Hindi ko namalayang nakatulog na pala ko kagabi. Narinig kong tumutunog yung alarm clock. Kaso bat parang ang layo naman saken. Teka, nasaan ba ko? Bat wala akong makita? Itim ang tanging bumabalot sa kapaligiran. Hindi pwede to. Bulag na ko paano na yung mga pangarap ko?Ano ba kasing nangyari?!
Kinapa ko yung muka ko at natanga ko sa mga sumunod na nangyari.
Sinong Abnormal ang nagsuot ng Sleeping Eyemask sa mata ko?
This is S-H-I-T! That "Putangina akala ko nabulag na ako!" feeling.
Pumasok ako sa kwarto ko para magprepare. Kaso ANONG GINAWA NILA DITO!?
Matutuwa ba kayo pag iniwan niyong maayos at malinis yung kwarto niyo tapos magigising ka na lang na yung mga damit sa Walk-in closet mo sabog sabog. Yung mga balat ng pinagkainang chichirya nagkalat sa kung saan saan at yung Xbox one ko na hindi ko pa nalalaro.
Ayun, buti naman nakaayos na binalik sa box. Humanda saken yung mga tarantadong yun. Tengene.
Mamaya ko na lang liligpitin tong mga to dahil 6:45 am na!
Nagmadali akong pumunta sa CR.
Wait. Maliligo ba ko o magsashower na lang? Whattodo!?
E ganun din naman yun eh. Pag naligo ako, mababasa ako. Pag nag shower ako, mababasa rin ako. Therefore. Maliligo nalang ako tas magsashower at the same time. XD
Nakuha ko pang magjoke sa ganitong kalagayan ko.
After ko maligo, syempre nagbihis na ko. Ugh! Wag naman sanang traffic. Mahal na birtud. Makicooperate ka naman.
Kinuha ko yung bag ko. Inayos yung sleeves ng polo ko tapos nagmamadali akong umalis sa bahay.
Damn. Pengeng jeep dali.
6:59 na. HolyMotherOfGod!
Ugh. Wala na late na talaga ako.
There! Sawakas nakasakay na din.
"Manong bayad, Studyante!" Inabot ko yung buong 100 ko. Yan lang kase yung tanging barya ko. Oh baka isipin niyo Mayabang ako. Wala kayong magagawa ako Bida dito sa story. Hahahaa!
Shemay. Ayaw ko talagang ma late dun. Trigonometry yun men! Terror yung prof plus ang bobo ko sa Math equals NGANGA!
First impression ko, late. Wthh?!
Badtrip talaga. Kasalanan to ng mga kumag na yun. Tae.
Okay. Nandito na ko.
"Manong, ADMU lang." Tapos bumaba na ko. Hulaan niyo kung anong ibig sabihin nang ADMU.
Artemio De Makati University.
Blame the author. Ang corny.Nung nasa gate na ko, saka ko lang naalala yung ID ko. Di pa siya nakasuot saken. Kinapa ko yung Bulsa ko pero fuck. Bat wala. Sa bag kaya? Ah pota, wala din. Nasan ba yun?
7:15 na.
San ko ba naisuksok yun. Help me outttttt!
Ah! Sa wallet ko pala. Bwahaahaha!
*facepalm* Sinuot ko na yung ID ko nang may bigla akong naalala.
"Shit! Yung sukli ko sa 100!" Grr! Ang malas ko talaga ngayon. Tapos kahapon din. Yung totoo? Whats Happening?
Yaan na nga, mas importante yung klase ko. Pumunta na ko sa Academic Building namin.
At ang naabutan ko ay ang sandamakmak na estupidyanteng nag aabang sa Elevator. Waaaah! Napakamalas ko. Hindi ko naman pwedeng akyatin to gamit ang hagdan.