"Aahhhhh!" Daing ko dahil naramdaman kong nahulog ang katawan ko.
Narinig kong may tumawa nang malakas kaya iminulat ko ang aking mga mata, sahig, sahig ang hinaharap ko. Nalaglag ako sa kama.
Pwinersa ko ang aking kamay para tumayo ngunit bigla akong nahilo at masakit ang ulo ko pero pinilit kong tumayo. May umalalay naman sa akin, si Celine na kanina ay tumatawa. Umupo ako sa gilid ng kama ko habang hinihimas ang ulo kong masakit, pinipikit pikit ko rin ang mga mata ko dahil nahihilo ako.
"Alcohol," saad niya.
Oh? Ohhh yes! Nagpunta pala kaming bar last night.
"Alam mo?"
"Hindi," aniya ko't tinulak niya ang ulo ko nang malakas dahilan para matumba ang katawan ko sa kama. "Hindi naman talaga e."
"Ilang taon ka na bang lasinggera?" Tanong nito habang nakangisi. "Hindi ka nga madaling malasing pero dahil marami kang iniinom at punong-puno na ang dugo mo ng alak. Baka nga kalahati ng katawan mo ay alak na, ayan, wala kang matandaan pagkatapos kang maglasing."
Tinayo ko ang katawan ko mula sa pagkakatumba. "I hate your term." Sinamaan ko siya ng tingin pero dinedma niya lang iyon. "Lasinggera? What kind of term is that?"
"A kind of term that suits you, Aveara."
Tumayo ako at humakbang sa harapan niya, yumuko ako nang konti para magpantay ang mga mukha namin. Tinitigan ko siya ng ilang segundo saka ko ito biglang tinulak nang malakas at lumabas sa kwarto ko.
Narinig ko pang tumatawa siya, halatang nang-aasar ang gaga.
Dumiretso ako sa dining area, binuksan ko ang refrigerator at tumitig sa mga laman nito ngunit nung wala akong nagustuhan ay sinara ko na lang at napagdesisyonan kong magtimpla ng kape baka sakaling mamunawan ako. Umupo ako habang humihigop ng kape.
Lumabas na siya sa kwarto, siguro ay tinawa na niya lahat ng tawa niya roon sa loob. Umupo siya sa tabi ko at hinawakan ang tasa ko at tumingin sakin na nakangiti, isang makahulugang tingin. Tumango na lang ako, agad niya namang kinuha at uminom sa kape ko.
"Asaan pala ang bag ko?"
Tumigil siya sa pag inom, sigurado ako, konti nalang iyon o kung hindi baka ubos narin.
"Wala kang dalang bag noong umuwi ka."
Parang humina ang signal ng utak ko, parang nag loading ang utak ko sa sinabi niya.
Paanong umuwi ako? Alam kong lasing ako pero may naaalala akong may naghatid sa akin na lalake dahil may tinawagan ako at hindi imposibleng yung tinawagan kong tao ay siya rin ang naghatid sa akin. Ako umuwi? Paano? Maliban nalang kung nananaginip lang ako noon at baka nga ako rin ang nag-uwi sa sarili ko.
But wait...
Mabagal kong liningon ang ulo ko sa direksyon niya. "Nakakahalata na ako ah, pangalawang beses mo na itong ginawa sa akin. Iniiwan mo na ako sa bar."
Nag buntong hininga siya at linagay ang tasa sa sink na sinundan ng mga mata ko pero binalik ko rin sa sakaniya ang tingin ko.
"Kasalanan ko bang hindi kita mahanap?"
"Hindi mo ako mahanap o hindi mo talaga ako hinanap?"
"Gosh Rara! Of course I did but I'm also drunk, I tried to find you but I couldn't. Noong naramdaman kong inaantok na ako umalis na ako at pumasok sa kotse ko, doon nga ako nakatulog e." Pagpapaliwanag niya.
Mababaliw ako nito kakaisip, kung may naghatid ba sa akin o wala, kung nanaginip lang ba ako o hindi. At saka, asaan ba ang bag ko? Imposibleng wala akong bag, sigurado akong may dala akong bag kagabi. Pwedeng na misplace ko lang dito noong nakauwi na ako rito o na misplace ko sa bar.
Napatitig na lang ako sakaniya habang hinuhugasan ang nag-iisang tasa. Saktong natapos na niya at nagpupunas na siya ng kamay ay may nag door bell kaya napatigil siya at tumingin sa akin.
"Are you expecting someone?"
Umiling ako kasi wala naman talaga.
"You?"
Umiling din ito tulad ko, pareho kaming may nakaukit na tandang pananong sa mukha namin.
Nag door bell ulit kaya naglakad siya palayo para buksan ang pinto, hindi na ako sumunod dahil kung meron mang tao siguradong papapasokin niya rin.
Ngunit wala, wala siyang taong kasamang bumalik pero may dala siyang plastic bag na may nakasulat pang Shopee Express. Napa iling nalang ako at tumawa kaya tumingin siya sa direksyon ko pero ganon pa rin ang mukha niya, naguguluhan at nagtatanong.
"Parcel mo lang naman pala," saad ko habang natatawa pa rin. Kung makatanong kasi siya parang pinaghihinalaan niyang may bisita na naman ako o ano. "Anyway, what's that? What did you order?"
Tumingin siya sa akin saka siya tumingin sa plastic bag. Ilang beses nagpabalik balik ang tingin niya sa akin at sa parcel. Mabagal itong umiling. "Wala, wala akong in-order," aniya niya kaya bumalik sa normal ang hitsura ng mukha kong kanina'y natatawa.
"Who gave this? And whoever ordered someone at ipa deliver dito?" Tumingin na naman ito sa akin. "Tell me the truth, maybe it's from one of your play mates!"
Napakamot na lang ako. "Ilang araw na akong walang connection sa mga play mates ko, tsaka, nawawala pa nga ang bag ko 'di ba? Nandoon ang phone ko."
"Then who's this fuck*ng anonymous person para magpadala ng parcel ah?!"
I just shrugged.
END OF CHAPTER FIVE
BINABASA MO ANG
Lips of a Player
RomanceAveara Max Kenzaki, a play girl and Zevrich Dela Furte is her target. When she plays, she plays with fun and thrill and make sure it won't be boring. She always wanna shoot her shot and when she shot, she shots perfectly. She have her own game and r...