Nakasimangot akong nakaupo sa gilid ng dagat, hinihintay ko ang tawag mula sa kuya ko dahil mamaya darating ang mga ka meeting daw namin. Akala ko’y pumunta kami rito para mag unwind, para mag relax pero ’yon pala ay dahil mayka meeting siya rito, business related pala.
Nainip ako kakahintay kaya nag online muna ako’t nakitang andaming chat ng mga ka chat ko.
"Andami mong ine-entertain," umupo siya sa tabi ko na may dalang juice.
It's Celine, sinama ko rin siya’t alam ni kuya para naman kahit papaano ay hindi ako masyadong ma bored. Agad ko siyang tinawagan para papuntahin dito nang malaman kong hindi kami pumunta rito para mag relax at buti naman pumayag siya.
"You’re still in your playing phase huh, you’re still in your play girl era."
Lumingon ako sakaniya saka binaling ang tingin ko sa dagat. "At least walang cheating history."
Humagalpak ito ng tawa. "You’re not a cheater but you’re still a player."
"Hay nako Rara, when will you stop playing?"
Sasagotin ko na sana na siyang nang biglang mag ring ang cellphone ko kaya agad kong sinagot.
"Hel—"
"Pumunta ka na rito, ngayon na."
Pagkasaad niya yon ay pinatay na niya kaagad ang tawag.
Hindi man lang ako grineet ng hello direct to the point ha.
"Tara na," pagyaya ko kay Celine.
"Dito muna ako since meeting naman iyan hindi ako kailangan."
Tinangoan ko na lang ito at tinalikuran na siya.
"Good luck to your meeting, Aveara player Max!" Pahabol pa nitong sigaw pero hindi ko na ito nilingon.
Nakarating na ako sa meeting place at marami na ring nakaupong ka meeting namin, kung hindi ako nagakakamali ang iba sakanila ay mga ka business partners namin at mga share holders habang ang iba ay hindi pamilyar sa akin.
"You’re three minutes late." Bulong nito sa akin habang tinabihan ko siya sa upoan.
I secretly rolled my eyes, is three minutes a big deal?
"Nagbihis pa ako," pabulong na sigaw ko.
Tumayo na ito at hindi na pinansin pa ang sinabi ko.
"Good afternoon to everyone, I guess we’re all complete. Now, let’s start the forum."
Nagsimula na siyang mag discuss ng tungkol sa kompanya, wala akong gaanong naiintindihan dahil hindi naman talaga ako nakikinig.
Hanggang sa naagaw ng atensyon ko ang isa sa mga ka meeting namin, isang lalaking morenong matangkad. May hitsura ito, seryoso rin ang mukha niyang nakikinig sa meeting kaya tinitigan ko ito.
Nag-iwas naman ako ng tingin nang hindi inaasahang tumingin siya sa akin. Tumingin ulit ako sakaniya dahil akala ko ay hindi na siya nakatingin sa akin ngunit mali ako dahil siya naman ngayon ang nakatitig sa akin, bigla akong hindi mapakali, hindi ko alam kung saan ako titingin. Kung kay kuya ba na nagsasalita, sa laptop na nasa harap ng table o magkunwareng may ibang tinitignan. Muli ko siyang tinignan ngunit nakatitig pa rin ito sa akin napansin niya sigurong natataranta ako, nginitian naman niya ako dahilan para mawala ang pagkakataranta ko. This time, I smirked, I wanna have you, cute guy.
END OF CHAPTER ONE
BINABASA MO ANG
Lips of a Player
RomanceAveara Max Kenzaki, a play girl and Zevrich Dela Furte is her target. When she plays, she plays with fun and thrill and make sure it won't be boring. She always wanna shoot her shot and when she shot, she shots perfectly. She have her own game and r...