Chapter 14

2 2 0
                                    

"Ikaw lang pala pero ako ang sinisi," may diin ang pagbigkas ko sa una at huling salita para mas dama.

Iniwan ko na silang dalawa at nagtungo na lang sa opisina ko para mag-isip kung anong pwedeng gawin para solusyonan ang problema ng kompanya.

"Hello, miss Kenzaki speaking."

"How can I help you, mis Kenzaki?"

"Inform them that there will be a forum right now."

"Copy that, miss."

Inikot ko ang swivel chair ko nang makarinig ako ng tawag.

"What?"

"Magpapa meeting ka?"

"Yes, to fix the issue that you made by hiring that artist," aniya ko.

Siya lang naman pala ang nag hire sa taong iyon, ang nag-iisang magaling lang pala na kuya ko. Pero sa akin sinisi ng ama ko.

"Alright, see you."

Pinatay ko na ang tawag at binitbit ang laptop ko bago tumayo para lumabas ng opisina.

Saktong papasok na ako sa conference room nang makasabay ko siya pero hindi ko pinansin at tumuloy na lang.

Pagpasok ko ay kumpleto na silang lahat, tanging ako at ang kuya ko nalang ang hinihintay.

"Greetings to everyone," panimula ko. "I held this sudden forum because of the news about our company."

Sinaksak ko ang HDMI sa laptop para ipakita sakanila ang news na pinakita sa akin kagabi ni dad.

"As you all can see, one of our artist has an issue. Now, I want all of you to brainstorm for a solution of this."

Pagkasabi ko ay nagbulongan ang karamihan sakanila. Alam kong biglaan pero kailangan na may solusyon silang masabi sa'kin, kung hindi, ako na naman ang pag-iinitan ni dad.

Makalipas ang ilang minuto ay may nagsabi ng kani-kanilang mga naiisip na solusyon at tuwing tatanongin ko sila kung paano nila gagawin ay hindi sila makasagot. Kaya sinabihan ko silang lahat na gusto ko ng mas maayos na solusyon at mas logical.

"Miss Kenzaki, may naiisip po akong sol-"

"Present it already," pag-utos ko sakaniya.

"May nakita po akong TV show at iniimbitahan nila ang artist natin para sa isang interview," saad niya habang nakatutok sa cellphone niya, siguro ang tv show ang tinitingnan niya roon. "Pwede pong pumunta ang artist natin, throught that, she can clear all the issues about her."

Pwede iyan pero hindi sapat ang interview para ma solusyonan ang issue. Dahil hindi naman 100% ay maniniwala lahat ng tao sa sasabihin ng artist, let's just say that some of them will going to believe her but some of them will not.

Napahawak ako sa ulo dahil sa stress. "Another solutions?"

"We can request that news channel to delete the video including the post para matapos na ang lahat ng ito," saad ng isa sa empleyado.

"Nonsense!" bulalas

Napapikit ako nang madiin sa mga mata ko dahil sa sinabi niya at napabuntong hininga bago ko muling minulat ang aking mga mata.

"But miss, kapag na-delete na hindi na ito kakalat pa," pagpupumilit niya sa naisip niya.

Napatayo na ako at tiningnan siya. "You think it's enough? Kahit pa ipapa delete natin sakanila, marami nang nakaalam. Your suggestion is just preventing the issue to spread but not to solve it!"

Umupo ako at kinuha ang goblet na may lamang tubig saka ako uminom. Pinakalma ko muna ang sarili ko.

"At kung ipapa-delete natin para narin nating sinabing totoo ang mga batikos at akusasyon na pinaparatang sa artist natin," nagsalita ang kuya ko.

"I need a solution not just a suggestion," aniya ko.

"You may take your break for a while, then get back to work after," pagtatapos ng kuya ko sa meeting.

Hindi na ako kumontra pa dahil kapag nagtagal pa sila rito ay baka mas lalo lang sumakit ang ulo ko dahil sa mga walang silbing naiisip nilang solusyon.

"Max," pagtawag niya sa pangalan ko.

"Not now, Mr. Kenzaki."

Tumayo na ako at dinala ang laptop ko.

"Kinausap ko na si dad at nalaman kong ikaw pala ang sinisi niya pero sinabi ko naman na ang totoo na ako ang nag hired sa artist na iyon," pagpapaliwanag niya.

"Your explanation is already nonsense since he already blamed me and told me to fix it."

Naglakad na ako paalis mg conference room pero humabol pa siya.

"Then let me ha-"

Hinarap ko siya. "Stop! Kahit anong gawin mo, ako at ako pa rin ang sisisihin niya."

Hindi siya nakapagsalita kaya tinalikuran ko na siya at umalis na.

------

Naka ilang beses ko na siyang tinawagan pero hindi pa rito sumasagot. Kung kailan naman kailangan ko siya ay wala siya.

"He's ignoring me," tiningnan ko si Celine mula sa video call gamit ang laptop ko.

"Rara, habaan mo ang pasensya mo, baka naman may ginagawa lang yung tao kaya hindi masagot ang tawag mo."

I rolled my eyes. "Ilang oras ko na siyang tinatawagan hanggang ngayon may ginagawa pa rin?!"

Magsasalita pa sana ako nang mag ring ang cellphone ko, sinilip ko kung sinong tumatawag.

Tiningnan ko si Celine at siya ay nag-aabang lang ng susunod kong sasabihin.

"Zevrich," aniya ko.

Tumawa naman siya. "Sagutin mo na."

"No way! I called him many times and he's not answering. And now, he'll call me back."

Sinamaan niya naman ako ng tingin. "Tinawagan mo pero hindi sumagot kaya ka naiinis, ngayon tinatawagan ka niya ayaw mong sagutin. Sagutin mo na! Huwag kang maarte." Inirapan pa niya ako.

Well, Celine's right though.

"Evening, I was busy that's why I'm not able to answer your calls," pagpapaliwanag niya.

Ang ganda naman ng bungad niya, apaka galing!

"It's good evening not evening," pagtatama ko sakaniya.

"What's the purpose of adding good in the evening when for sure, you're mad."

I'm glad he knows para hindi ko na kailangang magsinungaling pa kung magtatanong siya kung galit ako o hindi.

"Where are you right now?"

"You won't apologize?" I asked ignoring his question.

Narinig ko naman itong tumawa kaya nairita ako.

"What's apologize?"

Nilayo ko ang cellphone mula sa tenga ko at pinidot ang end call button. Pero agad naman itong tumawag ulit.

Tinawanan naman ako ni Celine. "Habaan mo ang pasensya mo, intindihan mo siya, hindi yung ganiyan ka. Konting bagay lang pinapalaki mo, stop being your father, Aveara."

Hindi ko nagustuhan ang narinig ko. "I'm not being my father!"

"Then widen your understanding and answer the phone, communicate with him. Hindi yung galit at inis mo ang pinapairal mo." Pinatay niya ang video call.

Nag inhale at exhale ako ng ilang beses para pakalmahin ang sarili ko. Nang kalmado na ako ng konti ay sinagot ko ang tawag ni Zevrich.

"Why would I apologize? Kung pwede naman akong bumawi," he paused. "So tell me where you are."

END OF CHAPTER FOURTEEN

Lips of a PlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon