Chapter 8

56 6 0
                                    

Hindi niya alam kung matutuwa ba siya o magagalit. Hindi niya inaasahan na makita ang munting porselas na iyun na siyang inalay niya rito bago siya nagpunta sa mundo ng mga tao bilang tanda ng pangako at pag-ibig niya para rito.

Ang porselas na iyun ay siya mismo ang gumawa. Masaya siya dahil suot nito iyun at naiinis siya dahil pati ang bagay na iyun nawala na din sa alaala nito.

Gustong-gusto niya talaga ilabas ang galit at hinanaing sa Lola Lupe niya. Kadugo ba talaga niya ito at nagawa nito iyun?!

"Dito na ba,Sir Amir?"

Ang malamyos na boses iyun ang nagpabalik sa diwa niya na panay ang ngitngit.

"Yes,we're here,"aniya saka nauna ng bumaba ng kotse at mabilis na pinagbuksan ng pintuan ang babae.

Hindi kaagad ito nakababa marahil hindi nito inasahan ang ginawa niya.

"Ginagawa ito ng mga tao sa kasama nila sa sasakyan at...i will do that,too.."saad niya.

Alam niyang sisitahin siya nito kaya inunahan na niya at handa naman siya magpakaalipin dito kahit di nito sabihin ngunit sa kalagayan nito kailangan niya talagang magdahilan.

Tahimik naman ito bumaba ng sasakyan. Something inside him urge to hold her hand but he can't.

Magkaagapay na pinuntahan nila ang entrance ng restaurant. Tahimik at wala kibuan. He need to be patience. Ang dami niya gustong ikwento rito sa mga bagay-bagay sa paligid nito dahil ito ang unang pagkakataon nito na mapunta sa mundo ng mga tao.

Pinagbuksan sila ng guard ng pintuan. Pinauna niya ito sa pagpasok.

Damn,his queen.

Huminto ito sa paghakbang at hinintay siya na makalapit rito. Alam niyang hindi nito kilala kung sino ang kikitaan nila.

Automatically his hand grab her elbow and then they walk towards in the right side.

Hindi niya inalis ang pagkakahawak sa siko nito na kanina pang kating-kati ang kamay niya na hawakan ito at nagpapasalamat siya na hindi ito pumalag.

"Here they are,"usal niya at huminto sila sa isang lamesa na may nakaupo na.

Ang mag-asawang Mabrosh at ang anak na dalaga ng mga ito na si Sunshine,na siya nirereto ng mga ito sa kanya.

Ang pinsan ng kaibigan niyang si Yasser. Mr.Mabrosh is one of his board members with his 25% share.

Agad na binati siya ng mag-asawa.

Inalalayan naman niyang umupo si Rebeka. Nakasunod ang mga mata ng mga ito sa kanila.

"Sino siya?"si Sunshine.

Pagkaupo ay agad na bumaling siya rito ng magtanong.

"She's my assistant secretary ,Rebeka,"tugon niya rito.

Tinitigan ito ni Sunshine na tila ba may hinahanap itong kapuna-puna.

"Like you said hindi ka magtatagal dahil may importante kayong pupuntahan ng sekretarya mo,"untag ni Mr.Mabrosh.

Agad na tumango siya sa matanda.

"Yes. I just drop by here awhile,"tugon niya.

Sinulyapan niya ang babae na nasa tapat niya. Mababakas ang disgusto sa mukha nito.

Sunshine is like a beauty queen. Very regal. Sophisticated.

Mabagal nitong kinuha ang wine glass nito at pasimsim na uminom roon.

"Is she know already na wala nakakatagal sa posisyon niya?"

Nagsalubong ang mga kilay niya at napabaling sa katabi.

Let the love begin : Amir & Rebeka byCallmeAnggeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon