Sinend ko sakaniya ang location ng condominium ko. Makalipas ng ilang minuto ay may kumatok sa labas kaya tumayo ako para pagbuksan ito.
Isang nakatayong lalakeng natatakpan ang mukha niya ng mga paper bags, halos mahulog pa ang iba. Tinulungan ko siya at agad na kinuha ang iba.
Pumasok kaming dalawa at linapag sa lamesa ang mga dala niya.
He smiled. "Thank you," saad niya.
"Why did you bought these?" Binaling ko pa ang tingin ko sa mga binili niya.
"Because I'm going to cook!" masayaang saad niya.
"Oh, you know to cook," hindi ko makapaniwalang saad.
'Yan na siguro ang paraan na sinasabi niya para bumawi sa'kin. Ang pagluluto, pero alam kaya niyang magluto? O gusto niya pang magpa bilib?
Tumawa siya at nagsimulang ilabas ang mga nasa paper bags. "Hindi ko na sasabihin kung hindi ko naman alam gawin."
Ngumisi naman ako at tinulungan siyang ilabas ang mga iyon. "What're you going cook then?"
Pinasadahan niya ako ng tingin. "Malalaman mo mamaya."
Pinagkrus ko ang mga braso ko at tiningnan siya nang matapos na naming ilabas nga mga laman ng paper bags.
"How can I help?"
Kahit naman soya ang magluluto at gusto niyang bumawi ay gusto ko parim namang tumulong. Kahit taga balat o slice lang ng kung ano mang lulutoin niya.
"Huwag na," saad niya at tumingin sa likod ko bago tumingin muli sa akin. "You seems busy, gawin mo na ang ginagawa mo."
Tiningnan ko naman ang laptop ko na nakabukas at mga ibang documents doon na siguradong iyon ang nakita niya. "Are you sure you don't need any help?"
Nagsuot siya ng apron at binuksan ang kitchem cabinet saka linabas ang mga gagamitin niyang gamit. "Oo nga, ituloy mo na ang ginagawa mo."
Tumango ako bago bumalik sa kinauupuan ko kung saan ko ginagawa ang mga paperworks ko.
Muli ko siyang tiningnan, seryoso ang mukha nito habang abala sa ginagawa niya. Napabuntong hininga ako at humarap sa laptop ko at nagsimulang ituloy ang ginagawa kong trabaho.
--------
"Vea," dinig ko at ramdam kong tinatapik ang braso ko. "Wake up."
Minulat ko ang mga mata ko bago iangat ang paningin ko dahil naka idlip pala ako.
Humarap ako sakaniya.
"I already prepared the table, let's have dinner," aniya nito.
Tumayo naman ako at umupo sa dining area, nang makaupo ako ay tinulak niya ang upuan ko paharap bago siya umupo.
Naamoy ko ang mabangong niluto niya, ang nasa harap na sliced na salmon, sa taas nito ay may lemon at may mga spices. Napansin ko rin ang maayos na pagkakaayos ng table set-up. Hindi man ako nasa isang mamahaling restaurant ay parang ganon ang set-up ng table na ginawa niya.
"Why are you smiling?"
"I like the way you set-up the table," pagpupuri ko sa ginawa niya.
"Thank you," aniya nito.
"You're welcome," sagot ko at tiningnan ang linuto niya. "What's this?"
"Baked salmon," nakangiting saad niya.
"Let's eat," pagyayaya ko.
Nagsimula na kaming kumain pareho. Masasabi kong masarap ang linuto niya, tama ang pagkakaluto, masarap ang lasa, maganda at maayos ang set-up ng table. Kung ir-rate ko 10 out of 10.
BINABASA MO ANG
Lips of a Player
RomanceAveara Max Kenzaki, a play girl and Zevrich Dela Furte is her target. When she plays, she plays with fun and thrill and make sure it won't be boring. She always wanna shoot her shot and when she shot, she shots perfectly. She have her own game and r...