Just Another Boy (9)

27 1 0
                                    

Blessie's POV

Nakuha na yung ID exemption ko! Whoo! Ang saya lang.

Nandito ko sa ilalim ng Accacia tree wala na kasi kaming klase. Wala na rin akong masyadong gagawin dahil next week pa ituturn over ni Nathan sakin yung position as a chief.

Hinihintay ko na lang si Isabelle. But where are they? Ugh! Sabi nila pupunta daw kami sa Aura Premier para bumili ng swimsuit niya. Ako kasi di pa ko nakakapagdecide sana may makita akong maganda mamaya para di ko na masyadong problemahin 'yon. 2 days na lang kasi party na.

"Oh Blessie anong ginagawa mo diyan? Bat mag-isa ka lang? Gusto mi samahan ka ni Clint?"

Eh? Sabagay namimiss ko na si Clint.

"Tumigil ka nga Kiko! Sipain kita eh."
Inambahan siya nito. Mga adik oh.

"Binibiro ka lang. Mapanakit ka! O bakit nga Blessie?"

"Hinintay ko kasi si Isabelle. Pupunta kaming Aura. Nakita niyo ba?"

"Gagawin nyo dun?"

"Bibili ng damit para sa party."

"Ah talaga? Sabay sabay na pala tayo bibili rin kami eh."

So yun, pumunta muna kami sa cafè. Dito daw yung meeting place nila.

"Clint peram phone! Paselfie ako!"

Mas maganda kasi yung camera niya kesa sa phone ko. Lalo akong gumaganda dito. Charaught

At joke joke lang yung naholdap ako. Hahaha. Wala lang akong maisip na dahilan noon kay Clint.

"Hoy Clint, pahiramin mo na."
Kantyaw ni Kiko.

Inabot naman sa kin ni Clint yung phone niya at inunlock ko yung code.

"Alam mo code niya?"
Tumingin sakin si Kiko na parang nagulat.

Nung isang araw kasi siya na mismo yung nagbigay sakin dahil ang kulit kulit ko daw. Everytime na naglolock, tatawagin ko siya. Kaya ganun.

"Oo bakit? Is there a problem with that?"

"Ang daya. Pero samin ayaw mong sabihin!" Sabi niya kay Clint.

Nahiya naman ako dun. Pero I find it sweet. Atleast I know something na kaming dalawa lang ang nakakaalam.

"Magnanakaw ka kasi. Wala kong tiwala sa'yo." Aww, that's too harsh.

Hinayaan ko lang silang mag-away. Busy ako sa pagkalikot ng phone ni Clint. I browse his gallery. Whew! Buti walang porn or anything malicious dito. Sa iba kasi meron kaya minsan hindi na ko pumupunta sa gallery lalo na kung lalaki yung may-ari.

Nagtaka naman ako sa nakita ko. Bakit nasa isang album yung mga picture namin? Oh! I tilted my head. Ayun, kasama rin pala dun yung selfies ko. Akala ko kung ano na.

"Dito muna kayo, CR lang ako." Inangat ko yung tingin ko kay Kiko.

"Okay." I said.

Ang tahimik lang ni Clint. May problema ba 'to?

"Uy Clint. When is the wedding?" Gusto ko sumama kaso baka isipin nito makapal ang mukha ko. Haha!

"I dont know. Hindi naman ako yung ikakasal."

Ahuh? May PMS ka koya?

"Sungit ah. Sama ko dun please?"
Tingnan ko lang yung reaction niya.

"Gusto mo pakasalan din ki-"

"O saglit lang akong nawala pinagpalit mo na ko agad?"

Ano daw? Yung sasabihin ni Clint. Biglang pumapasok sa eksena.

Just Another BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon