Wala sa kausap niya ang buong atensyon ni Amir kundi na sa kay Rebeka na magiliw na magiliw na nakikipag-usap sa mga bata. Kanina pa nga hindi ito mapakali dahil gustong-gusto na lapitan ang mga bata.
Hindi na siya magtataka na malapit ang loob nito sa mga bata dahil matagal ito nawalay sa tatlong kambal. Sabik ito sa piling na anak nito at wala man ito maalala. Alam niyang sa puso nito ay mabubuhay ang damdamin iyun.
Napabuga siya ng hininga.
"Uh,Mr.Conan?"
Napabaling siya sa babae na tumawag sa kanya. Saka lang niya naalala na may kausap nga pala siyang mag-asawa at marahil napuna na ng mga ito na wala ang atensyon niya sa mga ito.
"Mukhang naiinip ka na. Anyway,nakakatuwa makitang magiliw sa bata ang sekretarya mo,"saad ng asawa nitong lalaki.
Ibinalik niya ang tingin sa kinaroroonan ni Rebeka. Napabaling ang tingin niya sa paglapit ng tatlong batang lalaki na sa tantya niya ay nasa anim na gulang na. Iisa ang wangis ng mga mukha nito.
Triplets.
Tuluyan na natuon ang atensyon niya ng harapin ni Rebeka ang bagong dating na tatlong bata na kambal.
He saw Rebeka stopped. Suddenly, hug them. Tila naman nabigla ang tatlong kambal pero hindi umangal sa biglaan pagyakap ni Rebeka sa mga ito.
"Bakit po kayo umiiyak?"inosenteng tanong ng isa sa kambal.
"Excuse me,pupuntahan ko lang ang sekretarya ko,"kaagad na paalam niya sa mag-asawa ng marinig mula sa isang kambal ang sinabi nito.
Mabilis ang mga hakbang niya hanggang sa makarating siya sa kinaroroonan nito.
Inaabutan na ito ng tissue ng nagbabantay sa mga bata. Nakatitig ang tatlong kambal kay Rebeka na mahinang humihikbi.
"Rebeka,"untag niya.
Kaagad na nag-angat ito ng mukha na basa ng luha nito.
Inalalayan niya ito makatayo ng maayos mula sa pagkaluluhod nito.
"Ayos lang po ba kayo,Ma'am?"nag-aalala tanong na ng babae nagbabantay sa mga bata.
"Naooverwhelmed siya sa mga bata. She's okay,"pagsagot niya dahil umiiyak pa rin ito.
May ilan na napapatingin sa gawi nila kaya inakbayan niya ito upang itago kahit paano ang pag-iyak nito.
"Bigla po na lang po umiyak si Ate Ganda!"tila pagsusumbong ng isa pa sa tatlong kambal.
Nagsilapitan ang mga bata sa kanila at sinusubukan aluin si Rebeka na nakasubsob sa balikat niya. Masuyo niya hinagod ang likuran nito at braso.
"It's okay.."masuyo niyang bulong rito. Suminghap ito at unti-unti nag-angat ng mukha.
Namumugto ang mga mata nito at namumula ang dulo ng ilong . He want to hug her and kiss her but he know the place is not for them. He highly respect her.
"Ate Ganda! Huwag ka na po iyak!"untag ng isang batang babae na may bungi sa unahan.
Binaling niya ang tingin sa batang nagsalita at pinukulan ng ngiti.
"Ate Ganda is okay. Masaya lang siya dahil sa inyo,"masuyo niyang sabi sa mga ito na mariin naman nakinig sa kanya.
Bumaling si Rebeka ng mahimasmasan ito.
"Pasensya na sa inyo. N-Natutuwa lamang ako na makita kayo lahat.."sabi ni Rebeka sa mga bata.
He look at her. Nakatutok ang namumugto mga mata nito sa tatlong kambal.
BINABASA MO ANG
Let the love begin : Amir & Rebeka byCallmeAngge
VampireNagkakilala sina Amir at Rebeka sa WOMANLAND,kung saan isang prinsesa si Rebeka at isa naman ordinaryong bampira si Amir,ang apo ng mangkukulam na si Lupe. Matapos ang kaguluhan at kasamaan ng nakakatandang kapatid ay nakapiling na din ni Rebeka a...