Dumating na ang panahon na kinatatakutan ko. Ang kinatatakutan kong panahon ay dumating na.Alam niyo ba kung bakit? Dahil sinabi na ni Chandy kay Isabelle na kasama siya sa Family affair naming nung Sabado. At kapag nalaman na yon ni Isabelle ang bagay na yon. Im so effin sure na malalaman din nila Kiko yun. At panigurado ganito ang mga mangyayari..
Hindi nanaman nila ko tatantanan kaka asar nila lalo na yung apat na kumag sa buhay ko.
Sasabihin nila,
“Uuuuuuy, Binata na si Baby Clint!”
“Ayeeee, nangangamoy Pag-ibig!”
"Libre, Libre, Libre!”
O kaya iuupo nanaman nila ko sa pagitan nila jtapos tatanungin nila ko ng mga ganito,
“Bakit magkasama kayo ni Blessie noong gabi na yon. At hindi lang basta magkasama. You’re with your Family.”
“Legal na ba kayo?”
"Close na ba siya sa Family mo?”
“Gusto ba nila si Blessie para sayo?”
“Kayo na ba?”
“Teka, ano ba kase?”
“Anong ginawa niyo?”
“ Saan kayo Nagpunta?”
“Sa kulay Red? Sa Black&White? O sa Green? Saan?
“Masarap ba?”
“Magaling ba siya?”
“Kamusta ang feeling ng hindi ka na virgin?”
“Gumamit ba kayo ng proteksyon, o mano mano?
“Ahhh, hindi niyo naman siguro ginawa yun diba?”
“Ganun na ba talaga kayo ka-close masyado para mag date nang hindi namin nalalaman?”
“Isalaysay ang buong kaganapan sa isang buong papel. Graph your solutions.”
WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH!
Erase. Erase. Erase. Erase. Erase. Erase. Erase. Erase
Fcvk Clint! Bakit ko ba iniiisp yung mga ganyang bagay? Eh wala naman akong dapat ipangamba kung tutuusin. Why do I have to act like this?! Di ba nga siya yung bumangga kay Mama kaya nakita ko siya at nakita niya ko, at itong loka loka kong Ina, pinilt siyang isama kaya, kahit ayokong isama siya dahil AYOKO naman talaga, I don’t have any choice dahil siya mismo, Pumayag na isama siya! WHOOOOO!
Therefore, Siya talaga ang may kasalanan ng lahat ng ito. Bahala siya buhay niya. Basta ako, Walaaaaaa. Wala talaga. As in walaaaaaaaa. *Antukin by Rico Blanco plays here* LOL
Tinatadyakan ko yung bato habang naglalakad ako papasok ng school. Akswali, hinihingal pa ko dahil sa ginawa kong pagtakas kanina sa kanila para lang hindi ma-hot seat. Whew! At ngayon, Mas pinili ko pang maglakad kesa sumakay ng jeep. Baka bukas pa ako makarating dahil sa traffic. Tangina kasi yung ginagawa ng Manila Water.
May pasabi sabi pa sila nang, “Salamat sa pag-unawa, dadaloy ang ginhawa”
Pakyu kayo. Dami iyong alam. Nakakabadtrip. Ang laki niyong perwisyo sa mga motorist. At pati sa mga estudyanteng maagang aalis ng bahay nila pero late pa din. O e bakit masyadong sinisisi yung Manila water sa pagkabadtrip ko? Kawawa naman.
Yun, naglalakad pa din ako. Tss. Mabagal ako maglakad eh, pag binilisan ko kasi, mapapagod ako. Pagpapawisan ako. Ayoko ng ganon kaya katamtaman lang yung bilis sko. Saktong sakto sa tugtog sa ipod ko. Di ba? Ang lakas makafeeling na nasa music video ka. Kulang na lang yung mga cherry blossom na nalalagas pati yung magandang sunset.