Napalingon si Rebeka ng marinig ang mahinang pag-ungol ni Amir.
Nagtatakang pinagmasdan niya ang paglukot ng mukha nito ng malapit na sila sa kanyang bahay.
Nang matanto nito na nakatitig siya rito ay pilit ito ngumiti sa kanya.
Bago pa niya mausisa kung ayos lang ito ay tumigil na ang sasakyan at mula sa labas ng bintana ay nakita niya ang paglapit ng tatlong kambal na pinsan niya.
Kaagad na nakaramdam siya ng kasiyahan ng makita ang mga ito.
Napukaw siya ng may kumatok sa bintana at agad na napalingon siya. Nandun na pala ang isang kambal.
"Shit..."
Napasulyap siya ng marinig ang mahinang pagmumura nito.
"They are your cousin,right?"untag nito saka inunlocked nito ang pintuan.
"Oo,"tugon niya. May pagtataka pa rin sa kanya kung bakit tila may disgusto ito.
Isang buntong-hininga ang pinakawalan nito saka sabay sila bumaba ng sasakyan.
Ang dalawang kambal ay nasa side nito at si Aquer ang umalalayan sa kanya pababa ng kotse.
"Salamat,"turan niya rito ng alalayan siya bumaba ng kotse at isang tango ang tinugon nito na alam niyang ganun talaga ito. Masyadong tahimik at seryoso.
"Magandang gabi sa inyo,"pagbati ni Amir sa mga ito.
Pinagmasdan niya ang mga ito. Seryoso ang tatlong kambal na nakatitig sa boss niya at...may kung anong tensyon nga na nagsisimula ng mabuhay sa paligid.
"Isa na sana sa amin ang nagsundo sayo,I--,Rebeka,"si Aquilles.
Humakbang siya tumigil sa gilid ni Amir na tahimik lang habang nakapamulsa sa suot nito pants.
He looks calm but she feel the tense from him...them.
Ipinilig niya ang ulo.
"Uh,masyado na kasi malalim ang gabi kaya hindi ko na inisip na abalahin pa kayong tatlo,"tugon niya kay Aquilles.
"Oh? Umiyak ka ba?"puna ni Aquill. Lumapit ito sa kanya saka mas tinitigan ang mukha niya at masama na ang tingin nito ng nilingon ang katabi niya.
Kaagad na nabahala siya.
"Uh,naging emosyunal lang ako kanina sa event na pinuntahan namin ni Sir Amir,Aquill,"untag niya sa kaharap.
Agad naman nito ibinalik sa kanya ang mga mata nito na kanina lang masama ang tingin pero ngayon ay lumambot na iyun at masasalamin na ulit ang pagkapilyo nito.
"Anong ginawa niya sayo?"si Aquer na nakakuyom ang mga palad.
Isang ungol mula sa katabi niya ang nagpalingon sa kanya rito.
"I don't do anything to her,"depensa nito.
Hindi siya makapag-isip kung ano ba ang nangyayari. Base sa nararamdaman niya ay may kung anong meron sa tatlong kambal at kay Amir pero hindi niya iyun matukoy.
"May mga bata kasi sa event na pinuntahan namin ni Sir Amir ...at may tatlong kambal na katulad niyo tatlo. Sa sobrang tuwa ko lang kaya hindi ko napigilan ang mapaiyak,"wika niya upang kuhanin ang atensyon ng tatlong kambal.
Napatitig sa kanya ang tatlong pares na mga mata. Masasalamin roon ang lungkot at...pag-aalala.
Nginitian niya isa-isa ang tatlong kambal.
"Ang cute nila gaya niyo tatlo!"untag niya sa mga ito.
"Talaga po,uh,i mean..hindi gwapo?"nakangisi saad ni Aquill.
BINABASA MO ANG
Let the love begin : Amir & Rebeka byCallmeAngge
VampirNagkakilala sina Amir at Rebeka sa WOMANLAND,kung saan isang prinsesa si Rebeka at isa naman ordinaryong bampira si Amir,ang apo ng mangkukulam na si Lupe. Matapos ang kaguluhan at kasamaan ng nakakatandang kapatid ay nakapiling na din ni Rebeka a...