatawag siya kapag kailangan niya ng tulong.
They are so sweet kaya napakaswerte ng mga napangasawa ng mga ito.
She's excited to meet them,actually.
She just roaming around. Nag-enjoy siya sa paglilibot sa malaking mall hanggang sa naisipan niyang umupo at pagmasdan ang mga tubig na lumalabas mula sa sahig at may iba't-ibang klase ng kulay. Masayang naglalaro ang mga bata na inaabangan ang paglabas muli ng tubig. Nakakatuwang pagmasdan ang mga tao sa paligid.
Ganito pala kasaya ang mga tao dito sa mundong ito. Masaya rin naman sa mundong pinagmulan niya pero dahil siguro hindi niya kalahi ang mga nasa paligid niya kung kaya iba sa pakiramdam.
"Dito lang pala kita matatagpuan,"anang ng boses iyun na iyun at humarang sa tinatanaw niyang mga bata.
"Sir Amir...?"
![](https://img.wattpad.com/cover/206532518-288-k446229.jpg)
BINABASA MO ANG
Let the love begin : Amir & Rebeka byCallmeAngge
VampiriNagkakilala sina Amir at Rebeka sa WOMANLAND,kung saan isang prinsesa si Rebeka at isa naman ordinaryong bampira si Amir,ang apo ng mangkukulam na si Lupe. Matapos ang kaguluhan at kasamaan ng nakakatandang kapatid ay nakapiling na din ni Rebeka a...