Chapter 17

52 2 0
                                    

Pagkapasok ni Amir sa kanyang opisina ay nadatnan niya ang isang kahon. May naaamoy siya roon na bago sa pang-amoy niya.

Hindi niya nadatnan si Rebeka sa desk nito pero naroon na ang gamit nito marahil nasa ibaba palapag ito at may inaasikaso.

Lumapit siya sa table at inabot ang kahon. Salubong ang kilay na binuksan niya iyun nakita isang kulay gray na sleepwear iyun. Fur slipper. Kaagad na napangiti si Amir.

Binigyan ba siya ni Rebeka nito dahil nakita nitong nakapaa lang siya babain niya ito ng nakaraan gabi mula sa balkonahe niya.

Damn,she so sweet.

Hihintayin niya ang prinsesa upang pasalamatan ito sa binigay nito. Ngunit kalahating oras na ay hindi pa nakabalik si Rebeka kaya lumabas na si Amir ng opisina niya.

Hindi siya mapalagay kahit nasa iisang lugar lang sila ng prinsesa ay iba pa rin na nakikita niya ito.

Mabilis na narating ni Amir ang unang palapag. Marami ng empleyado ang nagsisimula ng magtrabaho.

"Goodmorning,Conan,"si Mrs.Crison.

Kaagad na bumaling siya sa matandang empleyado.

"Si Ms.Womanland ba ang hinahanap mo?"kaagad na tanong nito.

"Yes,Mrs.Crison,"kaagad naman niya tugon.

Inayos nito ang suot na salamin. May mapanuring tingin ito pinukol sa kanya sa likod ng suot nitong salamin.

"Nakita ko na magķasama sila ni Ms.Sunshine,"saad nito.

Nangunot ang noo ni Amir sa narinig.

"Alam niyo ho ba kung saan sila nagpunta?"

"Lumabas sila. Hindi ko tiyak kung saan sila magpupunta,"sagot nito.

Tumango siya at saka nagpaalam rito. May paraan para matunton niya sa kung nasaan ang mga ito. Gamit ang kakayahan bilang isang bampira ay hinagilap ng matatalas niyang senses ang bakas mula kay Rebeka at dinala siya niyun sa parking area.

Mabilis ang bawat hakbang niya. Hindi niya alam kung bakit sinadya ito ni Sunshine. May dapat ba ang mga ito pag-usapan?

Naikuyom niya ang palad. Natitiyak niya noon una na ipakilala niya ang dalawang babae ay may tensyon na sa pagitan ng mga ito.

Natigilan si Amir sa paghakbang ng matanaw ang dalawang babae. Nang may dumaan na kotse ay tumabi siya pinili maghanap ng pagkukublihan. Ilang metro ang layo ay sumandal siya sa isang pader na hindi siya makikita pero alam niyang mararamdaman siya ni Rebeka.

"Pag-isipan mo ang offer ko sayo. Mas malaki ang sasahurin mo kung magriresign ka bilang assistant secretary ni Amir, "seryoso at mapanghamon na sabi ni Sunshine.

Naipilig ni Amir ang ulo sa narinig.

What the hell her saying to Rebeka?

"I don't want you to stay as an employee of him. I don't like you. You know. Ayaw kong makipagplastikan sayo sa tuwing magkikita tayo dahil...natitiyak ko na masasaktan ka din sa huli. Magagaya ka sa mga nagdaan na sekretarya niya na nainlab kay Amir. Well,Amir is a man,he can easily to take what those sluts can offer him,"dagdag nito.

Napatiimbagang si Amir sa narinig. Iniisip ba nito na katulad ni Rebeka ang mga naging sekretarya niya?

"Tinutulungan lang kita bilang kapwa mo din babae,Rebeka. Ngayon pa lang ay nilalayo na kita sa posible mangyari sayo...o magawa mo kay Amir na..ikakababa mo bilang isang matinong babae,"dugtong pa nito.

Gustong-gusto na ni Amir na sugurin ang kinaroroonan ng mga ito dahil hindi na niya nagugustuhan ang pinagsasabi ni Sunshine kay Rebeka. Rebeka is a fuvking princess! Kamatayan ang katapat ng sinuman man ang magbitaw ng hindi magandang mga salita para rito!

Let the love begin : Amir & Rebeka byCallmeAnggeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon