Chapter 15

48 4 7
                                    

Huli na ng natanto ni Amir na hindi nga pala niya suot ang kanyang sapatos nang nakaraan gabi. Nakababa na siya ng sasakyan ng mapansin na nakamedyas lang siya. Sa lalim na din ng iniisip niya dahil sa paghaharap nila ng tatlong prinsipe na kulang na lang dambahin siya at ibalibag ng mga ito.

Napabuga ng hininga si Amir habang naghahanda sa nakasanayan niyang pagjogging sa umaga.

Pero hindi naman niya mapigilan na mapangiti  ng maalala kung ano itsura ng prinsesa habang suot ang sapatos niya. Kay ganda tignan na gamit nito ang pag-aari niya.

Nilingon niya ang kinaroroonan ng heels na nakapatong sa mesita niya sa na nasa loob mismo ng kwarto niya.

Pakiramdam niya kasama niya ang prinsesa.

Lumabas na siya ng bahay at nagsimula na sa pagjogging. Malawak ang kinatatayuan ng bahay niya malayo iyun sa susunod pang mga bahay. Isang pribadong pag-aaari na binili niya kaya wala sinuman makakapasok ng basta-basta lalo na may dadaanan na checkpoint upang tiyakin na may kakilala ito sa papasukin na property. Ang kanyang Abuela Lupe at Yasser lang ang tanging nakakapasok lamang sa property niya.

Magtatanghali na ng makabalik siya ng bahay. Wala siyang gagawin sa buong magdamag hanggang sa araw muli ng trabaho. Nang makapagbihis na pagkatapos maligo ni Amir muli napasulyap ang mga mata nito sa heels.

May bigla kung anong ilaw na nabuhay sa ibabaw ng ulo niya. Mabilis na nilapitan niya ang kinapapatungan ng heels.

Pinagkrus niya ang mga braso sa harapan.

Ano kaya kung dalhin niya rito ang prinsesa upang ito na kumuha ng sapatos nito at makakapunta pa ito ng bahay niya.

Damn!

Great idea!

Hindi na tuloy mapakali si Amir hanggang sa araw na ulit ng trabaho. Marahil sa excitement niya ay maaga siya muli pumasok ng opisina at hindi na siya napansin ng gwardya roon na kasulukuyan nag-iikot sa buong gusali.

Dahil napakaaga niya sa opisina at wala naman siya gagawin sa loob ay inabala niya ang sarili sa pagpush up ng maraming beses at kung ano-ano pa na pwede gawin habang naghihintay sa prinsesa.

Kasulukuyan,nagpupush-up gamit ang dalawang daliri si Amir. Nakatiklop ang longsleeve ng polo nito hanggang sa siko nito ng umingay ang telepono sa ibabaw ng desk niya.

Natigilan si Amir sa ginagawa at mabilis na tumayo upang sagutin ang tawag. Maliban sa linya na konektado sa desk ni Rebeka ay konektado din iyun sa reception area kung saan importante bagay lamang ang pwede siyang tawagan at mukhang sa ganitong oras ay may importante na tawag kaagad.

"Hello?"

"Goodmorning,Sir Conan!"pagbati ng babaeng empleyado niya.

Sumulyap siya sa nakapinid na pintuan. Wala pa si Rebeka. Sumulyap siya sa suot na relong-pambisig. Pasado alas y ocho na. Nakakapagtaka na hindi maaga pumasok ang prinsesa?

"Sir Conan,may flowers po para kay Ms.Womanland. Hindi po sumasagot ang line niya kaya po kayo na ang tinawagan ko,"saad nito sa kabilang linya.

"Flowers? Kanino galing?"salubong ang mga kilay na saad niya.

Sino naman ang magbibigay ng bulaklak sa prinsesa?!

"Anonymous name po. Ayaw din po ipasabi sa nagdeliver,"sagot nito.

Napatiim-bagang siya. Kung sino man ang nagpadala ng bulaklak. Well,hindi alam nito na allergy ang prinsesa sa bulalak.

"I'll go down there,"tiimbagang niya sabi saka binaba ang telepono.

Let the love begin : Amir & Rebeka byCallmeAnggeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon