Chapter 16

3 2 0
                                    

"Hey Zev," bati ng isang lakake kay Zevrich.

"Joaquin," agad na tumayo si Zevrich para salubungin ang lalake.

Tumingin sa akin si Zev at sumenyas na lumapit ako sakaniya kaya lumapit ako. Humawak ito sa bewang ko at ngumiti sa akin bago ngumiti sa lalake.

"Joaquin, meet my woman," he proudly introduced me. "Aveara."

Gulat ito ngunit may bahid ng saya ang mukha niya. He handed his hand and I held it to make a shake hand.

"Joaquin, I'm your man's friend," pagpapakilala niya. "It's my pleasure to meet you."

"The feeling's mutual," aniya ko.

"Anyway Zev, tonight is the grand opening of Killian and Jeya's club, it will start at 7 pm just want to remind you. Isama mo na rin si Aveara," pinasadahan ako ng tingin ni Joaquin bago binalik ang tingin sa kaibigan niya.

Agad na tumingin sa akin si Zevrich na parang humihingi ng permiso sa akin. Nginitian ko naman siya bilang sagot.

"All of the guys will be there too," dagdag ni Joaquin.

"We will be there."

"Alright! See you there!" Pagpapaalam nito bago tuluyang umalis.

"What?" tanong ko nang tumingin ito sa akin.

"Nothing," saad niya.

Napatingin ito sa relo niya. "5:55 pm," saad niya.

"So?" takang tanong ko.

"You should get ready now."

"Too early."

Tumawa siya sabay nang pagtanggal niya ng kamay niya sa bewang ko. "It will take 2-3 hours for you to get ready kaya tama lang iyon, sakto lang."

Hinampas ko ito nang malakas dahilan para mapadaing ito.

"Totoo naman," depensa nito.

"Whatever!" bulalas ko at inirapan siya.

-------

"What color?" tanong nito mula sa kabilang linya.

Alam ko na ito, gusto na naman niyang pareho kami ng kulay na susuotin.

"Hello?" pagtawag niya ulit nang hindi ako magsalita.

Ano nga bang kulay ang susuotin ko ngayon?

Napakagat ako sa kuko ko habang nag-iisip at palakad-lakad.

"Do you have green?"

Baka kasi mamaya mag shopping na naman siya ng rush minute para lang matupad ang kagustuhan niyang pareho kami.

"I have," sagot nito.

"Good!"

"So green?"

"Yes," sagot ko. "Green and white."

"Okay," sambit niya bago patayin ang tawag.

Lumabas ako nang kwarto ko habang nakasuot lang ng bathrobe. Pumasok ako sa walk-in-closet ko para mamili ng susuotin ko. Naglakad ako nang naglakad hanggang marating ko ang puro puting mga damit ko at agad kong kinuha ang isang crop top na puti. Naglakad ako muli sa puro berdeng parte at kumuha ng mini skirt doon. Kumuha rin ako ng pump heels bago umalis pabalik sa kwarto ko.

Pagkatapos kong mag-ayos ay tinawagan ko si Zev na tapos na ako nang bigla namang may kumatok sa labas kaya dali-dali akong tumakbo para buksan ito. Baka nariyan na si Zev para sunduin ako.

Sabay nang pagbukas ko ng pinto ay ang pagtutok sa akin ng kutsilyo ng isang taong nakasuot ng itim, balot na balot ito, halos mata niya lang ang makikita. Itinaas ko ang dalawang kamay ko habang nakatutok pa rin, akmang sasaksakin na niya ako nang agad kong ginamit ang dalawa kong kamay para pigilan ito. Pinu-pwersa niya ang kamay niyang itulak ang kutsilyo sa leeg ko pero pinu-pwersa ko rin ito itulak at agad binaliktad ang kutsilyo kaya imbes na sa'kin maisaksak ay sakaniya, sa leeg niya.

Lips of a PlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon