Chapter 3

76 3 0
                                    

May kakaibang nararamdaman si Rebeka ng masilayan si Mr.Conan. Base sa nabasa niya mula sa table nito Amir Conan ang kabuoan ng pangalan nito.

Gulat na gulat ito at tila hindi makapaniwala na may bampira na naghihintay rito at sa pagtama ng mga mata nila ni Mr.Conan agad na may kung ano itong binuhay sa kaloob-looban niya bago pa niya iyun matanto ay napalitan ng pagkaasiwa ng marinig ang sinabi nito.

"Mahal kong Rebeka.."

Walang prinsesa bago ang pangalan niya?

Kung isa itong ordinaryong bampira sa mundong Womanland at angat ang estado nito sa mundong ito kalaspatanganan na tawagin lang siya sa pangalan niya base sa sinabi nito ay kilala siya nito dahil sa pagbanggit ng pangalan niya gayun hindi pa naman siya nito nakikilala.

Bukod dun may nakita siya sa mga mata nito. Pagkasabik at pangungulila. Ngunit para ba iyun sa kanya?

Bakit?

Anong karapatan nito na ipakita nito iyun sa kanya na para lamang sa matagal ng magkakilala.

Wala ito naging sagot sa mga tanong niya. Bakas sa mukha nito ang pagkalita at...galit?

May sinabi ito na hindi niya naunawan dahil mas nangibabaw ang inis at galit na nagpapalitan sa isip nito.

Kaya naman itinikom na niya ang bibig at hintayin na magsalita ito.

Nakatayo siya sa harap ng desk nito at hindi niya alam kung may balak bang ito pumasok ng opisina nito dahil tila napako na ito sa kinatatayuan nito.

Agad na naalala niya ang payo sa kanya ni  Tita Lupe  na kung kauri man niya ang makakaharap niya kailangan niyang isara ang isip niya upang hindi mabasa ninuman ang nasa sa isip niya.

Iyun ang gagawin niya ngayon dahil hindi niya naiintindihan kung anong meron sa presensya nito na tila may binubuhay ito sa kaloob-looban niya.

"Have a seat,"bigla nito turan sa kanya.

Agad naman siya umupo muli at hinintay ito makaupo sa likod ng desk nito.

Tila pagod ito na umupo ng swivel chair at para bang may pasan itong malaking problema base sa hitsura nito.

"Seriously? Nagawa nila samin 'to?"hindi makapaniwala nitong bulalas.

Hindi naman niya maunawaan ang sinasabi at inaakto nito kaya nanatili siyang tahimik lang na nakatingin rito.

Ilan beses pa ito napahilamos sa mukha at saka titig sa kanya bago muli mapapahilamos ng mukha.

Kahit ilan beses nito gawin iyun hindi maikakaila ang taglay nitong kagwapuhan.

Maamo ang mga mata nito kahit na galit ay mas nakakadagdag lang iyun ng kagwapuhan nito.

Bago pa man siya malunod sa kagwapuhan nito ay tumikhim siya. Ngayon alam na niya kung bakit marami ng napapatalsik na empleyado nito dahil kahit sino ay talagang maiinlab rito.

Pero hindi siya katulad ng mga ito.

"Rebeka Womanland,"sambit nito sa buong pangalan niya ng sipatin nito ang requirements niya.

"Tiyak kong nagmula ka sa Womanland, tama?"mayamaya tanong nito saka nag-angat ng mga mata sa kanya.

Inihanda naman niya ang isasagot pero mukhang mapapakali siya sa klase ng pagtitig nito sa kanya.

He look missing someone.

"Yes,Mr.Conan..pinili ko manirahan dito at makita na din kung anong klase ang mundo ng mga tao,"pagsagot niya.

Matagal ang pagtitig nito sa kanya at kung hindi pa siya titikhim ay hindi ito kukurap man lang.

Napabuga ito ng hininga at tila pagod na naman napasandal sa kinauupuan nito. Napahilot pa ito sa magkabilang sentido.

Let the love begin : Amir & Rebeka byCallmeAnggeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon