"Pare sigurado ka ba dito sa gagawin natin? Baka naman sa kakainarte ko, mawala siya ng tuluyan sa buhay ko?"
Nasa Coffee bean kami ngayon kasama yung dalawang unggoy na sina Ken at Paul. Si Clint kasi, Killjoy di daw siya umiinom ng kape, wow ha. Si Kiko naman, ayun, nagpapakasanto nanaman kasama si Ms. Tourism ng buhay niya. Kaasar. Kung kalian kailangan ko sila saka pa sila nag-inarte!
"Wala nang atrasan to Ian. Maging matapang ka nga kahit ngayon lang!"
"Matapang 'to noh. Gusto mo bugbugin ko pa kayong dalawa diyan?"
Nagsmirk si Ken. "Matapang ka lang samin, pero ang tanong, sakanya matapang ka din ba?"
Natahimik lang ako sa sinabi niya.
"Okay fine! Duwag na kung duwag. Pero ang bottomline dito mga bregs, I want to win her back. Kaya nga nandito tayo di ba? Mag-iisip tayo ng plano kung paano ko siya mapapabalik sa buhay ko."
"O kaya nga di ba, make her jealous." sabi ni Paul
"Parang ang cliche ng idea na 'to. Wala na bang iba?"
"Ganito na lang, kausapin mo na lang siya. Itanong mo kung ano ka ba sakanya, may pag-asa ka pa ba? Mahal ka pa ba niya? Ganon. Straight to the point. Hindi yung kung anu-ano pang gagawin niyo."
"Sigurado kayo?"
"Ian, tangina naman! Wala naman sigurong masama kung magtatanong ka di ba? May karapatan kang magtanong. May karapatan kang malaman kung ano ba talaga yang pinagdadaanan niyo ngayon. Matapos ka niyang pakiligin, paasahin at pa-inlovein dapat alam mo kung may iniintay o inaasahan ka ba talaga. Walang masama kung magtanong ka ng 'Mahal/ Minamahal o Mamahalin mo pa rin ba talaga ako?' Tao ka din. Kailangan mo lang ng sagot." Medyo affected naman masyado tong si Ken.
"O easyhan mo lang, Ken. Masyado mong dinibdib eh." Sabat ni Paul.
Sige.
The decision is final.
Kakausapin ko na siya.
Yung kami lang dalawa.
Wala akong pakialam kahit mahirapan pa ako o mapahiya o magmukhang tanga. I want to be with her, yun lang. I don't care what it takes. Kahit na hindi na niya ako pansinin at para bang hindi niya ako nakikita, okay lang. I still think she's the best.
Habang nakasakay sa sasakyan ni Paul, di ko maiwasang hindi isipin paano ko gagawing kausapin siya. Napapangiti ako dahil naalala ko kung paano kami nagkakilala at kung paano nagumpisa itong Cat & Dog lovestory namin.
1st year college.
Siguro nga tama yung kasabihan na the more you hate, the more you love. First time I saw her, talagang mainit na yung dugo ko sakanya. She's a filthy-bitch! Ang daming arte sa buhay, puro kolorete yung mukha, masungit, gandang ganda sa sarili, lahat na! Lahat ng ayaw ko sa isang babae, tinataglay niya.