"Answer me, Aveara, Lady Kenzaki or whoever you are!"
I closed my eyes and let out a heavy sigh before opening my eyes again.
"Paano nangyari iyon? Anong nangyari? Bakit may baril ka?"
Flashback
Pumasok si Celine sa sasakyan niya at pinaandar ito kaagad, sumunod lang ako sakaniya. Mabilis ang takbo ng sasakyan naming dalawa.
Nang may biglang tumawag sa'kin. "What?"
"We have a sudden mission and we need you right now," kalmadong utos nito. "The target is a big time thief, also a killer."
"Can't! I need to handle something that's urgent right now!" sigaw ko.
"Important than our mission?"
"Yes!"
"No, I need you right now, Kenzaki. This is about the hired killer that wants to kill you recently. He's connected with our mission today," pangungumbinsi nito para pumayag ako sa misyon.
Napabuntong hininga na lang ako at binagalan ang pagmamaneho. "Who's it?"
"I'll send you the name and informations about the target," saad niya, "also, our target is at Furte's Style."
Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko kung asaan ang target. Dahilan para maging interesado ako rito.
"I accept the mission but how about my weapon?"
"Bakit hindi mo tingnan ang ilalim ng upuan na kinauupoan mo?"
Agad akong napayuko at tumingin sa ilalim, naroon ang baril ko at isang kwintas.
Paano napunta ito rito? Eh pinatago ko ito sa main HQ.
"Pinakuha ko iyan at pinalagay sa kotse mo, cause I know you'll need it, and today is when you need it."
Nakaka bwisit talaya siya minsan. Hindi ko na tatanongin kung paano niya nabuksan ang kotse ko dahil paniguradong may ginawa na siyang magic para mabuksan ito, hindi literal pero parang ganon narin. Pinindot ko ang auto drive sa sasakyan ko at kinuha ko ang gun holder na nakatago sa likod ng upuan ko at sinuot ito sa binti ko bago ilagay ang baril. Sinuot ko rin ang kwintas nang maayos.
Nang makarating kami ay umakto akong normal lang para hindi ako mahalata o pagdudahan ni Celine sa mga kinikilos ko. Pero bago ko isagawa ang misyon ko ay uunahin ko munang asikasuhin si Zev.
Nang makapasok ako sa conference room ay umalingawngaw ang mga sigawan nila. Naagaw naman ng atensyon ko ang isang lalake. Siya yung lalakeng sinend ni Knight sa'kin.
How interesting...target ko na mismo ang lumapit sa'kin, ngayon, mas dadali ang trabaho ko. Hindi ko oang maaasikaso si Zev kundi pati ang misyon ko, nang sabay.
"That's it," pagtatapos ko sa kwento.
"So you are?"
"A secret agent."
"How long?"
"About..." I paused then bite my tongue before opening my mouth. "About t-three years."
"And you hide it from me for three years, Aveara?"
"Cel..."
"No...why and how could you?"
"I hide it...to protect all of you."
Niyakap niya ako nang mahigpit ng hindi ko inaasahan, akala ko ay magagalit siya dahil hindi ko sinabi, dahil linihim ko sakaniya.
"I'm glad you're still alive," naiiyak nitong saad.
"Of course!"
"Ehem"
Kumalas kaming dalawa ni Cel sa pagyayakapan dahil kay Zev.
"I...I don't know what to say but...I want to thank you for saving us."
"Not a big deal, but next time..." lumapit ako sakaniya at tinitigan siya, mata sa mata. "Know your models, just like him, a thief and a killer...working as a model in your company?" tumawa ako nang may halong pang-iinsulto. "You could've died, but be thankful that he didn't kill you."
"Kailangan ko bang mag-ingat?" natatawang tanong nito, "andyan ka naman para ingatan at protektahan ako."
"Aasa kalang ba sa'kin? You need to take care of yourself, protect yourself, and love yourself. You shouldn't rely from me...or to anyone that much."
Hindi siya nakaimik dahil sa sinabi ko. Gusto ko lang sabihin ang totoo sakaniya, lalo na't hindi sa lahat ng oras ay pro-protektahan ko siya. He's just my deal boyfriend though.
I smiled and hugged him. "You're just my deal boyfriend, so, don't rely too much from me," bulong ko at kumalas na ako sa pagkakayap sakaniya. "I need to go now," pagpapaalam ko at tinalikuran na siya habang sinenyasan si Celine para umalis na kami pero bigla niyang hinawakan ang braso ko kaya hinarap ko ito.
Hinalikan niya ang noo ko at ngumiti ng tipid at tumalikod na paalis ng conference room.
"He's sweet," saad ni Cel habang mapang-asar na nakatingin sa akin.
"He's doing that for the deal, to make me fall in love with him," sinenyasan ko na siya para umalis kami.
"You always say 'for the deal.' "
"Kasi 'yon ang totoo."
Sinara niya ang pinto nang makalabas kami sa conference room.
--------
Palabas ako nang hotel kung saan ako pansamantalang nanatili kasama si Zev noong lasing siya pero ako ang nagtagal dito sa hotel dahil pinaayos ko pa ang condominium ko.
"Ano na naman ba?" irita kong tanong dahil tumawag na naman siya.
"I just want to thank you...for helping."
"Mission?"
"Yeah," sagot nito.
"No problem, pero pwede ba? Saka mo na ako isali ulit sa mga misyon kapag nakabalik na ako."
"Says who? Says from the lady who called me because she needed my help?" natatawang saad niya.
Nanunumbat ha? Ang galing naman niya. Kung wala lang akong pupuntahan noon sa gabing iyon, hindi naman ako hihingi ng tulong sakaniya.
"I'll repay, don't worry. And thank you."
"No need to repay me, you're welcome by the way."
"No need to ka dyan, sinusumbat mo naman."
"Nagbibiro lang ako, kumalma ka lang, Lady Kenzaki," mapang-akit ang pagbanggit niya sa apelyido ko.
Not again, Knight, not again.
Nakaramdam ako ng halo-halong emosyon dahil sa ginawa niya. Kaya hindi ako nag-alinlangang pinatay ang tawag pati na nag cellphone ko para kung sakaling tumawag siya ulit ay hindi niya ako matatawagan.
Binuksan ko na ang condominium ko na pinalinis ko sakaniya noong nakaraang araw. Pagpasok ko ay wala na ang dugo sa sahig, tiningnan ko rin ang couch kung saan ko linagay pansamantala ang bangkay noon at wala na rin doon. Nilinis nga talaga niya tulad ng sinabi ko.
Still thank you, Knight.
END OF CHAPTER EIGHTEEN
BINABASA MO ANG
Lips of a Player
RomanceAveara Max Kenzaki, a play girl and Zevrich Dela Furte is her target. When she plays, she plays with fun and thrill and make sure it won't be boring. She always wanna shoot her shot and when she shot, she shots perfectly. She have her own game and r...