Just Another Boy (1)

37 1 0
                                    

Isang araw..




Dalawang araw..




Tatlong araw..






The End.




Joke lang. Hahahaha!


Kasalukuyan akong nag aabang ng jeep. Haaay. Rush hour. Traffic. Bigti na ko! Bwiset na schedule kasi yan. 2pm - 7pm? Di ako sanay ng ganitong oras umuuwi.


Bakit ba kase ako nagpatuloy ng Pag-aaral? Hahaha! Actually, I graduated already last school year kaso pinagpatuloy na namin para mukang matalino. Hindi kami makuluntento hanggat di kami degree holder.


From Associate in Multimedia Technology to Bachelor of Science in Computer Science major in Application Development.


Oh diba ang lakas makasosyal ng course namin.

Kung itatanong niyo kung ano yang course yan, Di ko din alam. Hahaha! Basta IT related yan.


Kaso another 3 years pa.

Long way to go.


Si Mama lang din talaga ang nagpumilit saken na magtuloy. Iaabsorb na nga sa Intern ko eh. Yun pa naman yung pangarap kong trabaho dahil ayokong ayoko na kase talaga mag-aral that time. But Mom explained everything. Kesyo mas maganda kung ganito, mas machurvaloo pag ganito, blablablah!

At ako na lang yata ang nag-iisang tagapagmana ng business namin.

Hindi ko rin alam yung Business na sinasabi ni Mama. Baka tiga lagay ng sardinas sa lata.


Aish.


Ang pamasahe ko, hindi basta basta nauubos pero ang mga Jeep, konting konti na lang!


Wala talaga kong masakyan!

Putragis. Ayokong pumila dun sa pila. Masyadong mahaba.

Walking distance lang naman yung bahay na nirerent ko kaso fvck nakakatamad kaya maglakad lalo na pag wala kang kasama.

Yung mga kumag ko kasing kaibigan, Ayun first day of class, absent. Di man lang nagsabi na di pala sila papasok edi sana di narin ako pumasok. Mga epal talaga. I don't have a choice but to walk alone. E wala ngang masakyan eh.

Pero buti nga 1 ride na lang yung layo ko from school. Quezon City pa kaya ako dati. Kaya I decided na magrent nalang para di hassle pagpasok. Fortunately, pinayagan ako ni Mom. Knowing her na napaka OC pagdating saken.

Kailangan ko na din kaseng maging Independent para makapagready na ko sa pag aasawa.

Yung mga bagay kung paano magluto, maglaba, maglinis ng bahay yung mga ganon? Dagdag pogi points yun. Bihira kase ang mga lalaking ganyan.

Just Another BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon