Wednesday! Yuhuuu! Ang pinakamaluwag namin na schedule sa buong week. Till 12nn lang yung class so right after it napagdesisyon kaming tumambay sa Starbucks. Nauumay na kasi kami don sa cafeteria nila Paul.Halos mag-iisang buwan na rin kaming ganito. Bilis ng panahon.
"May joke ako mga brad." Ayan na si Kiko. Ugh! Pero napa pokerface siya nang wala ni isang pumansin sa kanya. Buti nga.
"Kunwari pa kayo eh. Alam ko namang gusto niyong makarinig ng joke." Sige iconvince mo yung sarili mo Kiko.
"Sige nga Kiko. Parinig ng joke mo!"
Huh! Nako Blessie bakit mo pinansin. Basag trip eh!"Waah! Buti ka pa Blessie gusto mo makarinig ng joke!"
"So ano na?"
"JOKE! HAHAHAHA!"
He burst into laughter. "Nakarinig ka ng joke?"Shit ka Kiko. Shit ka!
Pinagbabato bato namin siya ng mga gamit na tissue.
"Gago!"
"Corny ka! Corny!"
"Uweeeeeee!"
HAHAHAHA! Kawawa siya sa amin ngayon.
"O ano magjojoke ka pa?!"
"Ang benta mo Kiko!" Tumatawa pa rin si Blessie hanggang ngayon. Anong nakakatuwa aber?
Matapos nung so called joke ni Kiko kung anu-ano pa yung mga pinagkwentuhan nila. Gusto ko umuwi. Boring!
"So Blessie, since first time tayong nagsama sama, magkwento ka naman dyan!" Biglang nagsalita si Ken habang inaalog yung iniinom niya.
"Mayroon pa ba kong hindi nakekwento? Wala na yata." Yes, naging tropa na rin namin si Blessie. Obvious ba? Pero mas close siya kay Isabelle. Sila lagi yung magkasama. Simula nga noong pumasok kami ni Blessie dala dala yung bear, hindi na rin kami masyadong nagkasama. Ngayon na lang ulit.
"Hindi mo pa nakkwento yung reason bakit ka napapayag tanggapin yung scholarship mo dito."
Kiko said in a cold voice.Pause.
Wala yata siyang balak na sagutin yon. Pero naeexcite ako syempre. Medyo curious din ako.
"Ah. Wala yun, narealize kong mas maganda dito sa Manila and besides, sayang yung opportunity di ba? Halos lahat nga ng students don pinapangarap to so who am I to reject it?"
Hindi siya nagsasabi ng totoo. Nararamdaman ko.
Blessie's POV
Ang saya ko lang! Akala ko hindi ako makakahanap ng mga ganitong friends dito sa Manila. Nag eenjoy akong kasama sila.
Si Paul na akala ko noong una ay Patay gutom dahil sobrang malakas kumain. He's a rich kid pala!
Si Kiko, iiipin mong Monggoloid because of his trips and corny jokes.
Si Ken! The most pervert ever! Grabe. Every time na nakikita ko siya, Nagfflashback talaga sa innocent mind ko yung scene nila nung girl dun sa comfort room!
Of course, Si Clint! Ang cute cute niya. Alam niyo yung lalaking napakasimple lang? Yung mga times na hindi ka niya kakausapin pag Hindi mo siya papansinin. Yung tahimik. Wala. He's kinda weird but I found it hot. Hahaha just kidding.
At ang closest ko sakanila, si Isabelle. The girl with a red head. Yeah. Yung hair color niya. Iszzo maangaaz! She's pretty cool!
Pero nabago yung mood ko sa tanong ni Kiko. I lied. Yung sagot ko kanina. Hindi yun totoo. Ayokong sabihin sa kanila yung reason. Hindi sa I dont trust them. Judgemental ang mga tao ngayon. Nag-iingat lang ako.