NANG sumapit ang alas-nueve ng gabi ay naghihintay kay Amari si Pierre sa parking spot nito sa likod ng club. May dalawang paper cups ng kape na nakapatong sa hood ng kotse nito. Hindi siya nito agad nakitang lumabas sa back door, hindi rin siya agad lumapit. Magka-krus ang mga paa nito habang nakasandal sa hood, nakahalukipkip at nakatingin sa kawalan.
She kind of liked looking at him at that way, parang may nadiskubre siyang bago dito. Tahimik, nag-iisip ng malalim, mukhang hindi pilyo at mapang-asar.
Hanggang sa naramdaman ni Pierre ang kanyang presensiya doon. Bumaling ito sa kanyang direksiyon at nakangiting kinawayan siya.
Amari wouldn't say that this man was just being too persuasive. Siya ang klase ng tao na hindi madaling mapilit. She was really drawn to him, helplessly.
"Wala ka bang trabaho bukas?" bungad ni Amari habang naglalakad palapit sa binata.
"Boss ako doon, kahit anong oras puwede akong pumasok, o hindi pumasok. I also have my home office."
Inabot niya ang kape dito at umusod ito upang makasandal siya sa tabi nito.
Ang weird lang na napakadali niyang maging komportableng kasama si Pierre. Wala siyang asiwang nararamdaman. Kahit noong una pa man silang nagkakilala, kaya nagtiwala agad siya dito sa kabila ng inis na nararamdaman niya.
"Are you happy with your job?" tanong ni Pierre matapos itong humigop sa kape.
Hindi agad nakasagot si Amari sa hindi inaasahang tanong. Nakadalawang higop siya sa kape bago nagsalita.
"Okay naman, maganda ang sweldo at benefits."
"Do you plan on doing this for long term? May mga future plans ka ba?"
Ipinaling niya ang mukha kay Pierre. "Bakit mo ako tinatanong ng mga ganyan?"
Tumawa ito at nagkamot ng batok. "Curious lang akong malaman, madalas kasi akong tanungin ng pamilya ko tungkol diyan. Gusto lang nilang masiguradong masaya ako sa ginagawa ko."
Nakaramdam siya bigla ng inggit. Noon niya lang na-realize na wala pa palang nagtatanong sa kanya kung masaya ba siya sa mga ginagawa niya.
"Are you?" aniya.
"Happy? Yes. I love our family business. Sabi ni Tatay, okay lang daw kung mag-pursue ako ng ibang career, pero iyon talaga ang gusto kong gawin."
"Good for you then."
"Ikaw? Ito ba talaga ang gusto mong gawin?"
"Not exactly. Pero nag-HRM ako kasi madaming trabaho ang puwedeng mapasukan. Iyon lang naman ang gusto ko, magkatrabaho nang matino at kumita nang maayos siyempre." Hihigop sana siya sa kape nang may maalala siya. "Actually, minsan ay nangarap din akong magtayo ng maliit na coffee shop," aniya habang nakatingin sa hawak na kape.
"What's stopping you?"
"Hello? Hindi ako mapera, ano? Siyempre, kahit maliit na coffee shop ay hindi ko gustong pipitsugin lang iyon. Dapat puwedeng pangtapat sa Starbucks, ganoon, pero affordable ang menu. Kung pamamanaan lang ako ng lupa ng Lola ko, baka puwede. Kaso, madamot iyon."
"I can give you money."
Nasamid si Amari sa kanyang narinig. "Uy, Pedro, maghunos-dili ka!"
"I'm serious. How much do you need?"
"Ayoko nga'ng binibigyan mo ako ng pera."
"O, 'di utangin mo, singilin ko weekly ang hulog."
Tumawa si Amari. Sarap sanang samantalahin ang pagkakataon, habang may bisa pa ang gayuma kay Pierre, pero hindi siya ganoong klaseng tao. Mukhang pera siya, oo, pero hindi garapalang mapagsamantala. Isinosoli nga niya pag sobra ang sukli sa kanya ng kundoktor o sa tindahan.

BINABASA MO ANG
Charmed Too Deep (Wattys 2024 Grand Prize winner)
RomanceWattys 2024 Grand Prize winner Goal: Gayumahin ang lalaking crush na crush mo. Plot twist: May ibang nakiinom sa drinks na hinaluan mo ng gayuma.