Ilang oras na ako sa kwarto ko at kanina pa katok nang katok si Auntie Suzy, ang katulong namin. Ilang beses na niya akong sinabihang bumaba para kumain pero hindi ako sumasagot. Iniisip ko parin ang sinabi ni dad.
"I hope you’re telling the truth. But if not and I would find out later on that you’re not the one who did it, I won’t be surprised."
Pakiramdam ko ay hindi niya ako kayang mapagkatiwalaan, pakiramdam ko kahit anong lumabas na galing sa bibig ko ay hindi niya papaniwalaan, mahirap niyang paniwalaan.
Biglang bumigat ang pakiramdam ko, may tumutulo narin palang mga luha sa mata ko kaya agad ko itong pinunasan at tumayo ako papuntang banyo para mag half bath.
Nagbihis na ako nang matapos akong mag half bath. Nakasuot ako ng kulay itim na spaghetti dress at pulang heels. Kinuha ko ang cellphone ko at ang susi ng sasakyan ko na nakalapag sa kama ko bago ako lumabas sa kwarto at pumasok sa walk in closet ko. Hindi damit o sapatos ang kukunin ko roon kundi bag.
Pinagmasdan ko ang mga naka display kong bag na nakalagay sa glass cabinet ko. Karamihan ay mga binili ko habang ang iba ay regalo ng mga ex-flirt mates ko at ang iba ay regalo ni Celine.
I called her through Instagram.
"Good evening, Rara, why did you called?" Bungad nito mula sa kabilang linya.
"Help me to pick a bag," aniya ko.
Ini-open ko ang camera para at pinakita sa kanya ang mga bag. Naglakad ako habang ginagalaw ang cellphone ko para makita niya lahat.
"That one," saad nito nang maitapat sa kulay itim kong bag. "Closer nga, what brand?"
Tulad ng sinabi niya mas linapit ko ang camera sa bag para mabasa niya.
"Ohhh! Yves Saint Laurent," masigla niyang saad. "Saan ka pala pupunta?"
Ako na ngayon ang nasa camera dahil swinitch ko na. "Anong ka? Sasama ka sa akin kaya dapat, 'Saan tayo pupunta?'"
Napasimangot ito nang marinig ang sinabi ko. "Can’t come, I'm sick. And also, hindi ko nasabi sa’yo, asa Italy ako biglaan eh kailangan ako ni dad."
Hindi ako nakakibo dahil sa sinabi nito, parang okay na okay naman kasi siya baka naman nagrarason lang. Pero napaisip ako na siya Celine ang tipo ng babae na hindi tatanggi sa mga club o parties.
"Okay, get well soon. Eat on time, take a medicine and rest more."
Tumango ito at ngumiti. "Don’t be too drunk, please? Even just this night, Rara, huwag na muna. Enjoy your night."
"I will," saad ko at pinatay na ang tawag.
Hindi naman talaga ako maglalasing, gusto ko lang mag chill at sa bar ang napili kong pupuntahan. Saka ko lang tinutudo ang pag-inom kapag masaya ako, kapag stress ako at kapag kasama ko si Celine. Pero kapag ang rason ay ang ka dramahan ko sa buhay ay konting inom lang. I drink alcohol to enjoy not to cope up with my dramas.
Kinuha ko ang susi ng glass cabinet at kinuha ko ang bag na napili niya kanina. Linock ko ulit ang cabinet pati ang pintuan ng walk in closet ko at bumaba na saka lumabas papuntang garage. Pumasok ako sa sasakyan ko saka ito pinaharurot.
Pinark ko nang maayos ang sasakyan ko sa parking area, napalingon naman ako sa passenger seat kung saan nakalapag ang bag ko at ang cellphone ko. Kinuha ko ang bag ko habang ang cellphone ay iniwan ko lamang doon saka na ako lumabas sa sasakyan.
Umupo ako sa harapan. "One martini," saad ko sa barista.
Nakangiti itong binigay ang martini sa akin ngunit hindi ko siya nginitian pabalik pero nagpasalamat ako.
Bitbit ang martini ay umalis ako sa kinauupoan ko at lumipat sa couch. Linapag ko ang glass sa lamesa. Pinanuod ko ang mga tao na nasa loob, pinanuod ko silang sumasayaw, umiinom, nagtatawanan at yung iba ay nag vi-video pa.
"Miss Kenzaki?"
Napalingon ako kung kanino nagmula ang boses. Isang presensya ng lalaking matangkad, nakasuot ito ng pulang polo at itim na short na pinarehan ng puting sapatos. Nakasuot din ito ng apple watch.
"Mister Dela Furte," aniya ko.
Ngumiti ito bago umupo sa tabi ko at linapag ang hawak niyang alak sa lamesa.
"You’re alone," saad nito.
"Obviously." Kinuha ko ang martini at uminom ako ng konti saka linapag ulit ito sa lamesa.
"Why are you here?"
"Why are you here also?"
Tumawa ito sa tanong ko. "To enjoy, to relax for a while, stress sa work e," sagot niya.
Tumango ako. "Same," saad ko.
Lumipas ang ilang minuto pero walang nagsasalita sa amin, umiinom lang kami ng alak, sandaling magkakatinginan at pinapanuod ang ibang tao.
"You know?" tanong nito habang nakatitig sa yelo sa alak niya.
"No, I don’t," saad ko at narinig ko naman itong tumawa.
"You’re hard to read," saad nito at binaling ang tingin sa akin. "Minsan parang interesado ka na makipag-usap sa akin na parang gusto mo akong makuha."
Napangiwi ako dahil sa sinabi niya.
"Minsan naman umiiwas ka o ang cold mong makipag-usap," pagdadagdag niya.
"Am I? Or you all just can’t understand me, hmm?"
Hindi siya nakasagot.
"Am I that hard to read? Or you all lack of reading comprehension?" tanong ko muli.
Napatitig naman ako sa labi niya, kanina ko pa pinipigalan ang sarili ko na tumingin pero parang inaakit ako ng labi niya. Dahan dahang bumaba ang tingin ko, umabot sa leeg. Nanliit ang mga mata ko nang may makita ako na parang marka.
"What happened to you?" Turo ko sa leeg niya kaya napahawak siya sa leeg niya.
Ngumiti ito at tumingin sa mga mata ko. "Well..."
"What?"
"Last night, I’m with a girl a—"
I gave him a sign to stop and he did. "Yuck," saad ko na nandidiri sa sinabi niya.
Tumawa ito nang malakas. "What? What did I said?"
"You two did that?"
"The what?" Tumatawa parin ito.
Nakakainis, gusto niya atang sabihin ko pa ang salitang gusto niyang marinig but no way ayoko nga.
"Bed scene," aniya ko at sinamaan siya ng tingin dahil kanina pa siya tawa nang tawa.
"No, just a kiss scene," he proudly said.
Kadiri siya, kiss scene pero para silang nagkainan. Kiss scene paba iyon? Yung may marka sa leeg, a kiss mark and bite mark.
"How’s the feeling of getting a bite to a vampire, huh?"
Ngumiti ito at linapit ang mukha niya sa mukha ko. "It’s a good feeling," aniya nito at kita pa sa mukha niya na masaya siya. "Wanna try?"
"The what?"
Ngumisi ito at tumitig sa leeg ko. "Biting game," saad niya.
"No, thanks," sagot ko naman.
I already did that game to someone actually. I’ve done that when I was drunk. I still remember that night, when I bite someone’s lip and neck.
I smiled and laughed remembering that night. But curiosity suddenly came into my mind. I wonder who’s that man is, I don’t care but I wanna know who.
"Come on, we’ve did it once."
Mabilis ko siyang tiningnan. Anong sinasabi niya?
END OF CHAPTER EIGHT
BINABASA MO ANG
Lips of a Player
RomanceAveara Max Kenzaki, a play girl and Zevrich Dela Furte is her target. When she plays, she plays with fun and thrill and make sure it won't be boring. She always wanna shoot her shot and when she shot, she shots perfectly. She have her own game and r...